Monday, August 16, 2010

The Rules of Leaving Relationship with Class

 Dear insansapinas,

Maraming nagsasabing bakit pinapatulan ang telenovela nina James Yap at Kris Aquino. Sabi ng isang blogger daw, parang mga manang ang mga nakikialam.


Sa aking pananaw naman ay kapupulutan ito ng aral:
1. kagaya nang pagpadeclare ng marriage ng null and void para hindi makahabol sa community property ang parehong spouse, kesehodang maging illegitimate ang anak kaysa humingi ng annulment.(Isa pa mas mabilis daw ito kaya kung nagbabalak kang makipagrelasyon ulit, pagbababang luksa lang ang hihintayin mo). 
{{{^_^}}}

2. ang mga violations sa mga rules ng mga naghihiwalay na hindi lang sa Pilipinas applicable kung hindi sa lahat ng lahi with some exceptions.


Sorry, hindi ko nakuha ang link, pero isa sa mga rules ay 


1. don't discuss about your intimate relationship with your husband--or to be blunt about it, don't talk about sex with your husband.(huwag mong sabihing di na kayo nagsisiping lalo sa prime time pa).


2. huwag kang hihingi ng paawa o kakampi sa mga taong nakapaligid saiyo.(lalo kung pagkakuwartahan ang intriga, at ang pangalan ng kakampi ay nagsisimula sa letrang B).


3. NEVER SPEAK ILL ABOUT YOUR IN-LAWS. Alam ko maraming may galit sa in-laws.

Sabi nga sa isang article about leaving a relationship: 

But if you can exercise a little self-restraint during the worst of times, you’ll show everyone (including your ex) that you’ve chosen the high road..


Ilang araw din siyang naghintay na huwag magsalita pero dahil sa insidenteng hinabol pa ng sheriff si James Yap, kasunod yong abugada niya (anong sinasabi niyang hindi niya alam) at maraming tao ang naturn-off, sinagot niya ang NEGATIVE raw na remark ng kanyang mother-in-law.



"Kasi, alam mo naman si Kris, di ba? Iba talaga kami. Mahirap lang kami. Sila, mayaman. Wala naman akong tutol na porke't ganoon siya. Hindi, wala ako niyan. Yung sa ano lang, siyempre, sa buhay namin, angat siya sa amin. Parang ayoko. Parang tutol ako ba... Pero sa huli, gusto ng anak ko, wala kaming magawa. Kami ng papa ni James, e, nandiyan na 'yan, wala kaming magawa," paliwanag ni Mrs. Yap.





Pwede siyang magreact. O kaya ay sundin na lang niya ang sinabi ng kapatid niya na kahit sinong ina ipagtatanggol ang anak.

Anong reaction niya?
“Mapapanood po 'yon ng apo ninyo at some point in time kasi nasa Internet na. Nanay po niya ako. Kahit anong gawin ninyo, lumabas siya sa sinapupunan ko. Ako po ang magpapalaki, ako po ang magsusumikap para maitaguyod si Baby James. Masakit po para sa akin na 'yong apo po ninyo, sisiraan ang nanay niya sa kanya. Kasi magkahiwalay po man kami [ni James], kadugo ninyo pa din ang anak ko.”
Anong sinisiraan? 
Kung ganito ang sinabi niya, maaring sabihin mong kahit may katotohanan ay nagsasabi talaga ng TOTOO (gulo ko).


"Kasi, alam mo naman si Kris, di ba? (MATAPOBRE) Iba talaga kami. Mahirap lang kami. Sila, mayaman. Wala naman akong tutol na porke't ganoon siya.(PAPALIT-PALIT SIYA NG PARTNERS...)  Hindi, wala ako niyan. Yung sa ano lang, siyempre, sa buhay namin, angat siya sa amin. Parang ayoko. Parang tutol ako ba... Pero sa huli, gusto ng anak ko, wala kaming magawa. Kami ng papa ni James, e, nandiyan na 'yan, wala kaming magawa," paliwanag ni Mrs. Yap.

At bakit siya lang ang nagpapalaki sa kaniyang anak? Bakit wala man lang siyang retrato na dinala niya ang anak niya sa mga lolo at lola nito? 



Kris adds, "Magsakripisyo na ako, manahimik na ako, magpakumbaba na ako. Handa 'kong gawin 'yon dahil ganoon ko kamahal ang anak ko. Sana po kahit konting pagmamahal bigyan ninyo din ang anak ko.”


Mananahimik? 


Ngork ngork ngork (oops ang lakas ng aking hilik).


Anong leksiyon ang matutuhan dito? Manalamin. Sa salamin, makikita ang sarili kung ang pagsasalita ba ay para sa anak o para sa sarili. Gumamit ng glass cleaner para malinis ang salamin.

Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment