Dear insansapinas,
Tumawag na naman ang aking kaibigan. Tinatanong kung ano ang difference ng angioplasty at by-pass.. Yong kaibigan ko sa New York na slim at healthy-looking at bata pa ay nagkaroon ng angioplasty, a year ago. Para raw yong baradong tubong papasukan ng balloon catheter para linisin ang mga nakabara.
Mahilig tumawag sa akin yon para lang ipaalam na masarap ang kinakain niya, adobo, lechon, at iba pang artery clogging food.
Yon namang naging tenant ko ay nagkaroon ng by-pass. Diabetic naman siya. Ang by-pass naman ay may inilalagay na graft para siyang daanan ng dugo dahil barado nga ang arteries. Parang dinivert ang flows.
Sabi niya bakit daw ganoon kamahal. Yon daw palang Php 1.5 million ay hindi kasama ang doctor. Sabi ko maraming doctor kasi ang involved diyan, hindi lang doctor sa puso. Lahat yan magpapadala ng separate na bill. Icoconsolidate na lang sa statement sa hospital.
Yong insurance na sinasabi nilang magrereimburse ay travel insurance pala. Hindi naman nagtanong tungkol sa medicare o medical insurance. Wala namang travel insurance na kinuha. Hindi naman ako pwedeng gumawa ng inquiry sa medicare nila dahil Canada naman yon.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment