Thursday, July 01, 2010

I am Pregnant

 Dear insansapinas,

Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 8


Natulala na naman si Dina  pagkatapos sagutin ang telepono. Buhusan ko kaya ng malamig na tubig.


Oke, hinintay ko siyang kumibo. Wala pa rin. Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh, bakit
ba ako magpupuyat. Makatulog na nga ulit. Pag ganito nang ganito ang kasama mo, maaga kang magtutupi ng iyong facial muscles dahil kulubot na.


Biglang iyak siya. Boypren daw niya, nasa kulungan. Ay mamah, biglang igkas ng kilay ko. Para bang yong mga artistang bagong eyebrow lift na nagugulat ang anyo.


Anong nangyari. Cool ang boses ko. Produkto yan ng mga poetry reading namin noong College na tinuruan akong magmodulate ng boses. Kaya puwede akong magboses maton o kaya boses ng isang malanding hindi makakuha ng date.


Nagviolate daw ng community service na parusa sa first offense. Kaya ngayon inenforce ang suspended sentence. Kulong na siya. Ipinag-aadya pa rin ang aking kaibigan.(Ganito dito monitored ang mga community service. Tingnan ninyo si Naomi Campbell, pinaglinis ng toilet).




Para malibang si Dina  ay pumayag na akong mamasyal kami sa Reno, kasama ng aming mga kaibigan. May time sharing ang isa mga kaibigan ko at kami ang huling pupunta rin. Patapos na ang winter pero may natitira pa raw snow kaya puwede pa kaming gumawa ng halo-halo. Tunaw na rin parang bula na lang ng sabong pinaglabahan.

Kasama ko ang dati kong kaopisinang dalaga na may pagkasuplada noon dahil gradweyt siya ng isang exclusive iskul bago siya nagtowrest dito sa Estet. Mabuti naman, magkaibang daigdig sila sa Pilipinas. Si Dina ay hindi nakatapos ng college at isang kahig-isang tuka ang pamilya. (Hindi mababa ang tingin ko sa kaniya. Mas mabuti pa nga siyang kaibigan kaysa sa mga may mga diplomang nakalaminate. Pero sa ngalan ng pag-ibig, walang may mataas na pinag-aralan, walang mayam, walang matalino, karamihan nagiging tanga).


Habang binubuno ko ang nickel na slot machine, nakita kong nagkakasundo si Dina at ang aking kaibigang dalaga. Hmmm if I know, love life nila ang pinag-uusapan.


Sa bahay na kumpletong merong fireplace at may patio overlooking mga pine trees,  nakita kong nagnguynguyan sila. Ano ba sila, si Kris at si Ai-Ai? Sus Ginoo.


Pagdating namin sa bahay, nagpaalam si Dina. Magbabakasyon daw sa Pinas.


Sa isip ko okay. Para naman malibang siya.


Pagkatapos ng tatlong Linggo bumalik. Masaya na.  Naghahanap ng santol. Santol? Mangga. Mangga?  Pagkatapos ng mahigit isang buwan, sabi niya "I am pregnant." Bammm. Sakit ng tainga. Pakiulit nga. Nabingi yata ako. Bingi na nga lalo pang nabingi.



Sinong ama? 

Abangan. 


Pinaysaamerika

3 comments:

  1. Anonymous5:10 AM

    nyak, kala e malilibang mas mukhang napasama pa pala hahaha.
    ~lee

    ReplyDelete
  2. destiny raw. nakaguhit daw sa palad.

    ReplyDelete
  3. Anonymous6:21 AM

    hayz, my mga taong naniniwala sa destiny, excuse sa mga kapalpakan, pwede naman nating imaniobra ng kaunti yung destiny, kung hahayaan nating mangyari e destiny talaga.
    ang paniwala ko sa destiny, talagang yun ang mangyayari sayo, pero at the same time, ikaw na rin ang gumawa ng hakbang para mabago naman kahit konti.
    kunyari gaya ko, destiny kong magkaasawa ng ogag, kaya ginamit ko yung aking pagka agag,sabay
    tadyak hahahahahahaha
    si mader, ganun din, nung mauntog 3 na kami, bago pa kami dumami ng husto e nag alsa balutan at lumayas bitbit kami, my mga kilala naman akong 8 na anak e sya pa naghahanap buhay at pag uwi ng bahay sya parin magpapalamon dun sa batugang asawa... kasi daw destiny, yun daw ang itinakda ng langit,sarap pukpukin ng kaldero sa ulo,kaya yung aking mga frends walang makaiyak sa balikat ko, huh! anu sila hilo?
    ayaw nilang makinig sa payo ko tapos iiyak iyak sila?e ang ganda ng payo ko, bubog lang kako ng flourescent sa kape ng kanilang mga batugang asawa e tapos na problema nila ayaw nilang i try?(di kaya ako madampot ng mga pulis sa kasong advice with malice? o kayay provoking a kriminal mind? o kaya kriminal mind never mind?)
    ~lee

    ReplyDelete