Sunday, July 11, 2010

The Letter

Dear insansapinas,


Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Part 6.

Si Angelina, sinabi sa akin na nagfile ng leave si Brad.
Ahhh
Bakit daw kailangan gawin niya yon.
Ahhh
Hindi naman niya dadalhin sa opisina si Billy kasi ihahatid at sundo niya ito sa ospital na papasukan.
Ahhh


Anong masasabi ko eh di ahh. Nasaktan yong tao at palagay ko maghahanap ng ibang trabaho para lang malayo sa kanila. 

Pagkatapos ng ilang buwang paghahanap ng trabaho at pakikipagblind date, balik square one si Brad. Sa opis. 


Nang tinanong ni Dina kung bakit wala siyang napiling girl friend, eh hari rin naman siya ng laitero. Yon daw isa napabayaan sa kusina.

Gustong tadyakan, alipustain, batukan ni Dina si Brad, pero malakas lang na ARAY ang sinabi niya. Kung inalipusta niya si Brad, makikialipusta rin ako, sabay tingin sa weighing scale.



Isang gabi, may nagdoorbell. Si Angelina. Himala ng mga himala, alam pa niya ang bahay ko. Ang tagal din niyang hindi tumawag, dumalaw o nagparamdam. Hoke lang, baka busy-ing magbahy-bahayan ng kaniyang boy friend. Wala naman akong balita na pwede na akong humigop ng sabaw. Baka nag-iipon pa. Lahat credit din ang pinundar niya sa love nest nila ni Billy.

Pagkatapos ng beso beso na hindi sumasayad, ohm, ohm, inabot niya sa akin ang isang table napkin na hindi yong karaniwang ibibigay saiyo sa fastfood. Ito yong malambot, mas malapad at matibay ang papel na ginamit. 


May napkin, walang kasamang to-go-na pagkain?

May nakasulat sa napkin.


Nakaaddress kay Angelina, galing kay Billy. Akala ko mga love notes nila. Binasa ko. Toin toink toink, nagtaasan ang mga buhok ko sa galit.

Siyempre may pasakalye na siya raw ang may kasalanan. Wala raw siyang masasabi kay Angelina. (talagang wala siyang masasabi dahil libo-libo ang ginastos ni Angelina makarating lang siya sa States na pati ang college diploma niya ay kailangang ayusin). Narealize daw niya na nakita na niya ang tunay niyang pag-ibig.

Isang pinay na nurse sa ospital (nurse na naman). Ilang buwan lang ang nakalipas, true love na ang pinag-uusapan nila. Oh yong mas malaking kinikita noong nurse at madali niyang makuha ang greencard?

Pagkatapos kung basahin, tinanong ko si Angelina kung anong balak niya. Hihintayin daw niyang bumalik. Nandoon naman daw lahat ang binili niya. Wala naman daw nilang gamit kaya palagay niya babalik. 

So sabi ko, kung gusto niya, doon na muna siya matulog sa bahay. 
Tumanggi siya kasi nagpahatid lang daw siya kay Brad. Ang kotse palang binili rin niya ng hulugan ang dala-dala ng lalaki. Nagpahatid lang siya kay Brad.

"Eh nasaan si Brad," tanong ko.
"Nasa ibaba, ayaw umakyat." sagot niya. 
Nagsama ang dalawang martir. Baka kumulog at kumidlat, makalayo nga sa bintana.


Hindi na ako nagpilit na paakyatin si Brad. Ayoko namang mapahiya siya. Sabi ko kay Angelina, subaybayan muna natin ang susunod na gagawin ng boy friend niya pero kako yong kotse bawiin niya. Aba, sobra na yon, nangdidate na ng iba, kotse pa ng pinagtataksilan niya ang ginagamit. Kapal talaga.


Umalis na sina Brad at Angelina.


Tumunog na naman ang telepono. 
Hilew. 


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment