Tuesday, October 05, 2010

Anong Nangyari Kay Pari Damaso

Dear insansapinas,
Si Pari Damaso ang isang tauhan sa Noli Me Tangere ni Jose Rizal.

  Marami ang nagsasabing siya ang simbolo ng Simbahan na nakikialam sa Pamahalaan. Sino siya at ano ang nangyari sa kaniya. Nagkaceasefire din ba sila ni Crisostomo Ibarra?


Si Pari Damaso ang kura na hindi tinantanan si Crisostomo Ibarra ng pasaring tungkol sa kaniyang namatay na ama sa mga pagtitipon kung saan sila nagkikita. Sa pasinaya ng paglagay ng bato sa itinatayong paaralan ni Ibarra para sa mga kababayang naghihirap, hindi nakatiis si Ibarra at muntik na niya itong saksakin. Kung hindi sa pagpigil ni Maria Clara, sana ay napatay na ni Ibarra si Pari Damaso.


Kilala ang masamang ugali at mapang-aping pari kaya marami ang nag-isip na may katwiran lang na saktan ni Ibarra ang pari. Pero sa takot ng mga taong mabulid sa impyerno dahil naniniwala sila na ang palaging may katwiran ay ang mga prayle, tumahimik na lang sila.


Si Pari Damaso ay balak ipadala sa Tayabas, ngunit nagkasakit si Maria Clara. Ang kaniyang pag-iyak sa kalagayan ng dalaga ay inisip ng mga taong malaking pagmamahal sa " inaanak" sa binyag.



Nang "mamatay" si Ibarra, nagpasiya si Maria Clara na pumasok sa kumbento. Walang nagawa si Pari Damaso. Mahal na mahal niya ang kaniyang anak na si Maria Clara. Doon niya nasambit na meron ngang Diyos na nagpaparusa sa kasalanan.


Siya naman ay inilipat sa malayong lugar kung saan namatay siya sa bangungot o sama ng loob habang siya ay natutulog. 


Nasaan na ang mga Pari Damaso sa kasalukuyang panahon? Nandiyan pa rin sila. Nakikialam.


Ngunit ang kanilang pakikialam ay iba ang mga pananaw. Kapag sila ay kampi sa mga taong nasa kapagyarihan, sila ay mga martir...kagaya ng mga paring sumasama sa demonstrasyon, mga madreng nasa EDSA at mga pagpapahayag ng mga opinyon political.


Kapag sila ay sumalungat sa pamahalaan, sila ay mga Pari Damaso. 

Naniniwala akong pakialamero naman talaga sila. Kung hindi, bakit magiging malakas ang Vatican sa buong mundo. 

Oh hane, ako ay may appointment muna sa doctor para tusukin ulit. 


Pinaysaamerika

14 comments:

  1. Anonymous3:50 AM

    hahaha my tusok appointment ka pala.
    buti nga e dina gano sila nakekelam kasi marunong na rin mga tao,karamihan e pumapalag na rin.
    kung ang mga tao ngayon e kasing panatiko sa relihyon nung araw e marami paring abusadong pari nakagaya ni damaso,di
    na nga lang uubra ngayon yung mga ganung pagabuso nila sa kapangyarihan.
    yung lola ko e dating madre tumakas lang,tumalon sa pader,naikwento ko sayo kung bakit diba?yun na yun hehe.
    ~lee

    ReplyDelete
  2. alam mo yang noli me tangere ngayon ay nilinis na ng simbahan bago pinagamit. alam ko sa unexpergated talagang matindi ang pagbatikos sa mga prayle.

    Sa huling kabanata sa Noli, nabanggit doon na bago naging obispo si PAri Salvi (siya yong may gusto kay Maria Clara) ay naassign siya sa kumbento kung saan pumasok si Maria Clara.

    Hindi na nabanggit sa Noli, itinuloy na sa Fili na isang mongha ang nagpakamatay o nakitang nawalan ng bait sa isang kumbento.

    mad maganda pa ito sa mga nobela ni Sidney Shieldon. hehehe

    ReplyDelete
  3. Anonymous8:35 PM

    hehe oo nga mam, diba nabangit ko sayo dati na yung naka lathala at nakalabas na noli at el fili e mga audited na ng mga pari,kasi dun mabubuko lahat ng mga kalokohan nila,nung araw kasi nung buhay pa lola ko mahilig magkwento samin bago matulog lalo na pag weekend
    talagang yun ang inaabangan naming mga apo nya bago matulog,ang mga kwento nya samin e beyond child stories hehe.
    pati yung experience nya sa kumbento naikwento na, pero yung mga nangyari kung bat sya tumakas,at yung kanyang life after kumbento e si mader na nagkwento nung nasa tamang age na kami kasi nung mamatay si lowla e 16 palang ako at sa tingin nya e
    dipa proper na ikwento yung ganung mga pangyayari.
    pero mam tunay ka dyan,mas magaganda ang kwento dyan kesa sidney at patterson hehe.
    speaking of stories,itong 3 pocket book na binili ko,diko parin masimulan till now.
    ~lee

    ReplyDelete
  4. Di ba may kwento ako tungkol doon sa naging drug addict at naging baliw.
    di ba ang huli ay ipinagtapat ng namatay niyang kinagisnan na ama na ang tunay niyang ama ay isang pari at ang kaniyang ina ay isang matatawag na celebrity.

    may nakasama ako noon sa isang opisinang may girl pren na dati madre. Ito ang hindi pa nagsisilabasan sa closet ang mga nagtatago.

    ikinukuwento nila kung paanong meron ding mga affair at mga selosa sa loob.

    Buti na lang hindi ako pumasok sa kumbento. sabi ng kapatid ko, magugulo ang loob.

    may tatalong Linggo na akong may nobela ditong binabasas, di ko matapos.

    Tungkol ito sa Vatican at kung paanong maglaro ng pulitika ang Simbahan sa iba't ibang bansa.

    Masyadong mabigat basahin. kailangan ko ng katuwang.

    ReplyDelete
  5. At hindi ko rin naikukuwento na noong college ako at kumukuha ng isang kurso, may mga buto kaming pinag-uusapan habang nakatambak ang sangkatutak nabuto sa harapan namin. Naikwento ng aming lab prof na maraming nahukay na skeleton ng mga babies sa isang kumbento sa Maynila.

    ReplyDelete
  6. Anonymous2:32 AM

    mismo mam, yung mga buto?sa ilalim ng altar?my kwento rin si lowla dyan kung pano ginagwa pero di mga buto,at kung bakit my hospicio de san jose? na ampunan ng mga bata pero puro mga babaeng bata lang?nsan ang mga batang lalaki?at bakit ang higpit nilang magpaampon na dapat mayayaman ang mga aampon?santisima mam,pag tayo nagkaharap kulang ang isang buwan satin chikahan bwahaha.
    aaaay oo mam,till now curious na curious pako kung sinung celeb yung nanay nya,ang lungkot ng kwento ng buhay naman nung isang yun mam,di ako maka move on,till now ginugulo ako ng utak ko kung sinu yung celeb na nanay hahaha.
    naku mam,sana pala nagmadre ako para marami akong nakolektang fafa bwahaha kaso karamihan e mga nasa closet nagtatago baka wala din akong nahuleng tunay na fafabol hahaha.
    ~lee

    ReplyDelete
  7. lee,
    sabi ko nga ang aking kaalaman noon sa pinas ay mga sa libro lang nakuha.

    nang dumating ako dito sa States at saka nakapagbiyahe rin ako. saka ko nakita ang buhay.

    hindi sa ilalim ng altar nakuha yong mga buto. Kasi binuwag na nila ang kumbentong yaon. nasa intramuros daw. Sa balon yata at basement.

    hinala nila mga anak ng madre na nirape ng mga pari.

    ReplyDelete
  8. Anonymous5:30 AM

    mam,ang kwento ng lola,my mga balon at may balon din sa ilalim ng altar kasi mas safe dun at di pwedeng kung sinu sinu pumunta.
    pag lalaki daw ang inianak ng madre yun ang inihuhulog at
    pag babae yun ang napupunta sa hospicio.
    ang lowla,kaya tumakas kasi
    virgin pa ipangreregalo sa
    dumalaw na obispo,mestisa
    ang lowla e galing sa angkan ng espaniol e, kaya nung tumakas sya e ayaw maniwala nung tatay nya na debotong saradong katoliko nakakandado at naka kaha de yero pa.
    naku mam,ako nga din e nung nsa pinas basta singkit inchik at basta maitim at mabalahibo bumbay jejeje.
    iba talaga pag nasatin kalang at nakarating na ng ibang bansa,
    masakit mang pakinggan e
    sa totoo lang naman,pag sa pinas kalang at walang ibang narating na lugar e kahit gano ka katalino e ignorante kapa rin,pasalamat
    na nga lang at my internet na
    na atleast dina ganun ka ignorante ang mga di manlang nakalabas ng bansa.
    kaya nga hangat maaari e yung mga bata at yung si mader e talagang inilalabas ko from pinas kahit once a year lang,kayalang
    ngayon mas gusto nyang kesa sa ibang bansa pumunta e dun
    nalang daw satin mag tourist at bago manlang daw sya pumanaw e marami syang makitang lugar sa pinas,which is i agree naman,kahit ako gusto ko din.
    teka,nawawala nako sa topic mwehehe.
    ~lee

    ReplyDelete
  9. wow, pangregalo sa obispo. ala pari salvi.

    buti hindi pa siya nilagyan ng ribbon.

    kasi sa pinas, limitado ang interaction ng mga tao sa kanilang mga kasamahan o mga peers.
    kaya yong impormasyon limitado rin.

    kagaya ng hindi ko alam noon na maraming nakatira noon sa bus stop at sa mga kariton. kasi ang aking lugar na pinupuntahan ay yong hindi mo sila maoobserbahan. walang oras magsmell ng roses...kasi pollution ang maamoy mo.

