Dear insansapinas,
Bakit naman kasi masyadong sineseryoso ang mga pagkakampi-kampi sa mga kandidato nila. Sa totoo lang bakit ang mga Noynoyista, pikon.
Last February, isang kaibigan ko ang binabaan ako ng telepono noong nagrereason out ako bakit ayaw ko si Noynoy. Wala siyang maisagot. Kaya ngayon kahit tumawag pa siya. dedma ang phone. Noong wala siyang trabaho dahil kararating lamang niya, dahil sa kaniyang depression, tumatawag siya sa opisina ko kahit bawal.Pag sila ay nagpapliparan ng mga pinggan ng kaniyang asawa, tawag siya sa akin. Noong nameet niya ang tunay na pamilya ng tatay niya, tawag siya at iyak sa akin. Tapos isang kandidato lang babstusin niya ako. Hmphh. Pikon.
Ang kaibigan ko tumawag ngayong gabi, binabaan din daw siya ng telepono ng kaniyang kapatid na Noynoyista. Maka Gibo ang aking kaibigan.
Yon yong kapatid niya na tinulungan niyang makapasok sa trabaho. Kandidato lang makikipagtampuhan pa.
Sus. Pikon.
Sabagay pikon naman kasi yong manok nila.
Facebook
Napapansin ko ako lang ang masipag mag-update ng blog ko kasi karamihan na sa Facebook na. Eh ngayon may nangyari na naman sa Facebook. May glitch yata sa chat.
Pinaysaamerika
hahahahahahaha obvious ba na pikon din kasi yung kandidato hahahaha
ReplyDeleteat pag napikon nambabawi ng sinabi hahaha yun namang kapatid mananaksak bwahahaha uhu uhu ubo ubo nasamid tuloy ako,nandito ko sa opis namamapak ako ng skippy,di yata ako mabubuhay ng walang peanut butter na katabi nyahaha.
tapos nung nalaman nilang
dala ng INC yung kandidato nilang pikon e pakiwari nila panalo nat wala ng pagkatalo yung kandidato nila bwahahahaha
e kung nagkataon na iba ang binitbit ng INC at di yung
kandidato nila?
baka pagsasaksakin ng lahat ni kris ang lahat ng INC bwahahaha.
yun nga ang nakakatawa
mam,dumarami magkaaway at nagpapatayan pa nga dahil sa mga walang ka kwenta kwentang
kandidato na yan,ngayon pag di lumabas yang pikon na kandidatong yan asahan mo nadaya,
at bigla magtatawag ng pipol pawer,ewan lang kung my magpipol pawer pa,dipaba pagod at suya ang mga tao sa ganyan?
nagagamit lang naman sila sa pansariling intensyon
ng mga kandidato?ewan
nalang kung my mag pipol pawer pa,PRrrrrrT!
yung kebigan ko sabi ko gordon ako, sya naman gibo, bakit di naman sya napikon?
ReplyDeleteyung isa perlas daw, wala lang ok parin naman kami...
tapos yung isang frend ko sabi ko gordon ako,abaaaaah at bigla ba namang taasan ako ng boses at sinabing "ha?bakit si gordon?di mo ba alam na blah blah blah..." pinahinto ko kakadakdak,sabi ko "noynoy ka no?" tapos sagot nya, "pano mo nalaman?"
obyus naman,para ka kasing abnoy,mana ka sa kandidato mo.... dipa ko tinawagan ulit till now 1 week na bwahahahaha.
tatawag ulit yun pag nalaman nyang si abnoy ang dala ng INC bwahahaha
ang pagkapikon niya ay makikita mo sa unang hirit niya. Galit. tapos biglang vwelta.
ReplyDeletenoong nagalit si roxas sa endorsement ni escudero kay binay, pinaalis niya ang mga tao ni escudero sa kanilang team. ibinalik ni noynoy at sinabing huwag magselos.
ngayon para siyang grade school pupil na pinarusahang magsulat ng ilang beses sa kauulit niya na si mar roxas ang presidente niya.
yon din ang sabi noong kapatid ng kaibigan ko. sinabihan pa siyang tanga at hindi nagbabasa. hahahaha.
ReplyDeleteang lakas talaga ng epekto ng endorsement ng Pulse asia at SWs.
guilty as charged. of being busy with facebook, not of being pikon. di naman ako nagcha-chat, nagluluto lang ako. at nang-ookray sa mga taong kaokray-okray.
ReplyDeletedi ko sinasabi kung sino kandidato ko para iwas gulo. heheh. pero di naman ako pikon at ayaw ko sa taong pikon. madami na-turn off sa sinabi ni noynoy na kung di sya mananalo, dinaya sya. yabang naman. bakit, lahat ba ng pilipino, sya iboboto? ni hindi nga ako na-survey ng SWS eh
biyay,
ReplyDeletealam ko sino ang kandidato mo. matalino siya di ba?