Monday, September 27, 2010

Emotions, Emoticons, Emote koh

 Dear insansapinas,


Gusto kong mag-emote. Eksyus lang. Gagamitin ko ang emoticons para maexpress ko ang aking emotions sa mga balita.


 According to wiki:
An emoticon is a textual expression representing the face of a writer's mood or facial expression. Emoticons are often used to alert a responder to the tenor or temper of a statement, and can change and improve interpretation of plain text.The use of emoticons can be traced back to the 19th century, and they were commonly used in casual and/or humorous writing.Take note humorous writings.
Itong emoticons sa ibaba ay ginamit na noon pang 1881. Sey. 

1. Pero iba ang gagamitin kong emoticon. Ito ang emoticon ng confused. Yong bang parang si Sisa na lalapit saiyo at tatanungin ka, ikaw ba si Basilio?

(( (?_?)))

Ito mula sa GMA7.

 Aquino boasts of $2.7-B investment pledge from US
Ito mula sa  Philstar.
 Noynoy back today, brings home $2.4 billion in investments
  Ito mula sa Manila Bulletin.

RP Gets $2.8-B Investments

 O nakita ba ninyo bakit confused ako? Ano ba talaga teh ang halaga, bakit yata hindi pare-pareho? Mali ba ang pagkarinig o iba-iba ang sources kasi tatlo nga ang nasa Communications Group.

llll^o^llll lol

 2. Ito ang emoticon ng taas kilay. Parang sinasabing, haah, pakiulit nga.

(o_0)

  The Department of Education (DepEd) is looking forward to a textbook-free education.


But the cost will be high but nonetheless this represents a substantial reform as the Philippines moves into a more information technology (IT)-based education mode, DepEd officials said.
 
Before Luisto revealed the DepEd-USAID meeting on a textbook-free education, Angara mentioned a possible shift from textbooks to a computer-based education after DepEd officials told Angara that their textbook budget for next year is P3.65 billion.
“It is not too early to study such technology,” Angara, a former University of the Philippines (UP) president, told Luistro.
Angara pushed for this radical shift in education as the cost of computers in the international market is decreasing with price tags ranging from $100 per computer in the US to $37 per computer in India.
Pakibaba nga ang kilay ko. Upuan nga lang ng mga school children, wala pa. Yong nanalo sa isang photo contest na Filipina, ang photo niya ay isang batang naglalakad sa mga baku-bakong kalsada na nilalakad niya ng isang oras bago marating ang iskwela. PAlagay ko walang kuryente doon. Ngayon gusto pa nila gagamit na lang ng computer para walang textbook. Hilew. Internet lang sa Pinas ang bagal pa, tapos ito ang iniisip nila dahil mura naman raw ang computer sa India. Hindi lang naman computer ang total cost niyan. Baka kamala-mala, isang gamit lang isang taon, patay na ang computer na yon.  Marami sigurong mabubulok na computer imbes na mga textbooks.


Napanood kaya nila ang Legally Blonde. Kahit may kaharap na computer ang mga students sa klase, marami pa rin silang binabasang mga textbooks.


At sino naman ang baliw na author ng libro na magpapublish ng kaniyang trabaho ng libre sa internet? 
Eh ngayon lang kulang ang mga informationg makukuha sa internet at ang iba ay mali pa. 


Pag hindi ninyo nakuha ang point ko, kailangan ninyo ng intelligence funds. Yong mga nasa budget para tumalino ang mga cabinet secretaries. Aroroy.


3. Ito ang emoticon ng umiiyak at galit.




(;_;) (>.<)

Female law student lost legs in bar exam bombing.

MANILA, Philippines (3rd UPDATE) – A female law student lost both her legs while another one had to have one of her legs amputated following the blast that hit the final day of the 2010 Bar exams in Manila on Sunday. 
Doctors amputated both legs of one of the victims, Raissa Laurel, because of severe injuries caused by an explosion outside the De La Salle University (DLSU) campus in Taft Avenue, Manila.
The 25-year-old Laurel, a 2nd year law student at San Sebastian College, was among the 44 people injured in a melee between alleged warring fraternities.
She is now recovering at Philippine General Hospital’s (PGH) intensive care unit.
Writing her answers to questions from ABS-CBN's Julius Babao, Laurel said that she was in the “wrong place at the wrong time.”
Naiiyak ako sa nangyari sa babae. Nagagalit ako sa mga gumawa nito na pati ang ibang tao ay idadamay nila sa kanilang giyera kung ano man ang giyerang yaon. 

 Ang kasalanan lang nga student na ito ay magbigay ng emotional support sa kapwa niya law students na kumuha ng bar exam.


Kailangan talaga yong suportang yon kasi pagkatapos ng exam, mixed ang feelings mo. Depressed, emotional dahil di mo alam kung papasa ka.


Pagtake ko ng CPA board noon. First week, pagkatapos nang maghapong pagtake ng exam, tatanungin ka ng susundo (kung may susundo  O may rah rah girls)saiyo,kumusta. C ba?  Sagot ka ng Let's See. o kaya LECHE huwag mo akong tanungin. 


Ikalawang Linggo, tatanungin ko P na ba?


At iyong huling araw, tatanungin ka kung A na ba? Biglang kang sisigaw ng AHHHHHHHHHHHHH.
Biglang hinimatay.


Pinaysaamerika

14 comments:

  1. ito na ang code nila ngayon: "pasok sa banga" pag nakapasa,
    nobody learns naman sa mga ganyang pangyayari, mainit ang news for 3 days, after that malamig pa sa halohalo dahil wala naman tayong batas na meron pwersa, i think the last batas na meron talagang nakinig eh yong meron binaril dahil drug pusher kapanahunan pa yata yon ni Marcos, may uhug pa ako noon

    ReplyDelete
  2. nung mag-take ako ng bar, kung pwede lang lang ayaw kong malaman ng mga tao na nagte-take ako. tapos pag-pasok ko sa la salle, ang dami daming tao mag-che-cheer sayo. kung pwede lang kainin ng lupa. tapos istorbo pa kasi hirap na hirap kang sumagot tapos naririnig mo kaguluhan/celebration sa labas.

    ReplyDelete
  3. naawa ako doon sa istudyante. doon sa mga nasaktan. kung totoo ngang fraternities ang may kagagawan, hindi na nga sila nagtatanda sa mga taong namamatay nang walakg kapararakan dahil lang sa mga ego nila.

    bigyan mo ng eggs.

    ReplyDelete
  4. ang hirap mag-aral ng law pagkatapos mangyayari pa yang mga yan.

    siguro kung hindi ako maagang nadapa at natuliro at nagpakasal ng maaga, nag-aral din ako ng law. kaya lang yong nga lang accounting, hirap na akong magdidivide divide ng aking time sa pag-trabaho, kailangan magresign ako para makapagconcentrate at pagiging may bahay.

    alam mo bang nanumpa ako noon sa PICC nang nag-iisa. May bagong baby ako. OO Birhinya, buntsees ako noong nag-rereview ako.

    ReplyDelete
  5. Anonymous7:11 PM

    diko alam kung matutuwa akot di ako nakapag aral kaya di ako nakunsumi at di sumakit ang ulo ko, isa lang kasi ang alam kong bar mga madam, yung bar ba na maraming alak at cocktail sa halip na ballpen at test paper ang kaharap.
    sa totoo lang nakakahiya ako,ganyan kainit ang balita satin pero wala akong alam???
    aside from bc bchan dto e etong site molang halos ang napapasok ko mam,dito nalang ako nakikibalita kasi alam ko namang updated ka pgdating sa mga current events,mga balitanews at mga chismis mwehehe.

    dito kasi ma elementary, ma high skul at ma college, pag sinabing my exam yan, di lang bawal mag ingay ang mga studyante... kung sinu lang ang kukuha ng exam, sya lang ang papasok sa campus, di lang bawal magbusina ang mga sasakyan, imagine ang layo na nga ng campus sa main road e pg my exam ang mga studs, obligado isara ang kalsada at walang dadaang sasakyan,kesehodang umikot kayo ng malayo pero bawal kahit andar ng sasakyan na marinig ng mga studs.
    tapos ang mga magulang nakaabang sa labas ng gate,yeeesss sa labas ng gate habang nagrorosaryo(este wala pala silang rosaryo) habang nagmumuni muni at naghihintay na magsilabasan yung mga anak nila for a break kasi ang mga ina my mga dalang masasarap at masustansyang lunch para sa mga anak na nag eexam, para eka masarap ang kain e maraming maisagot sa test.

    re mga computers instead textbooks,malaki nga naman ang kickbacks kapag ganun(puro nalang kickback nsa isip ko mwehehe).
    nakita ko yung sinabi mong naglalakad na bata sa picture na bako-bakong kalye mam somewhere na nanalo.ganung ganun kami nung nagaaral pa kami(wala nga lang bakubako kasi sa manila my kalsada)pero 5 kilometro yata nilalakad pagpasok,argh,kaya tawasin mo man ako,ayoko ng magaral that time jejeje,e bago ako makagradweyt ng hay skul mas malaki pa yung binti ko kakalakad kesa katawan ko mwehehe.
    ~lee

    ReplyDelete
  6. kailangan siguro lumabas ang ating deped sa kaniyang lungga at bisitahin ang mga iskul. yong mga suggestment niya para lang sa mga private schools na mayayaman ang mga istudyent. sus ginoo.

    sa probins namin, hindi kalsada ang nilalakbay. dagat. sila ay namamangka dahil ang school ay nasa isang island. alangan naman kasing maglalagay ng isang school sa bawa't island kung ang mga nakatira ay iilan lang.

    ReplyDelete
  7. dito lee, dahil sa la salle lang yung bar exams, malapit na malapit sa taft. tapos ang daming naghahatid. sarado ang part ng taft sa may la salle. habang naglalakad ang examinee papasok ng gates, yung mga naghatid na law students/professors/graduates, andun din across the street at nagche-cheer. may banda pa at may mga megaphone pa. kung sineswerte ka pa, tatawagin ang name mo. tapos ang mga schools, kantyawan pa yan.
    pag last day naman, babaha ng beer. papaliguan ka ng beer paglabas mo. may parada pa.

    ako noon, mga bandang alas tres ng hapon, nadidinig ko na ang ingay sa labas. minadali ko pag sagot. una, dahil sa sawang-sawa na ako. ikalawa, gusto ko mahabol ang oblation run. :D. buti na lang pumasa ako. :D

    siguro, nag-umpisa yung away sa mga kantyawan. wala naman dati ng mga ganun eh. nung mga nakaraan, may truce ang mga fraternities pag bar. kawawa yung mga inosenteng biktima

    ReplyDelete
  8. Anonymous7:42 PM

    @biyay, buti ka pa, kayo nila mam cat pumasa ng bar(ako parado din kahit saang bar hehe) ako nga e kahit NCEE diko pinasahan nheek.
    halos lumakad pako nun ng paluhos sa simbahan makapasa lang sa NCEE kaya nung 45 lang nakuha ko e para akong pinagsukluban batya at timbang my lamang ladahin.
    sabi ni mader wag na raw akong ma upset kasi di na naman ako magka college(malay naman nya kung sinipag ako) di naman daw kakailanganin,e yung validictorian nga daw namin e bagsak din (wa ako paki sa kanya hmpt)
    kaya nga sabi ko talaga born looser talaga ako,mukmok ako sa sulok at kinakalog ko ulo ko kung may laman nga talagang utak,baka myth lang na my utak ako mwehehe,kaya mula nun naisip ko,ang ulo ko e di para lagayan ng utak,ang ulo ko e para lang kapitan ng buhok para my silbi ang suklay,kaya mula nuon every month,iba iba ang style at kulay ng hair ko para naman my pakinabang ang ulo ko,oha!

    kaya nga sabi ko sa anak ko,pati bituin at buwan ipinangako ko na mapasok lang sya sa la salle,
    kaso inisnab lahat ng offer ko,ayaw daw nya sa lasalle uhaaaaaaaaa mas ginusto pa kasama mga kaberks nya sa skul nya ngayon kesa sa lasalle (dun din naman halos same place lang) awa ng juice, ayun nung umwi ako ng pinas parang proud pa 4 bagsak nya subject uhaaaaaa sakin pa yata magmana ng utak este ng hairstyle.
    ~lee

    ReplyDelete
  9. lee,
    hindi ako pumasa sa bar. Walang siyoktong at tuba doon.

    yong margarita, pamapaalis ko ng sore throat. nilalagyan ko ng kalamansi yong asin. nyu nyuk nyuk

    ReplyDelete
  10. biyay,
    it's been years na nagturo ako sa La salle. sa Taft entrance ako noon dumadaan.Di ko mataandaan kung may covered walkways doon. Pagdala ko kotse, doon sa likod ang daan ko.

    ReplyDelete
  11. Anonymous7:22 AM

    speaking of sore throat mam, brandy ang magaling dyan, dipa ko nakatikim ng syoktong at tuba e pati lambanog,matapang ba?sabi nga matapang daw.
    e ang pinakamatapang na alak ng nainom ko e Absinthe (70%), talagang paglagok mo e aangat pwet mo sa upuan at mapapatalon ka.. hindi pedeng dika tatalon hahaha.
    ~lee

    ReplyDelete
  12. Anonymous7:33 AM

    wow mam, dika lang stud ng lasalle, prof kapa, tamo nga naman yan hehe 2 sa colleague ko dito lasalle grad at yung 2 UP Diliman at Iloilo at yung 2 Adamsons at Mapua,kaya pag nagharap harap pag my meeting kami kunyari bisi ako kakabasa kakahiya e alam kasi nung iba FEU ako (syempre yung mga fwends ko alam nila hindi) di nila alam Recto branch... jejejemon pala hahaha.
    dito naman kasi di big deal yung san ka nagaral,anung natapos mo...
    dyan lang naman satin my descrimination anung skul ka e depuger pare pareho lang kami ng posisyon pagdating dito,actuli mas nakakalamang pa nga ako ng posisyon mwehehe.
    pero sa totoo lang mam,
    sana lang talaga nakatapos ako,iba rin talaga yung my natapos e
    kompara sa walang natapos,
    posisyon sa company aside, sweldo aside, iba talaga yung my natapos lalo pa sa mga kilalang skul e, sa pagiinglis palang halata na hehehe,my finezzz e ako parang sanggano daw ako magsalita mwehehe para bang ang dating palagi e kanto boy,tapos dumagdag pa sangrekwang tato e para ng sangganong kanto boy na ex-convict bwahahaha
    ~lee

    ReplyDelete
  13. hindi ako stude sa la salle, lee.
    graduate ako ng isang unibersidad na ang nagsusustento ay taxes ng mga tao.

    totoo ka diyan sa sinabi mo. noong nasa pinas ako mga high falutin words gamit ko. pag kasama ko yong mga academicians, madalas nauubusan ako. wala akong dalang ice box para makapagfreeze mang lang ng mga malalim na English na sa kalaliman, huhukayin mo pa. nyuk nyuk.

    pagdating dito kung di rin lang naman mga nasa academe ang aking kausap, mas simpleng English mas maiintindihan nila. Halos walang degree ang mga staff except sa mga execs o corporate officials.

    pero talagang ang mga gamit kong mga salita ay pangsanggano rin.

    ReplyDelete
  14. yong tuba, maliit pa ako nang matikman ko. yong bago pa lang. matamis. yong siyoktong, natikman ko noong minsan speaker ako sa isang livelihood seminar sa probins. ang mga nagaattend ay mga may backyard piggery, mga cooperative members ng fishermen at mga women na mga nagtatahi ng mga rugs.

    sponsored yon ng isang NGO na funded ng German Christians.
    pag gabi, inuman ang mga kalalakihan. Isa rin ako sa mga "Boys." pero isang lagok lang.

    ReplyDelete