Tuesday, July 06, 2010

The Office

 Dear insansapinas,


Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Part 1

Parehong exclusive school ang pinagtapusan ng ating mga bida. Si lalaki na tatawagin nating si Brad (brader sila magtawagan) at si Babae na tatawagin nating si Angelina.


Si Brad ay grumaduate sa isang exclusive school for boys sa Alabang noong high school siya at sa MIT para sa kaniyang kursong engineering. Judge ang nasira niyang tatay at malawak ang lupain nila sa Batangas at sa Quezon Province. May paupahan pa silang bahay at board and care home ang mother niya rito bago siya nakarating sa States. 

Talagang barya lang sa kanila ang perang para sa isang buwan ng panggastos ng ordinaryong tao. Ibig sabihin, hindi lang mga foor ang nagmamigrate sa US.


Pinetition siya ng nanay niya; nag-overage sa tagal ng processing kaya matagal siyang nakarating sa States. (pag kasi over 21 na ang penitition, siyam -siyam na ang hihintayin na taon bago makarating dito. Kaya noon dinodoctor ng marami ang birth certificate ng anak nila hanggang i-require ng INS na bc lang na certified NSO ang tatangapin. Kaya kung minsan may mamimeet ka ditong tao na bata pa ang edad pero ang mukha, kasintanda na ni Mahoma. toinkkk (sandali bakit naligaw na naman ako).  


Si Angelina  naman ay nagturista at nagpapetition ng working visa pagdating dito. May sekreto siyang taglay. 


Ano ko sila? Dati ko silang kaopisina na hindi ko naman nakasabay.


Wala na ako sa opisina nang dumating sila. Pero ako ang takbuhan nila pag mayroon silang problema sa kanilang boss.


Unang nakita ko si Angelina noon sa LA office namin. Hindi pa siya empleyado doon. Nagsishare lang siya sa apartment ng aming accountant kung saan tumutuloy ako pag ako lumilipad ng LA.


Tahimik siya pero kahit na grumaduate siya sa exclusive college sa Pinas, natuto siyang maghugas ng pinggan, magluto at magvacuum. Mahahalata mo lang siya ay galing sa mataas na strata ng sosyedad dahil siya ay may finesse at may grace kung kumilos. Yon bang measured ang steps kung lumakad. Hindi kagaya ko lakad maton.  Pero pag humabol siya sa bus, nawawala lahat ang grace na yon. Hitsura ng Olympian sa pagtakbo.  Katulad ko rin siyang maghahabol ng bus na nagkakandarapang huwag maiwanan.Pag siya ay tumawa, nakatakip ang kaniyang bunganga. Pati pag-ubo ay may style. Uhum, pahid ng bunganga. Uhum, pahid ng bunganga.

  Nang ako ay umalis sa opisina, siya ang pumalit sa akin. Iniwanan niya ang LA. Ang working visa niya nakatali sa kumpaniya kaya di siya pwedeng tumanggi.


Walang samaan ng loob. Ayaw ko na talagang magtrabaho doon. Ang kuripot ng may-ari at kung hindi ko pa piliting gumawa ng check sa payroll, iiwanan ang mga taong naghihintay samantalang  tatakbo siya Reno para magsugal.  Ganiyan siya kasama at kaganid na mangani-nganing gamitin ko na ang karayom sa sako para siya matusok. Nakita naman ninyo, pangarap ko ang magtanggol nang naapi, kaya ako palagi ang nakabalandra sa opis niya para magreklamo. Parang bitbit ko ang DOLE.

Isang weekend, niyaya ako ni Brad at Angelina kasama ang isa pang kaibigan na may boyfriend rin na mamasyal sa Monterrey. May lumang simbahan doon at may park kung saan ang mga squirrel ay makikipagphotoop saiyo. Totoo yon walang bola. Pag click mo nang camera, nandoon sila. parang istatwa. Kasama ko rin noon si Dina dahil nga sinasanay ko nga siyang matuto sa mga tamang gawi. Baka sakaling mabahiran ng pagkafinesse ni Angelina.


Sa lumang simbahan, gusto kong kumanta ng LUMANG SIMBAHAN at ipako si Brad doon sa krus. Tahimik kasi. Nakasunod lang kay Angelina.  Magkahawak kamay sila pag naglakad. Bulong ko sa kaibigan ko kung magboyfriend na ba? Sabi niya hindi raw niya alam. Hindi gumagana ang radar ko. Hindi ko narecharge.  Masyado silang malihim. Malalaman ko rin yan.



Mga ilang weekend pa, may nagdoorbell. Si Brad. Hindi kasama si Angelina.  Kung pwede raw tumuloy. Tinanong ko kung may dalang pizza. Wala raw. Pero pwede siyang bumili. Kako bumili muna siya, gasolina para sa utak ko kung ano man ang ikukunsulta niya. Ganiyan ako kababaw. Bigyan mo lang ako ng pizza, tuturuan na kitang gumawa ng spreadsheet, financial statements at pati Quantitative Methods. At pagmeedyo sinisipag ako, pati paggantsilyo tuturuan ko sila.

Seryoso pa rin. Pero napansin ko malungkot. Kung si Dina, pasan noon ang daigdig, si Brad  naman ay pasan ang daigdig na may nakapatong pang ibang planeta. Nakisakay pa ang mga bituin. *heh*


Palagay ko problema sa puso at palagay ko alam ko kung sino. Kahit ako may sipon, naamoy ko. Pero bakit?


Abangan.


Pinaysaamerika

5 comments:

  1. Anonymous4:35 AM

    uhum, mukhang hindi ito yung sinabi kong storya ah, mukhang mas exciting jejeje.
    ako mam di ako talaga pedeng takbuhan ng mga nawalang kalabaw este ng mga my problema sa puso, unang una wala naman akong puso huhm, ikalawa,di ako mahilig makinig ng drama,gusto ko yung
    kung hindi comedy atleast advanture na tumatalong talon at lumilipad lipad at dumadayb dayb...
    pero mukhang ok nga itong isa, mukhang si sosyalera yung ka duet sa iyakan ni dina dun sa nakaraang story ah,..
    shuttup lee, magbasa ka nalang...
    abangan.
    ~lee

    ReplyDelete
  2. siguro yong later na love story niya. ito yong talagang true love niya.tatapusin kp rin yon. lahat bitin kasi.

    ReplyDelete
  3. ikaw pala ang di lumalabas sa radar. one comment pa rin. hehehe talagang gueriila ka.

    ReplyDelete
  4. naku ako yata. hehehe

    ReplyDelete
  5. Anonymous9:43 AM

    nagloloko nanaman nga e
    ~lee

    ReplyDelete