Saturday, July 03, 2010

The Wedding

Dear insansapinas,

Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 10

Ang problema, pera. Sus. Hige, padala siya ng pera. Nanganak, nagpadala ng pera at tinulungan ang nanay na makakuha ng titirahan, yong malapit sa trabahong nakuha kaya wala talaga siyang pera. Napasukang trabaho ng nanay niya, Environmental associate aka, janitress. At least kahit magsisixty na siya, nakakuha pa rin ng trabaho dito sa States. Hindi sumama si Dina, kasi ang kasama ng nanay niya ay ang kapatid niyang nabiyuda na asawa ng dati niyang asawa. Ang gulo anoh. Ako rin naguguluhan. Ganito yon, nang magdivorce si Dina, pinakasalan noong matanda niyang asawa yong kapatid niyang nakakatanda  at dinala rito sa States. Pagkatapos makarating dito, namatay ang matanda. May cancer pala, hindi sinasabi. Maganda naman ang intention ng matanda at mabait naman talaga siya.


Nang dumating ang fiance ni Dina, dalawang damit lang ang dala. Dito na lang daw sa States, mamili.


Pag fiancee o fiance visa, kailangan mapakasal within 90 days kung hindi marerevoke ang visa, so naging WEDDING PLANNER naman ako. Pag sa simbahan, maghihintay pa ng 6 months kung minsan. Ewan ko huwag ninyo akong tanungin kung bakit. Wala namang masyadong kinakasal dito.  Isa pa walang pera si Dina. Eh dito sa States ang gumagastos ng kasal ang babae. Remember ang movie na Father of the Bride?


Eh ako naman Kaibigan lang ng bride.


So sa huwes kami nagpunta. Para sa amerikana ng magiging asawa niya, nagnhiram ako sa aking close friend. (close friend kasi naniksik sa upuan, hehehe). Siya na rin tuloy ang driver namin, witness sa kasal at photographer.(at pagkatapos ng kasal, inarbor na ng husband ni Dina ang amerikana, kapal talaga).


Bitbit ni Dina ang kaniyang baby. Saan ka nakakitang kinakasal ay may bitbit na baby?


Nandoon din ang mother ni Dina pero wala ang kapatid niya. May pasok at baka magsigawan na naman doon, wala akong dalang duct tape.


Pagkatapos ng kasal, punta kami sa Burger King. hahahaha. Doon ang reception. Basta ba makasal eh.


Wala na nga ang nanay ni Dina sa bahay, panibago na namang problema yong asawa ni Dina. Sus, naninigarilyo rin pala. Pati yong antique kong ash tray (crystal siya na nilalagyan ko ng abubot sa aking coffee table), binasag. Pati ang mug ko na may pangalan ko, binasag. May galit ba ito sa mga babasaging bagay? Kung mukha niya kaya ang basagin ko. Guwapo raw eh, sabi ni Dina. Hmph.


Ipinasok ni Dina sa trabaho. Good. Makakahanap na sila ng sarili nilang tirahan at iwan na nila akong nanahimik. Doon din sa tinatrabahuhan ng nanay niya. Sa Laundry naman siya. Pagkatapos daw labahan ang mga linen sa ospital, natutulog doon sa pinagtutupian. Dala pa rin ang kaniyang K. Katamaran.


Dahil sa pareho silang nagtatrabaho, minsan iniiwan sa aking ang bata. Nanny naman ang role ko. Arghhhhhhhhh.


Ang bata naman, kilala na yata ako. Pag pinandilatan ko siya, tahimik siya. Pag dating ng mommy niya saka mag-iiyak. Buwan lang ang edad niyan ha.


Pero panahon na para maghiwalay ang aming landas. (music please). Yong kapatid niya at nanay niya ay nag-away naman. Akala ko gagawin akong mediator nang sinabi niya sa akin. Utang na loob. Magsabunutan na sila. Makikisabunutan din ako.


Umalis daw ang kapatid, nag-alsa balutan. OWENO.


Hindi kayang bayaran ng nanay niya yong one-bedroom apartment. Kaya daw lilipat sila at makikihati.


Nalungkot din ako. Pero pag nakikita ko ang asawa niya, kulang na lang na ako ang mag-impake ng gamit nila, iblam ang pinto at lulunin ang susi.


Nanahimik na nga ako at nanonood ng aking paboritong series ng isang araw, tumunog ang telepono. (Sumusobra na ang teleponong yan). Si Dina. Kung pwede raw akong makausap.


Eh kinakausap na nga niya ako eh. Personal daw. Sabi ko kung pera ang problema mo, magsama tayo. hehehe Pautangin niya ako ng 10 dollars at papautangin ko siya ng five.


Hindi umepekto ang aking joke. Corny kasi.


Mamaya, narinig ko yatang suminghot. Ang asawa raw niya, iiwanan na siya.


Muntik kong malulon ang telepono kung ito ay cordless. Hanubayan, wala pang 90 days.


Abangan.


Pinaysaamerika

2 comments:

  1. Anonymous6:00 AM

    "KA-BLAG"
    hinimatay ako... ay gusto ko palang himatayin, napakabusisi at napaka diwarang buhay yan oo, diko yata kayang pasukin ang ganyang kagulong buhay,tatakbo ako
    sabay sigaw ng "BATMAN".
    ~lee

    ReplyDelete
  2. meron talagang mga tao na pag hindi magulo ang buhay nila boring. hehehe

    ReplyDelete