Dear insansapinas,
Hindi pa tapos ang teleserye na ito. Marami lang akong binabasa ngayon kaya hindi ko maasikaso.
Kung Kailangan Mo Ako Part 11
Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa
Dahil sa sobrang lulong ng asawa niya sa bawal na gamot, siya ay ipinasok na ng kaniyang pamilya sa rehab.
Ito ay bago nila sinipa si Nova sa kanilang bahay. Nag-iisa si Nova sa lugar na iyon, walang kamag-anak at walang masyadong kaibigan. Isang pari lang ang tumulong sa kaniya para siya maipasok sa rehab.
Paglabas niya ay tinulungan siyang lumipat sa isa sa mga siyudad sa labas ng San Francisco. Dahil magaling naman siya ay binigyan siya ng trabaho ng isang mag-asawang Pinoy. Pinag-aral pa siyang maging nursing assistant para sa gabi ay makapagtrabaho siya sa ospital.
Hindi siya nagtagal sa ospital dahil sa kaniyang mga ginagawi. Minsan naririnig siya ng mga pasyente na humahalakhak nag-iisa sa toilet. Minsan naman ay nakikita siyang umiiyak habang kinakausap ang mga ibon sa lobby ng nursing home.
At pag kasama mo siya ay bubulong-bulong na para bang hinahanap si Crispin na totoo naman dahil namimiss niya ang kaniyang anak na pinagkait ng kaniyang biyenan.
Lumalala ang kaniyang paranoia kaya tinulungan siyang maalin ang kaniyang depression sa pamamagitan ng gamot at therapy.
Maayos na siya nang makatanggap siya ng balita mula sa Pilipinas.
Malubha ang kaniyang ama na nagtakwil sa kaniya.
Tuluyan na siyang iniwanan ni Tommy habang hinihintay ni Manny ang kaniyang tawag.
Pinasya niyang umuwi,
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment