Dear insansapinas,
Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 9
Para akong binagsakan ng langit at lupa (sandali mali ito kasi bakit naman babagsak ang lupa. Susulatan na naman ako nito ng mga nagtatanong sa akin ng Tagalog idioms) Anyway tuloy ang kuwento. Pero talagang mali eh. Bakit naman ganoon ang reaksiyon ko eh hindi ko naman siya kaano-ano. Erase, erase.
Napakunot ang aking noo. (much better) , nagsalubong ang aking kilay na parang nagkukumustaha sabay tanong.
"Sinong tatay? Ilang buwan na? "
Mahigit isang buwan na raw. Biglang nagcalculator mode ang aking utak.
"Saan mo nadampot yan?" Para bang nahulog lang at dinampot.toinkkk.
"Hindi si SAM ang ama niyan. Huwag mong sabihin." Tutop ko ang aking dibdib. (sandali OA na naman ako). Erase, erase.
"Hindi. May monthly visitor ako noong umuwi ako sa Pinas." tanggi niya,
"Eh sinong ama?" urirat ko. talo ko pa si McCoy ng Law and Order makapagtanong.
"Si DB."
Bigla kong sapo ang aking noo, roll eyes ako at biglang nameywang.
"Yong dati mong boypren na kinuwartahan ka lang? Yong naging dahilan ng divorce mo sa asawa mong Puti?" Naloloka ka na ba? (Talagang pakialamera ko).
"Oo", sabi niya. "Nagkabalikan kami." Aba hindi lang bulag, bingi at pilay ang pag-ibig na yan, baliw pa." Sus.
"Kaya nga magpapatulong sana ako saiyo na ipetition siya as fiance visa." (Ginawa niya aking "lawyer. Yong nanay niya na darating na ay ako rin ang tumulong magsubmit ng mga papel na kailangan. Pero itong lalaking ito, hindi ko yata masisikmurang tulungang dumating. bukod sa bum na ay wala pang alam na trabaho.
Sa boses ni Miriam Santiago, " I lied." Tinulungan ko rin, on the condition na hindi sila titira sa bahay. Magsasarili na sila. Baka gawin pa akong baby sitter. Ano sila nanalo ng lotto, kahit hindi tumataya.
Dumating ang mother niya. (Mabilis ang processing pag parents). Eh saan pa ba titira kung hindi sa akin habang naghihintay na makahanap sila ng apartment.
Minsang umuwi ako, muntik ng magtakbuhan ang mga ipis sa lakas ng aking ARGHHHHHHHHHH.
Ang aking carpet, puno ng mercurocrom (paano ba spelling noon?) yong ginagamit sa manicure, pedicure. Doon pa sa sala nagmanicure. tumanda na naman ako ng isang dekada. Pag tuloy-tuloy itong tumira sa bahay ko, wala pang isang taon, aabot ako ng isandaang taong edad. Hanubayan. pati ang aking mga quarters, pinagtitiyagaang kolektahin.
Ano ang kasalanan ko at pinaparusahan ako ng ganito. (OA ko lang yan). Sa totoo lang, pag may ganiyang problema, kinakausap ko si Dina at ipinapaliwanag ko ang mali. Alam ko kung saan sila galing at dahil ako ang nakakaintindi, ako ang magpapasensiya.
Tapos papasok ako sa kuwarto ko at pagbubuntalin ko ang aking stuffed tiger na malaki. Om,om, om. Kaliwa, kanan.Talo ko pa si Silver Stallone.
Nanganak si Dina na wala pa ang kaniyang fiance. Tinawagan ako sa trabaho. Wala ang kaniyang kapatid at mother. Nagpaparty. Sus.
Takbo naman ako sa ospital. Dalawang araw lang siya roon. Inuwi ang baby after two days.
Simula na ng panibagong kalbaryo ko. Panay iyak ang bata. Nasa kabilang kuwarto lang ako, dinig ko pa. Hindi ako makatulog.
Hindi nakatiis. Tulog ang nanay ni Dina. Si Dina naman ay nagkakandalokang magpatahan. Tiningnan ko ang bata. Tinuktok ko ang tiyan. Daming hangin. may kabag. Sabi ko burp mo. Saka lagyan ng oil ang tiyan para hindi lamigin, pagkatapos ibalot ng husto. Bigla akong naging nanay. Iba na naman ang role ko. Pwede ba director, ibalik mo na lang ako pagka Cherry Pie Picache.
Tunog ulit ang telepono. Long distance. (Itatapon ko na ang teleponong yan).
May problema daw sa boypren na darating.
Sabi ko. Na naman.
Abangan.
Pinaysaamerika
oh ho, ibang klase ngang talaga tong si dina, dina natuto, dina nadala, dina napakali at dina napirmi hahahaha (kidding) hays, sana manlang sana e ang ipinalit nya kay SAM e mahilab hilab manlang.
ReplyDeletetapos yung nanay di manlang... sigh!
kawawang dina, sana naman ang ending ng story e natuto na hahaha.
mahirap na nga lang
talaga humusga ng tao lalo pat ganyang nakakaawa din naman
at dimo rin naman matitiis at wala namang ibang sasandalan.
~lee
oy akala ko ba hindi kayo pinapayagang pumasok. kala ko nakuwanrantina ka na naman.
ReplyDeletealam mo talagang bilib ako sa babaeng yan, grabeng magtiis. hindi mo marinig magreklamo.
ReplyDeletehahahah mam, talagang di makapasok, makulit lang ako talaga mag ala palos hahaha
ReplyDeleteminsan mainit na ulo ko e ayaw parin akong makapasok
e tinitigilan ko nalang muna then try nalang ulit later,kaso di talaga ako maka log-in.
~lee
susme, siguro naman this time e natuto na sya, otherwise e pede na syang pagawan ng rebultong semento (pamukpok sa ulo nya)mwehehe joke lang po.
ReplyDelete~lee