Sunday, April 25, 2010

Initial Public Offering

Dear insansapinas,


Pag talagang matiyaga lang akong sumagot sa birada sa akin, maraming lalabas ang katangahan. Isa nagcomment pala ako sa isang entry tungkol sa IPO, initial public offering. Susme, kulang na lang na batuhin ako ng buong bahay. Pulitika pa rin ang dahilan when all the while, kinokorek ko lang na sa IPO, walang pinag-uusapang dividends o magbebenta ng shares of stock ang existing stockholders.


KAYA NGA IPO eh.. Initial Public offering. Ibig sabihin, inoffer sa public ang shares of stock. Isa pa nagcorrect sa akin tungkol sa fair market value of stock. Wala raw yon. Sa Real estate raw lang yon. Husme ,pagkatapos kong sunugin ang aking kilay sa paggawa ng libro na nag-eexplain ng mga iba't ibang costing ng stock, sasampalin ako ng ganoong comment? yak yak yak.


Tapos sabi noong isa ang mga definition raw ay sa Google ko lang kinukuha. ha ha ha.


Sabi naman ng isa masyado raw akong mayabang, at hinanapan ako ng credentials. HAHAHA. Hindi kasi ako kagaya ng iba na kulang na lang isabit ang buong diploma nila at mga awards na bigay lang ng mga bloggers na gustong magkaroon ng link sa kanilang blog. hehehhe. Pasensiya na kayo natatawa kasi ako. 


AT ANG PINAKAGRABE AY ANG SABIHING KUNG MAGALING DAW AKO DAPAT MAYAMAN NA AKO PERO BAKIT NASA BLOGSPOT PA RIN AKO. HAHAHAHAHAHA.


Mahal ko ang blogspot kahit kababayad ko lang ng aking webhosting fee para sa Now What, Cat ko.


Dito ako nagsimula at saka madaling gamitin. Ito pala ang kanilang criteria kung may pera ka o wala. Babaw naman.  hahaha


Bakit ako natutuwa. Tuwing kasing ako ay magcocomment, yanig ang buong village at mga adhominems lang naman. Hindi naman masagot ang aking mga tinatanong. Sus. 


Maganda ang araw ko. Nakainis na naman pala ako nong mga nagdaang araw na hindi ko namalayan.


Pinaysaamerika

6 comments:

  1. e di ako, middle income ako kasi kahit i.ph ako (na libreng hosting), malalaki naman pictures sa blog ko. balang araw, yayaman din ako na kapag gusto ko kumain ng siopao at mami, pwede akong magpunta sa hongkong o kaya dalawin si lee.

    ReplyDelete
  2. biyay,

    sa dami ng blogspot account ko, talagang patay gutom nga ako. hehehe

    mga tao talaga, binigyan ng utak, hindi ginagamit.

    ReplyDelete
  3. Anonymous8:11 PM

    oh my gulay, sitaw, bataw, patane, kundol, patola, pano nako patay gutom narin?baket?halata bang patay gutom ako? nyahahahaha, blogspot na nga lang gamit ko diko pa mapasok, once in a blue moon na nga lang ako maka chamba ng pasok pag umihi yung gwardyang nakahambalang sa pinto ng site, diko pa magamit yung blogspot ko pagpasok kasi ayaw gumana blah blah blah blah (bumubula na bunganga)...
    litsi gusto ko makita pagmumukha nung nagsabing poooooor ang mga gumagamit ng blogspot bwahahaha, gusto kong makita kung mukha syang rich-chi-rich(matafobre ang futa) at kung fanget sya dafat mag issue sya ng afology dahil wala syang "K" magsabi nyan sa mga kasing gaganda naten nyahaha.
    oo naman, kung maganda sya
    excused na sya (kung mas maganda sha kesa saten hihihi)
    kung mukha syang kuto o kayumad, dafat shang manahimik
    at izipper nya ang bunganga nya este ang keyboard pala nya.
    balita ko di yun pumapatol sa kagaya kong hampaslupa at walang utak buti naman hihihi or else lalo lang syang magmukhang tanga.
    my nagbalita sakin duguan mo raw iniwan yung lugar,di ko
    makita,my gwardia di ako
    makapasok,bawal
    daw pumasok ang mga hampaslupa sa crime scene bwahaha.
    sabi pa nung nagbalita sakin na bukod dw sa iniwan mo silang duguan,my mga trauma
    pa raw,at kelangan ng san dosenang saykayatris from mars bwahaha ang bangis.

    by the way,ako pala pwede kopang i-sale ang utak ko?kasi slightly used lang?di nagagamit...kaso my problema,kelangan palaging naka charge 26hrs/day kasi palaging low-bat at di talaga kayang magisip,yung utak ko displey lang,para lang my masabing laman yung ulo,para lang ba my kakapitan yung buhok ko at para narin my silbi ang suklay hihihi.

    Biyay, pumunta ka lang dito,kahit isang truck na siopao aambusin ko sa kanto para sayo,sagot ko hotel at accomodation mo pramis hihihi.

    ReplyDelete
  4. hahahaha,
    foor pa nga tayo, blogspot lang tayo eh. hanggang ngayon hindi ako mahinto nang katatawa pag naalala ko ito.

    sa totoo lang kaya lang kumuha ng mga domain ang mga bloggers at webhosting dahil gusto nilang kumita ng on-line. kasi mas malaki yata ang bigay kaysa sa blogspot sponsored blog.

    ako naman kahit sabihin nilang foor okay lang.

    hindi ako makikipagtaasan ng ihi sa kanila. kasi nakaupo ako pag umihi. hahaha.

    ReplyDelete
  5. Anonymous8:43 AM

    nyahahahaha.

    ng pinasok ko blogging (este bragging) mas lalo akong e aanga anga't diko lam pwede plang pagkakitaan hahaha.

    langyang mga foor yan maghapon sa harap ng tv at pc pero panay ang nguya ng hopia walang tigil hahaha.
    ako foor talaga kaya nga
    nagtitiis ako dito
    sa depuger na lugar na to na ang daming sikyo sa sites,dahil sa akoy isang foor na alipin ng dolyares hahaha.
    sinasamantala ko na dahil
    palaging isang araw lang
    ang kaligayahan kot mahuhuli nanaman ako ng mga gwrdiang singkit hahaha.
    eto ngumunguya ng isteyk, este istik pala na my nakatuhog na BBQ hahaha.
    ang sama ng bisyo ng mga blogspotters (read:hampaslupang patay gutom) nato, di nahinto kakanguya hahaha.
    my bago na tayong term ngayon sa mga patay gutom (na kagaya natin, nguya) hahaha (lagok ng tubig nabilaukan)...

    "tsu, tsupi, your not belong here,blogspotter"

    o kaya "eeeewwww blogspot ka"

    o kaya "yay!taga blogspot ka?"

    o kaya "your so baduy,blogspot ka"

    oki, dagdag sa dictionary...

    hampaslupa/pataygutom/foor = blogspot/blogspotter/blogspotnik

    nyeee!

    ReplyDelete
  6. akala mo naman kasi napakamahal angbayad sa webhosting at sa domain na kailangan milyonarya ka.

    naubos ko na yong hopia. sunflower seeds naman ang nilalantakan ko ngayon.

    bukay baka mamulaklak na ako. maipagbili para hindi na ako foor. hahahaha

    ReplyDelete