Sunday, August 01, 2010

Nakakauyam

Dear insansapinas,

Ang ibig sabihin ng nakakauyam ay nakakasawa. Ayoko nang pag-usapan si Kris Aquino. Kris is Kris sabi nga ng mga tagahanga niya .Pero dalawang personalidad na hindi naman nasa showbiz ang nagsulat o nagpaalala rin sa kaniya. Si Ellen Tordesillas  na pulitika ang banat ay hindi nakapigil sumulat tungkol sa kaniya.


Noong proclamation ni Noynoy bilang pangulo, habang paakyat sila sa entablado, nakita nila si Chiz.Sabi ni Noynoy daw sa kanya, “’O Kristina, si Senator Chiz.’ Nagpasalamat daw siya kay Escudero na tumulong kay Noynoy sa kampanya. Tapos, dinadagdagan niya:” Senator, sa 2016, puwede tayong magtambalan, at may slogan na tayo: Chiz si Krissy!’ Sagot daw ni Chiz: “Game ako diyan!”

At the end, ito ang isinulat ni Ellen:
Kahanga-hanga ang pagiging prangka,. Ngunit may limitasyon ang maa-aring sabihin mo sa publiko. Kapag sobra, malaswa na pakinggan.

Marahil ito ay ang pagbanggit ng menstruation at ng hindi pagsiping ng pitong buwan sa asawa.


Kahit si Obispo Soc Villegas ang isa sa nga spiritual adviser ng pamilya Aquino ay hindi nakatiis: 



“Kris,” Villegas began toward the end of his homily to the surprise of many in attendance at the La Salle Greenhills gymnasium, “as you continue to stay in the limelight of show business and go up higher in your career on television, remember—all of these things will pass.”
“Your beauty and talents are not yours; they are God’s,” he went on. “You will find your real happiness, as your mother did, not in being in the limelight, but by being the spotlight lighting the face of Jesus.”
 Kulang na lang sabihin ni Obispo na magbago ka na. 


Pati simbahan, naguguluhan kay Krissy. Toinkkk


Kahit hindi mo siya isulat, titiyakin naman ni Boy Abunda na maraming intriga at kontrobersiya siyang maluluto para sa kaniyang BFF.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment