Dear insansapinas,
Ang lamig dito ngayon. Parang bumalik ang Pasko na wala si Santa Claus kung hindi yong lamig lang. Hindi ko naman mabuksan ang heater namin. Centralized yon at ang pabago-bago ng weather ay parang may PMS o nagmemenopause na babae. Minsan malamig, minsan mainit. At mga ilang daang milyahe dito, nabasa ko na sa Virginia Beach ba yon ay nag he HAIL. yong mga yelong bato na pag tinamaan ka sa tuktok,patay ang kuto.
Kaya kahapon nakababad ako sa shower. Ano kanyo, naloloca na ako at kailangan ko na ang psychiatric evalution? Hindi, mainit ang shower. Yong pwede kang magdala ng mug at tsaa dahil sa init ng tubig na ginagamit ko. Kulang na lang malapnos ang balat ko. Pagbaba ko nga sa shower, ang mga salamin ay hindi mo makita sa fog at ang aking balat ay namumula kahit na ako ay maitim.
Naah, hindi ako nagbabad sa bath tub. May phobia ako sa tubig. Ilang beses na akong muntik nang malunod. hindi ako marunong lumangoy. nyahaha.
Noong nasa Pampanga kami nakatira, kapitbahay namin Puti. Naah, hindi kami sa base nakatira. Yong Puti ang nakatira sa labas ng base.
May mga kalaro kami noon si Debra at si Donald. meron silang bathtub. So request din ako sa pader ko. Gumawa naman siya. Hinati niya yong drum at pinuno niya ng tubig at inilagay sa aming backyard. Double purpose pa, pagkatapos naming maligo, ginagawang pangdilig ng mga halaman sa likod. Sabi nina Donald, "why are you eating grass". Nakita niya kasi ang mader ko na kumukuha ng talbos kamote tapos nakita niyang inihain sa amin as salad. nakikain ang mga puting yon sa bahay.
So balik tayo sa aking bath tub. Paglabas ko ng banyo, para akong sinampal ng hanging nanggaling sa freezer. Yah ang lamig.
Tatlong layers and suot ko. Habang tumatagal, umiinit ang klima kaya para naman akong ahas na nagbabawas ng balat.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment