Wednesday, June 16, 2010

The Therapist and The Nurse

Dear insansapinas, 
Where have you been Part 19.

(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)


Twice a week, may dumadalaw na therapist sa The Doctor.(Hindi mo masasabing  psychiatrist siya dahil Social Work lang ang degree niya na may Masteral din sa ganoong field.   Inaalam niya siguro ang extent ng dementia ng pasyente sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaniya. Wala naman akong bilib sa kaniya. Hindi rin siya kinakausap ni bossing. Kami lang talaga ni JB ang kinakausap niya kung walang nakakakita. Pero para naman polite, pangiti-ngiti si the Doc, patango-tango at pailing-iling.  Ang matindi lang obserbasyon ko ay pag-alis ng The Therapist, mataas ang libido ni The Doc. I therefore conclude na nata-turn-on siya ni The Therapist. Hindi naman siya kagandahang tulad ni The Nurse. Suplada siya sa akin. Di niya ako kinakausap. Siguro sabi ng pamilya, ako kinakausapni The Doc, siya hindi.

Diretsahan kung tinanong si The Doctor kung nataturn on siya ni The Nurse at the Therapist. Sabi ko napapansin ko kasi. Sabihin lang niya ang totoo sa akin at kailangan bigyan ko siya ng privacy pag siya ay nagpapantasya. Mayroon pa rin palang ganoon sa mga taong may dementia. May urge pa. 


Kinausap ko ang kaniyang anak na bossing ko at pinaliwanag ko sa kaniya ang aking obserbasyon.  Ayaw ko ng e-mail. Kailangan siya ang kumausap sa mga ibang nurse kung paano siya bibigyan ng privacy sa ganoong sitwasyon. Hindi pabling ang the Doctor. Naunawaan naman ng anak niya. Alam niyang pinag-aaralan ko muna ang dapat gawin. Alam din niyang kinausap ko ang father niya at nagpapasalamat naman ito sa aking pag-unawa.


Hindi ko pinapakausap si The Nurse. Ito ang hindi ko maipaliwanag sa kaniyang anak. Hinihintay ko si JB na siyang magpaliwanag, hindi rin niya ginagawa. Asiwa siya. Iniisip niya siguro na kaligayahan na nito ang paniniwalang mahal siya ng The Nurse. 


Ang mga nurses doon ay naniniwala na pagbilog ang buwan, restless ang mga pasyente. Full moon pagdating ng gabi pero simula na ang mga residente-pasyente sa pagiging confused, umaga pa lang.  Isa na si The Doctor. 

Pati ako sininghalan. Hinahanap niya si The Nurse. Hindi pa niya shift, at panay yata pa-beutiful eyes doon sa crush na engineer sa maintenance .



Sininghalan din niya yong nurse na pumasok." I don't like you." sigaw niya. 


Sabi ng nurse, pati rin pala si The Doc. apektado ng full moon.


Kinausap ko si The Doc at sinabihang huwag maninigaw. Pati ako sinigawan din. "I do not like you. I like the The Nurse." Medyo nayanig ako. Naisip ko kung si JB ang nagbibrainwash o si The Nurse sa kaniya. 


Inupuan ko siya. " I know you can understand me. I am hurt that you prefer someone who kisses to suck up to you. My friendship with you is sincere. I am here to help you, but if you do not need my help, I can easily call A, to take over. Anyway her mother already came for babysitting. I do not want to stay in a job where I am not wanted." Ang drama ko.


Hindi siya kumibo. Tahimik siya. Dumating si JB, hindi ko siya kinausap.Pauwi na ako nang makita ko ang isang pasyenteng babae na ang kama ay inilagay ng Charge Nurse, malapit sa nurses' station, Tinatawag na niya ang kaniyang mga patay na kamag-anak. Sabi ng Charge Nurse, hirap daw siyang paalagaan. Give up yong mga staff nurse. Baka malapit na raw mamatay.


Sabi ko sa kaniya magrerecommend ako ng isang nursing assistant. Sabi ko nagbabalak kami ng mga kaibigan ko ng registry. Sa dami ba naman na mga nurses at nursing assistant na nakakausap ko, kailangan na lang talaga ang organisasyon.


Tiningnan namin yong matanda, isang bulate na lang pipirma. 


Sabi ko sa Charge Nurse.  baka hindi na ako pumasok sa mga susunod na araw. Sabi niya Bakit?


Hindi ako sumagot. Dumaan si The Engineer. Makalipas ang ilang minuto, dumaan si The Nurse. Naglaro ang diwa namin ni Charge Nurse. Luksong lubid. mweheheh


Pinaysaamerika



3 comments:

  1. Anonymous1:24 AM

    ahoy hoy hoy nagtampororot si madam hahaha.

    ahoy hoy hoy di lang luksung lubid, luksung tinik at luksung baka pa hahaha.

    ~lee

    ReplyDelete
  2. may kasamang roll eyes.

    ReplyDelete
  3. Anonymous6:35 PM

    ahahahahaha

    ReplyDelete