Tuesday, September 14, 2010

Beef Stroganoff si Lady Gaga

Dear insansapinas,
Tinalo niya pagkagimikera si Cher at si Madonna. Si Lady Gaga talaga kahit ano susuotin kahit magistula pa siyang timbangan ng karne.


Kung beef ito, niluto ko na ito sa slow cooker na beef stroganoff at kung ito naman ay pork, pwede kung gawing adobo. mmmmmm.

Pati hair accessory niya karne. Parang gusto kong habulin ng soy sauce at budburan ng black pepper saka pigaan ng kalamansi. yum.

Eh sabi may maggot na raw. Bah parang yong karneng baboy damo sa itaas ng lutuan ng mga lolo at lola ko. Smoked meat pero may nahuhulog na mga uod. ngiiii. Pero masarap naman pag inihaw na at pinagpag ang maliliit na uod.

Kumakain ba kayo? Good. Mawawalan kayo ng gana. Ilang calories din ang bawas.

Pinaysaamerika

9 comments:

  1. nakakain na ako nung makita ko pic. sarap ng dinner ko: paksiw na malasugi. di ko na nga kinain yung alimango sa gata. burp!

    ReplyDelete
  2. ano ang malasugi?

    ReplyDelete
  3. wow, awag naman espada, ano pa ba. ang gusto ko diyan prito o kaya ginataan. sarap.

    ReplyDelete
  4. Anonymous1:24 AM

    gusto ko syang ihawin mam lol...
    inihaw na gaga,ok ah.
    yung espada na isda gusto ko dyan mam palulutingin sa pagka prito,yummmm. tapos my kamatis na sawsawan, salot sa kanin pag ganyan ang ulam kainis.

    ReplyDelete
  5. masarap ang inihaw pag sa baga. dito kasi sa amin bawal ang live coals kahit sa patio.

    ang dami kasing puno rito. lalo pag fall dry ang mga leaves kaya pwede siyang maging cause ng sunog. kaya nagtitiyaga ako sa George Foreman grill. iba pa rin ang lasa.

    ReplyDelete
  6. Anonymous9:23 AM

    totoo ka dyan mam,bago pa man
    ako umwi satin palagi kong napapanaginipan ang
    inihaw,inihaw puro inihaw kaso yung
    garden sa likod ng bahay na pwedeng pagihawan e
    kabilang pader namin e my pahingahan na kubo na my pawid kaya nakakatakot paglipad
    ng alipato sunog.
    dto sa china nakakatakot
    kumain ng inihaw talaga kasi yung uling na gamit nila e di mukhang uling,my chemical daw yun,amoy naman pag my baga na parang plastic na sinusunog,
    at di galing sa wood yung uling,
    artificial din lang

    ReplyDelete
  7. dito ganoon din ang uling. hindi galing sa kahoy. iba talaga sa pinas na yon bang uling talaga, either kahoy o bao ng niyog. tapos, may lilipad-lipad na langaw. hehehe

    ReplyDelete
  8. Anonymous10:12 AM

    hahaha kala ko my lilipad lipad na alipato

    ReplyDelete