Thursday, June 17, 2010

The Business

Dear insansapinas,
Where have you been Part 20.

(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)


Pumasok ako kinabukasan para magpaalam sa Misis. Wala si Boss lawyer, out of the country. Yon pala nakasumbong na si JB na may baltik daw ako. Effect of the moon.


Sinabi ko kay Misis na talagang ayaw sa akin ni JB at inilalayo niya sa akin si The Doc. Parang kampi pa nga siya kay The Nurse. Mula nang mabalitaan niya na dumalaw si Pinay na siyang gusto niya sa puwesto ko kung hindi si A, nahahalata kong inis siya sa akin.


Panay siya parunggit. Sinabi ko kay Misis na nagtatayo ako ng negosyo kasama ko ang aking mga kaibigan. Total alam ko na ang pasikot-sikot. Gumagawa ako ng business plan.


Kumuha siya ng checkbook. Nagsulat siya ng amount at ibinigay sa akin. "What is this for?" Tanong ko.
Sabihin niya, for my business daw. Sabi ko hindi ko kailangan kasi ang aking investment ay ang aking skills. Ako lahat ang gumawa at namahala sa pagtayo.


Binalik niya sa akin ang tseke." Consider that as my investment too."


Sabi ko, "No way. I am not sure if it is going to make money." 


Sabi niya, "Then we all lose."




"Your children might think that I am taking  advantage of my closeness to you."


"Oh no. That is my own money. That is not part of the estate of my husband and mine." I was once a businesswoman, remember? I observed you. You are organized, visionary and hardworking."


Lumalaki ang aking tainga. Kung hindi siya tumigil pwede na akong lumipad, gamit ko ang aking taingang parang si Dumbo.

"Don't worry about my son. He discovered that you got a fiance and he's afraid that you might leave us once you get married. I think his anxiety disorder is back. He is trying to prepare his dad for eventuality."


"You can go to business and still work with us. There is no problem. As long as you will stay. " If I can only do something to make you a part of the family, I would have done something. You are more than a daughter to my husband and me. You are always there for us than my own daughter. (yong doctor). "


Nagpaalam na ako at pinuntahan ko na ang The Doc. Nandoon si JB. Hindi siya kumikibo.

Maya-maya, niyaya niya ako kung pwede raw akong sumama sa park kasama ang kaniyang father.

Para bang mamasyal sa Luneta.

Pagbaba namin nasalubong ko ang ipinasok kong nursing assistant doon sa matandang babae na isang uod na lang ang pipirma at siya 
kakanta na ng aleluya sa langit. Buhay na buhay. Kahit nakawheel chair. Sa tuwa niya nagpasama siya sa gift shop sa lobby. Pinamili niya ng mga regalo yong mga nurses na nagsasalit-salitan sa pag-alaga sa kaniya. 


Thumbs up ako doon sa nursing assistant. Sabi niya pinalayas niya yong bulate. Matagal pa ang buhay ng matanda. Matagal pang maghihintay ang anak nitong doctor din para sa mana niya.


Pinaysaamerika

3 comments:

  1. Anonymous6:36 PM

    eherm, kulang nalang na si madam ang manligaw seyo mam para lang mapabilang ka sa angkan hahaha.
    abangan ang mga susunod na kabanata sa luneta...

    ~lee

    ReplyDelete
  2. maghanda ka ng panyo, hehehe

    ReplyDelete
  3. Anonymous11:33 PM

    ahihi kumot pa mam nakaready.

    ~lee

    ReplyDelete