Monday, October 25, 2010

Do the Dead Greet the Dying?

Dear insansapinas,
This was an article written by David Kessler for Oprah.com. 
photocredit

Excerpt of his article:
Throughout my years of working with the dying and the bereaved, I have noticed commonly shared experiences that remain beyond our ability to explain and fully understand. The first are visions.
As the dying see less of this world, some people appear to begin looking into the world to come. It's not unusual for the dying to have visions, often of someone who has already passed on. Your loved one may tell you that his deceased father visited him last night, or your loved one might speak to his mom as if she were there in the room at that time.
It was almost 15 years ago that I was sitting at the bedside of my teacher, Elisabeth Kübler Ross, when she turned to me and asked, "What do you think about the deceased visiting those on their deathbeds to greet them?"
Naririnig natin yan na ang mga mamamatay na ay tinatawag ang kanilang mga namatay ng kamag-anak.
Nang mamamatay ang aking father, sabi ng mother ko, tinatawag niya ang aking lola at lolo. Para bang sinusundo siya.


Sa isang episode ng Ghost Whisperer, nang namatay panandalian ang kaniyang asawa ay sinundo siya ng kaniyang kapatid at ama para itawid sa isang ilog. Sabi ng kaniyang kapatid, matagal siyang naghintay at siya ang natokahang sumundo sa kaniya. Ayaw niyang sumama dahil ayaw niyang iwanan ang kaniyang asawa.



Sa aking paniniwala, marahil ay di rin tumawid ang aking ama para tuluyan na siyang pumunta sa kabilang buhay hanggang ngayong malalaki na kami at malapit ng mamatay ang aking ina.



Sa lahat ng okasyon ay nagparamdam siya, nandoon tumutulong; nandoong nagbibigay ng babala; nandoong nagpapakita ng kalungkutan. Sinulat ko na rito na nang ako ay mag-asawa ng maaga, nakita siya ng mother ko na umiiyak sa puno ng hagdan bago siya nawala. Nandoon din siya noong nabomba ang sinasakyang barko ng aking kapatid. Naroon siya at sumalo sa kapatid kong ilang buwang taong gulang lamang na nahulog sa kama at tatama sana ang ulo sa semento.


Nang malapit ng mamatay ang mother ko, nagrereklamo siya bakit hindi na nagpaparamdam ang aking father. Lalo na sa akin na nang bumaha ng lahar sa Pampanga ay panay ang papanaginip niya na hukayin ko siya. 
Sinunod ko yon at inilipat ko ang kaniyang buto sa isang memorial park. Ilang buwan lang ay pumutok ang Mt. Pinatubo at tinabunan ang sementeryo kung saan siya nakalibing.


Bago ako pumunta sa US ay isinama niya ako sa isang lugar sa aking panaginip. Malungkot ako doon, nag-iisa. Nang nasa US na ako ay doon ako tumira sa malungkot na lugar na iyon. Siguro ang mensahe niya sa akin ay yon ang klaseng buhay na mararanasan ko.


Nang mamatay na ang mother ko, hindi na siya nagpaparamdam. Ang mother ko naman ang madalas magpapanaginip. Sabi niya siguro, toka mo naman ngayon.

Ang anak ng aking kakilala na nakitang patay na marahil nahulog sa mataas na building ay nagpadala ng mensahe sa akin na siya ay takot dahil hindi niya alam kung nasaan siya, wala siyang makita. Walang sumundo sa kaniya. Pareho pang buhay ang kaniyang mga magulang at lumaki na siya rito sa States na hindi kilala ang mga kamag-anak. Posible kayang wala siyang kamag-anak na sumundo o kung meron may hindi niya kilala.


Paano ang mga multong nasa paligid lang? Wala bang sumundo sa kanila at sila ay nasa kapaligiran pa rin kahit ilang daang taon na?


Ang artikulong ito ay nagpapatunay na ano man ang lahi, ano man ang relihiyon at saan mang dako ng mundo ay may ganito palang karanasan.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment