Sunday, September 05, 2010

Mga Yaya

Dear insansapinas,
phoocredit:MSNBC

Dumating na ang kapatid ng aking kaibigan mula sa Pinas. Pinitetion siya ng kanilang nanay noong 1998 pa. Dala niya ang kaniyang anak. Hindi niya kasama ang kaniyang common-law husband. Hindi sila nagpakasal kasi mapapawalang bisa ang petition ng mother niya na green card holder. Mapupunta yon sa petition ng mga US citizen para sa mga anak na overage na at married pa. Hindi lang twenty years ang bibilangin doon. Pwedeng isang century.Toinkk.


Pero hindi yan ang pag-uusapan natin. Ang pagtsisismisan natin ay ang kaniyang biyenang hilaw na nandito na sa States ng dalawampung taon na pero hindi naman pinetition ang kaniyang mga anak. Di siguro niya alam kung paano o ayaw ng kaniyang anak na siya namang kumuha sa kaniya noon para magbantay sa kaniyang mga apo.


In short, yaya ang kanilang nanay. Dito pag US Citizen ka na at more than 65 years old ka ay tatanggap ka ng SSI kahit di ka nagtrabaho. Unfair nga. Minsan mas malaki pa ang tinatanggap ng mga SSI beneficiaries kaysa sa mga Social Security pensioners. Magkaiba yong dalawang yon. Yong SSI na supplemental income  ay state ag nagbibigay; samantalang ang Social Security pension ay Federal. Ano ang kaibahan ng dalawa?

Ang SSI ay hindi mo pwedeng dalhin kahit saan. Lalong hindi mo pwedeng dalhin sa Pinas. Iba-iba rin ang patakaran at halaga ng ibinibigay. Ang Social Security ay base sa contribution mo habang nagtatrabaho ka. Kung gusto mong magretire sa Pinas, madadala mo ang pension na yon.


Makukuha lang ito ng mga taong umabot na ng 65 yong iba ay 66 o 67 at may balak pa ngayong taasan ang edad sa 70, dahil wala na raw pera ang Social Security.


Balik tayo na biyenang hilaw. Tumatanggap na siya ng mahigit na walong daang dolyareses, buwan-buwan. 
Aside from that, kumikita pa siya sa pagbi-baby sitter na under the table. Ibig sabihin, walang tax dahil hindi reported.

Pero, subali't, datapwa't ang kaniyang anak ay kinukunan siya ng renta sa bahay ng $ 500 at ang iba naman ay pinadadala niya sa mga anak sa Pinas.


Biruin mo sabi niya. "Noong maliliit pa sila  at hanggang lumaki, hindi ko sila siningil ng renta sa bahay, ngayong matanda na ako, at napalaki ko na ang mga anak nila, sinisingil na ako ng kinakain at tinitira ko dito. Ako pa ang tagaluto at tagalinis dahil parehong nagtatrabaho ang mag-asawa."



Kaya ang kapatid ng kaibigan ko na manugang niyang hilaw ay titira sa kanilang ina na siya namang nagbabayad ng titirhan nilang kuwarto. Pag nagkatrabaho raw siya ay siya na ang magbabayad ng upa dahil ang mother nila ay gusto nang magretire. Siya ay 67 na sa susunod na taon. Pero may bago na naman siyang role. Baby sitter ng apo niya na walong taon. Hay buhay.


Pero matindi pa rin yong isa kong kaibigan na hindi ko na kaibigan. Nakakahiya eh. Tumatanggap din ng SSI ang kaniyang mother. Nagtatrabaho sa restaurant ng mahigit walong oras. Nagbibigay din siya ng parte sa pambayad ng bahay at nagpapadala sa kaniyang mga anak na walang trabaho sa Pinas. Ang anak niya rito na kaibigan kong hindi kaibigan ay living as if mayaman siya. Hindi nga sila nagrerenta, nagbabayad naman sila ng amortization sa bahay.


Ilang taon na ang mother niya ? 79. Sa atin gagantsigansilyo na lang yon kung hindi nanonood ng Eat Bulaga. Kaso wala siyang pera pag umuwi siya. Hanggang kailan siya magtatrabaho? Ewan ko.


Pinaysaamerika

2 comments:

  1. Anonymous7:21 AM

    tsk, nakakapaginit ng ulo yung mga ganyan... dapat e sila naman ang bumawi at magsilbi sa magulang...hay,ang papel nga naman ng magulang oo
    sabihin ng obligasyon ng magulang na palakihin,alagaan,pagaralin etc etc ang mga anak at di naman tamang pangatawanan ng mga anak yung salitang, di obligasyon ng mga anak ang gawin yung ginawa sa kanila ng magulang vise versa...
    pagalagain mo ang magulang ng mga anak mo ng libre sa halip
    na nagrerelax na yung mga matanda dahil sa pagod sa pagtaguyod sayo...singilin mo nanay mo ng 500 sa renta?anu ka hilo?
    dapat nga ikaw pa magbgay...
    diba nila alam na ang walang respeto sa magulang ay walang pagsalang mamamatay???
    teka prrrrrt, breaaaaaak,bakit
    ako nagpi preach?di naman ako priest ah? mwehehe

    ReplyDelete
  2. alam mo may mga celebrities dito na pinalaki ng kanilang mga mahihirap na magulang, pinatatayuan pa ng bahay yong mga magulang nila at binibigyan din ng monthly allowance.

    ReplyDelete