Dear insansapinas,
The results of the CPA Licensure Examination were already released by the Professional RegulationCommission. For complete list of ther successful examinees, check this out.
Out of the 8,216 examinees, only 3,973 or roughly 48 percent passed the licensure exam given early this month in the cities of Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo and Legazpi. A UP graduate topped the exam.
Whoah. Forty eight per cent. Close to half of the number of examinees. Samantalang kami noon, magpapamisa ka na sa lahat ng cathedral pag-umabot ng 30 per cent ang passing percentage. Kaya either:
1. Mas bobo ang henerasyon namin
2. Mas selfish noon ang mga examiners. Kasi noon naisip namin na ayaw nila talagang madagdagan ang mga CPA. Kunti lang ang pinapasa.
3. Mas tamad ang mga examiners. Kahit na may multiple choice na ang aming exam noon, marami pa ring essay type o yong kailangang magsulat ka sa provided blanks. Kaya sabi ng aming mga reviewers, pag gahol na talaga sa panahon, magsulat na lang kahit ano...kahit na Christmas song. Huwag lang lalagyan ng musical notes at wag isusulat by stanzas. Kung talagang desperado, magsulat na lang ng Dear examiner, pakipasa po ako dahil kung hindi magbibigti ako sa puno ng kamatis at mumultuhin ko kayo buong buhay ninyo.
Ngayon ay computerized na ang pagchechek ng test papers kaya mas madaling mareleased ang resulta. Noon, mano-mano at sabi ng reviewer ay nasa awa kami ng mood ng examiners sa araw ng pagchecheck nila. Pag sila ay may baltik, lahat ay walang patawad sa mga hindi nila maintidihang sulat. Isa yan sa training ng accountant. Ang sumulat ng maganda at legible. Ako sulat doctor. I must be in in the wrong profession. naks! Noon habang nagchecheck ay nakaisolate sila para walang hinala na may hocus pocus.
Pero totoo ba na may hocus pocus? Hocus pocus yong may offer na papasa ka o magiging topnotcher ka if the price is right.
Meron kaming kaklase sa Review school na bet daw yon ng isang top university. (Ako di naging bet. BAIT pa oo. yuk yuk yuk). Bago ang exam nilapitan daw siya ng isang representative ng kung anong grupo, hinihingan siya ng libo-libong kuwartaseses, para raw number one siya. Tumanggi siya dahil kampante siya na magtatop siya. Isa siya doon sa mga elite na inaalagaan ng review school. Ako hindi elite. Kulit pa pwede.
Lumabas ang resulta. Wala ang pangalan niya sa pumasa. Hindi siya bagsak. Siya ay conditional. Kahit na mataas ang iyong weighted average, kung isa o dalawang subjects ay may grade kang below 65, conditional ka pa rin. Dalawang subjects niya ang below 65. Kahinahinala.
Sa laki ng disappointment niya, siya ay nadepressed. Hindi siya lumabas ng bahay ng mahigit dalawang taon. Para maalis ang conditional grades, kailangang maipasa ang mga yon within two years after the CPA Board results.
Kaya nang kumuha siya ng CPA Board ulit, lahat na subjects na. Tahimik lang siya. Hindi nakikipagkaibigan.
Hindi kagaya noong matanda naming kaklase na kahit marami nang beses na bumagsak, sige pa rin. Naging obsession na yata niya. Tagadala namin siya ng meryenda. mwehehehe.
Isa sa reviewee na nakita namin ay sikat na business woman. Pag dumating siya, dalawa ang alalay niya. Isang katulong at isang sekretarya. Palagay ko mahigit na sisenta na yon. Nang lumabas ang resulta, nasa top ten yong matandang babae.UHmmmm.
Hindi pa rin nakapasa yong aming kaklaseng matanda at nakapasa yong depressed na reviewee. Hindi nga lang topnotcher. Ako pinakinggan din ang aking mga dasal at mga kandilang itinirik sa Baclaran, sa St. Jude, sa Quiapo at sa Novaliches. Siguro nabingi ang mga Santo.
Pinaysaamerika
hay naku,yung bar ngayon, gagawin nang 80% na multiple choice. i-chech daw muna yung multiple choice, ag di pumasa dun, di na i-check yung essay. pas mahirap ata yung ganun. at least sa essay, kahit papano, makaka-score ka lalo na pag good mood ang checker.
ReplyDeletesabagay, mas mabilis ang labas ng results pag ganun...
nung nag-take ako, panay ang dasal ko lalo na nung christmas na sana maganda regalo natanggap ng mga checkers ko. at sana good mood sila lahat pag notebook ko na. ala namang nag-offer sa akin na nagbebenta ng topnotcher position. yung siguro dahilan kaya di ako nag-top ten. mweheheh
biyay,
ReplyDeletehindi ko nasman alam bakit inooferran pa nila yong pehadong papasa. blackmail ba yon? o paras hindi sila halatado?
may kaibigan akong examiner, wala raw siyang alam. ang alam ko noon ang madalas problema yong leakager kuno. pero ang alam dalawang sets ng exam yan at last minute lang nila ipnararun.
ako oct. kumuha o november, lumabas april. tagal na dasal yon.
pero yong matandang babae na milyonatya, i doubt talaga kung papasa yon. madalas wala. hindi na nman niya kailangan ang title. pero pride siguro.
ako, september nag-take, nalaman ko resulta 1 week before holy week. kaya semana santa, ngiting aso ako. :D.
ReplyDeletekaya ko nalaman ang resulta kasi tumawag ang barkada ko sa manila 4:00 ng umaga. yung tatay ko, ayaw maniwala hanggang di nakikita sa jaryo ang results.
nun mag-sign na kami sa roll of attorneys, yung iba kong mga kasama, me picture taking pa tapos naka-formal attire habang nagsa-sign. kami naman ng friend ko, naka maong lang tas t-shirt nung mag-sign sa roll. nagbaka-sakali lang kami kasi na payagan kami mag-sign ahead sa schedule namin.
ako naman, napanood ko sa TV na lumabas na pero walang detalye.
ReplyDeletealas nueve yata ng gabi yon.biruin mo ang torture sa aking magdamag na hindi nakatulog.
kinabukasan, labas ako ng subdivision para bumili ng diyaryo. ubos. nilakad ko ba naman yang commonwealth na yan para maghanap ng diyayo. Sa Quiapo ako nakabili. Ang layo. Tapos nginig pag bukas ng diyaryo, at ngiting pusa naman ako. :)
ako bukod sa natorture sa kakaisip sa magiging result ng bar(bel) exam ko e napudpod tuhod ko sa paglakad ng paluhod makapasa lang.... ng NCEE.... tas bagsak din pala ka tonto talaga (sabay kalog sa ulo kung talagang my lamang utak),e pano nga naman ako makaka college nya? pumasa
ReplyDeletenga ako sa entrance examination papasok ng college e di rin ako makapasok kasi bagsak ako sa NCEE mwehehe.
buti nalang dina ko kayang ipag college kung hindi
sasama lang loob ko,biro mo nakapasa nga ako ng college entrance exam tas kung sakali at nakapasa rin ako ng NCEE, tas di rin naman pala ako makaka college, baka nagbigti ako sa puno ng kamatis kung nagkataon sa sobrang frustration at depresyon mwehehe.
pero sabi ni mader "di rin"
kasi daw super hate ko daw magaral at ni minsan di nya ko nakitang humawak ng libro at notebook para gumawa ng assignment at o mag review nagrereklamo mga guro,kundi raw ako nangaaway sa klase, dumadaldal at pag tahimik means tulog... biruin mong naka 7 taon ako sa hayskul jejeje(mon)
~lee
naalala ko yong husband ng aking nakilala dito. taga middle east yon na nag-aral sa pinas.
ReplyDeletesabi niya may taga kuha raw sila ng NCEE. dahil halos magkakamukha sila, di raw halata na substitute lang yong nag-eexam. di ko alam kung gaano katotoo.
pwede ba naman yung ganun mam? e kahit pa nga magkakamukha sila e diba naman alam nung mga kaklase at teacher na sya yun o hindi? maliban nalang kung ang kukunan ng exam e di run mismo sa skul nyo at di rin mga kaklase mo makakasama mo.
ReplyDeletekung sa bagay baka nga sa malalaking skul na halo halo na studyante sa dami,di gaya nung nag hi skul ako na tig dadalwang section lang kada year tas 30 lang kami sa kada room (mga kicked out sa private skul yung mga kasama ko at mga transferee mwehehe)
~lee
sa middle east yata siya tapos ng high school at ilang taon sa college. para makapasok sa college natin required din yatang kumuha ng NCEE.
ReplyDeletenaku sa public school noon, minsan daming studyante. buti kong kilala ng mga teacher yon. sa private kasi limitado lang ang students.
naku mam, yung pinasukan ko nung last 2yrs ng hi skul ko(after 5x pabalik@ mwehehe) public yun,kung baga sa tao e special child...hahaha,naku mam,kilalang kilala kami lahat ng mga maestra dun e panung hindi? lahat ng studyante puro notorious hahahaha yung mga teachers graduation kolang nakitang nagsingiti susme, at ka tinayo talaga yung skul nayun na from 1st yr to 4th year tigdadalawang section, para dun sa mga isinuka nung mga private at public skul sa paligid, pero later on nung malaman yun nung bagong umupong mayor e
ReplyDeletenagalit kasi diraw tama na idiscriminate kami oha bwahaha, at
yung mga maestra namin at maestro mga tinapon din, bakit kamo
tinapon din?yung dalwang maestrong lalaki parating lasing
at mas marami pang sermon at mura kesa lecture hehehe,kaya after nung graduation nung batch ko,one more year yung pinatapos pa then
close na sya...tsuk.
~lee
meron din aking teacher noon. science ang subjct pero politics ang pinag-uusapan kasi wala siyang prepared na lesson.
ReplyDeletelee, todo palakpakan siguro teachers ninyo nung mag-graduate kayo, no? hehehe
ReplyDeletebiyay,
ReplyDeletenauna pang malasing yong mga teachers.
Parang iskul bukol. mwehehe