    tapos dito sa us marami akong nakasamang mga pinoy na walang tinapos pero nagpursigi lang. ang kaibigan kong matalik dito ay naging DH sa Saudi at muntik muntikanan na siyang marape ng amo niya. kung matulog siya 4 na oras lang sa isang araw.

    tapos nandoon pa ang nanay niya na halos ipagbili siya.

    marami ring hiwalay sa asawa, maraming mga foreigner ang asawa pero inaapi naman.
    kaya minsan may mga tao na nagsusulat tungkol sa ibang kultura, hindi naman nila alam dahil hindi pa sila mismo nakapunta sa lugar. minsan praise nila ang isangbansa, hindi nila alam ang corruption, matindi rin.

    ang mga blogger na tinatawag na traidor ang mga ofw at mas ipinagpapalit daw ang pamilya sa pera ay hindi pa nakaranas ng kahirapan.

    at kung nakaranas man ng kahirapan ay kumikita naman ng pera sa masamang paraan.

    ReplyDelete
  10. Anonymous7:31 AM

    hay naku mam,kaya nga yung iba e nakarating lang ng ilang beses ba?
    2x a year daw ba o 3x a year sa singapore (sus libre lang naman pala) e sikand homme naraw nya ang singapore?(sabay ayuz ng zumbrerow at tutok ng kodak sa building)

    di nila pwedeng i judge yung mga kababayan nating kumapit
    sa patalim sa ibang bansa,ang mas ija judge kopa e yung mga tamad na tao na wala lang ginagawa,hindi kumikilos,pero walang tigil kakasisi sa gobyerno sa kahirapan nilang inaabot pero habang sinisisi ang gobyerno e nakikipaglasingan sa kanto
    na yung alak na iniinom e inarbor lang sa dumayong ligaw sa looban(kinikilan lang)at yung mga babaeng yung mga anak e naglisaw sa kalye naghahanap ng makakain habang sila e nakasalampak sa sugalan at naglulustay ng
    perang kinita nung mga anak,cheh nawawala nanaman ako sa topic mwehehe.
    san na nga ba tayo?di ba kay padre damaso topic natin?
    ~lee

    ReplyDelete
  11. Anonymous7:39 AM

    kasi mam,nature ng trabaho ko gumala sa lansangan,maghanap ng adres lang na binigay sakin,
    kung saan saan ako napupuntang looban,labasan at kung saan saang kalye e biro mo bibigay sakin adres lang e basta ko ba mararating yun ng
    basta hanap lang?syempre naliligaw ako,kung
    san saan ako nasusuot,kaya kita ko lahat yan,tapos ang unang opis pa na napasukan ko e sa avenida(hehe oo mam,sa my odeon)kaya lahat ng klaseng kahirapan,basura at
    lahat na ng miserableng tanawin e nakita ko na,anung lugar paba sa manila ang diko narating?wala nakong alam,lahat yata napasok ko,mayaman mahirap na lugar,
    at hangang dito sa abroad
    lahat ng klaseng pinoy,my
    idea ba mga tao dyan na my mga pinoy na nagtitinda sa bangketa ng bangkok ng bagoong?nagaalok na magbubuhat ng pinamili mo?
    pag tatanga tanga kapa e sya pa mandurukot sayo mwehehe.
    pinoy magtatrabaho dito sa abroad sa halagang 100usd a month?
    magpapaalila na sila pa babayad ng visa nila?inaabuso ng mga amo
    at para di ipadeport papayag na maging alila kasama na pagiging sex slave sa halagang 100usd?
    tapos yung mga taong humuhusga e puro freebies lang naman
    kaya nakakaliwaliw abroad?(sabay dukot sa bag nung kanyang free na ipad).
    tigilan nila tayo,tigilan nila tayoooo mwehehe,nawala nanaman ako sa topic,obyus bang
    sinasadya na bwahaha
    ~lee
    cheh nila

    ReplyDelete
  12. lee,
    salbahe ka talaga.
    nasa topic pa naman yong mga tamad na magulang kasi pinag-uusapan natin si padre damaso at ang relasyon nito sa RH bill.

    ReplyDelete
  13. maraming Pilipino rin sa SF na nagtitinda ng saluyot, bagoong, tosino sa flea market sa Civic Union, sa Mission St. at sa Juniperro Serra sa Daly City.

    Sa Sacramento sila nagtatanim ng mga saluyot at iba pang gulay na Pilipino.

    Meron noon sa consulate office nagtitinda ng balut, mani, boy bawang, butong pakwan. May sala siyang malalaking tote bag.

    Hueag mong isnabin, can afford siya magpatangos ng ilong, magpafacelift at iba pang pagpapaganda.

    ReplyDelete
  14. yong mga nasa airport, ang iba sa kanila, doctor o kaya mataas ang pinag-aralan.

    pero kumpara sa mga Tsikano, maayos pa ring ang mga Pinoy.

    ReplyDelete