Dear insansapinas,
Kung gusto mo akong inisin, huwag kang dumating ng eksaktong oras ng pinag-usapan. Di bale kung naghihintay ako na may kinakain. Babaw talaga.
Noong panahon na VP pa si Erap, may conference na pinadaluhan sa aming mga CPA. Dumating siya dalawa o tatlong oras na late. Yong pinggan, yong spoon and fork ay pwedeng nakain mo na at natunaw na bago siya dumating. Pwede mo pang gawing panghimagas yong flower decoration. Kung di ko lang kailangan sa aking Continuing Education points yong seminar na yon, matagal na akong lumipad kahit di ko dala ang aking pakpak.
Si Fidel Ramos yata at si GMA ay particular sa time. Ewan ko.
Pero ngayon, ang bagong Presidente ay ang mga cardinal at mga pari naman ang pinaghintay. Dati yong mga sundalo. Blame it on not using wangwang.
Meron kaming kaibigan noon na sakit na yata ang pagiging late. Pati nga sa kasal niya, late siya. Kaya ang tawag namin sa kaniya ay The LATE....
Pag nalalaman ko naman na pati mga artista, gumagamit ng wangwang, gusto ko ring lagyan ng pako ang daan para magkaroon ng flat tire.
Pork Barrel
Yan talagang baboy na yan, ayaw nilang ipalechon. Noong si GMA ang nakaupo, panay ang bira nila sa baboy. Ngayong sila naman ang nasa administrasyon, ayaw rin nilang ipalechon.
Mabuti na lang vegetarian ako.
Fertilizer Scam
Nagdonate pala ng 20 million ang pamilya ng dating Agriculture Secretary sa campaign funds ni Aquino. Siya yong sangkot sa fertilizer scam. Wala lang.
DSWD
Sabi ni Dinky Soliman wala raw pera para sa mga indigent senior citizen. So? Another peace bonds perhaps.
Kris
Sabi eh nageenjoy daw si Kris magluto na lang muna. Sus, kung hindi pa shooting ng commercial niya yon ng cookware. Itong mga entertainment reporters na ito, ipakikilala ko kayo kay Deped Secretary.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment