Dear insansapinas,
Carnappers
Sunod-sunod ang balita tungkol sa mga nakakacarnap ng mga sasakyan at ang huling balita ay ang pagkakapatay sa lider ng car theft syndicate lung saan ang mga miyembro ay naidenify dahil sa Facebook at Twitter accounts.
Pero iniimbestigahan ang hinalang rub-out ang pagkamatay niya. Hmm.
May kaibigan ako na nacarnap ang kaniyang kotse. imagine ko itinaas pa ang kamay noong kotse noong sabihing carnappers sila. :)
So kaladkad ako ng aking kaibigan sa Cavite. May kilala siya roong manghuhula na ang specialization ay mga nawawalang bagay. Payat ang manghuhula na sa kapayatan ay kailangan sigurong lagyan mo ng batong nakatali sa kaniyang paa para hindi liparin ng hangin o kaya lagyan ng sipit habang nasa malapit sa sampayan.
Pero magaling daw sabi ng kaibigan ko na huwag mong isnabin, may doctorate sa business administration at may sariling kumpanya.
Sa kagalingan nga pati nga ang nawawala niyang asawa nakita eh. May kasamang artista. Toinkk.
So balik tayo sa carnapping. Nakita noong manghuhula na nakaparke sa ilalim ng puno. Sus Ginoo, batok sa sarili, ilang milyong puno ba meron sa Pinas. Rolleyes ako.
Pero sinabi ang lugar. Sa Antipolo. Binigyan kami ng direksiyon. Isip ko baka kasabwat yon ah.
Sabi niya, hayaang pulis ang pumunta dahil militar daw ang nagcarnap. Susmaryosep na hindi pa nakapagsimba ay nagkakape na.
Nabawi ang kotse niya. Nakalimutan ko na kung ano ang ginawa. Dahil ang isa pa niyang problema ay ang plalaging nawawala niyang asawa. toinkk
Drug Mules
May balita (hindi ko mahanap ang link ) na alam na pala sa Airport na may dalang droga si Congressman Singson pero hindi nila hinuli dahil sa connect kaya tinip na lang sa HK.
Noong ako ay nasa Pinas pa at "pasyalan" ko ang Singapore. Batok sa sarili. Aray. Hindi po ako pinadadala doon kung hindi daanan namin yon pabalik sa Pinas. Nandoon ang connecting flight namin. Minsan mahaba ang aming layover at ako ay pinipeste ng isang lalaking gusto lang sigurong practisin ang kaniyang English ay kinakausap ako habang ako ay nagbabasa ng isang mysery/thriller novel. At padaplis-daplis ang hawak sa aking kamay. muntik ko nang karatehin. Uhmmm. siyanga pala nasaan na ba tayo?
So, sumama ulit ako sa city tour. Haynaku, ang kasama ko nag-eenjoy kasi panay siya bili. Ako tamad magbitbit. So usap kami ng tour guide. Sinabi nga sa kin na mahigpit sa Singapore sa illegal drugs. Kamatayan ang penalty sa mga mahuhuli. At hindi kagaya sa Pinas, meron silang aso na sumisinghot kung may dala kang drugs sa iyong abasto. Sey.
May nahuli nga raw sila noon na kunwari mag-asawa na may dalang baby na patay na pala. Yong drugs nasa loob ng katawan ng bata. Yong aso hindi talaga huminto ng kakakahol at tuwing hihilahin nila dahil ayaw nilang magising ang baby, lalong umiikot ang aso. Huli sila.
Ewan ko kung binobola ako ng tour guide na yon.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment