Saturday, September 04, 2010

Emerald Garden at ang Traidor

Dear insansapinas,

photocredit
Hindi naman pala command post ang Emerald Garden, nagutom lang pala si Mayor Alfredo Lim kaya pumunta sa restaurant na ito.Tapos doon na nagpuntahan ang mga taga Palasyo.
(Around 6:45 p.m., I told General Magtibay I had to go. I told him, 'General, this will take a while. We have to play a waiting game, let’s see, Mendoza might get sleepy, tired, it might take until morning.’)

Lim then invited Magtibay to join him at the restaurant before 7 p.m. Interior Undersecretary Rico Puno and National Capital Region Police Office head Director Leocadio Santiago were with them at the Emerald restaurant, but the mayor did not mention that President Benigno Aquino III was also there.
In short, nagutom si Mayor Lim at kumain. Pero hindi command post yon.  Extension daw. Ano kaya ang inorder ng mga dumating? toinkkk


Sandali bakit natin pinag-uusapan ang Emerald Garden?


Paborito ko ang Emerald Garden mula nang inaayos ko ang papel ko paputa sa US of Ey. Yong may-ari ng recruitment agency ay may opisina malapit doon. Tuwing magpafollow-up ako ng aking papel, niyaya  akong mag lunch sa Emerald Garden ng bruja. Akala ko naman libre. Yon pala ako ang pagbabayarin . AT Hindi PA yan, nangkakaray pa siya ng mga kasama kaya madalas isang lamesang bilog ang okupado namin. TSEH. magulang. di bale, nakasuhan din naman yon. karma  talaga.


Pero hindi yan ang Traidor. 



Ang traidor ay yong aking naging assistant. Ang pinakakamataas na pinuno sa amin ay gusto talaga akong maalis kaso protektado nga ako sa batas na hindi basta maaalis. Hindi siya makapagcorrupt. (Nang umalis ako, nagawa niya lahat). Si karma talaga laging nakaabang.  Ayon natanggal din, wala raw retirement benefits at balita ko may kaso.


Isang birthday ko ay inimbita ko ang aking mga alipores sa Emerald Garden. Kasama si Hudas na ang eyebrow pencil ay baliko-baliko. Sa aming pagkakatuwaan, di ko napansin na panay ang tanong niya kung ano ang mga balak ko sa buhay dahil alam ng aking mga kaibigan ang aking paniniwala. Kailangan laging may progreso sa buhay ko bawa't taon. Ako naman salita ng salita. Di ko alam ipagbibili niya ako hindi sa tatlumpong pilak kung hindi sa upuan kong interesado niyang upuan. Kung sinabi lang sana niya, hindi lang upuan ang ibibigay ko sa kanya, kung hindi mahabang bangko.
Hindi rin niya nakuha ang upuan. Di siya qualified eh. Hindi naman siya kaklase, kasambahay at kasangga. Ginamit lang siya. Buteh nga.


Nagtaka na lang ako nang malaman ng pinakamataas ang mga naganap sa birthday party na iyon. Ang aking assistant daw ay diretsong nagreport kung ano ang mga naganap. Sabi ng aking kakosa sa may opisina ng mga escribas.


Ang Hudas, Barabas, Hestas. Sayang ang pinakain ko sa kanya. Sana dinala ko na lang siya sa Harbor View at tinulak ko sa tubig pagkatapos kung pinakain ng nilasing na hipon. Tseh.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment