Dear insansapinas,
photocredit: MSNBC
Hindi ako makatayo kaninang umaga. Sakit ng aking likod at baywang. Pag may sinabi dahil tumatanda...na blah blah...huminto kayo. Ituturo ko ang aking daliri at gagawin ko kayong...palaka. kazaaam.
Frankly, ngayon ko lang naramdaman ang pagod at sakit. For more than a month, 15 hours a day, minsan 18 hours pa, ako ay nakayuko, nakatagilid o kaya ay nakabaluktot habang nagtatype at nag-babasa ng references.
Talo ko pa ang ang nakipagmarathon ng gantsilyuhan sa tumba -tumba. ahehehe.
So kung 45 days kong ginawa times 15 hours average, yon ay 675 hours. Kung ang average nang pagsusulat ay four hours a day lang, ito ay equivalents sa 84 days or two and one half months.
Noong una kong sinuulat ang libro ay taon ang inabot ko. Isa electric typewriter pa ang gamit ko noon. Ikawala, kailangan ko pang pumunta sa library para sa mga references ko. Ikatlo, may trabaho akong iba noon.
Ngayon ay full time kong ginawa, syempre kasama doon ang panonood ko ng mga TV series, ang pagkain ko ng sunflower seeds (mabuting pampurga) at ang pakikipaghabulan ko sa mga ibon.
Iba naman ang pagsulat ng textbook sa pagsulat ng nobela o kaya fiction. Doon kailangan kang mag-emote. Dito kailangan mong maintindihan ang concepts at ano ang hinihingi ng mga syllabi ng eskuwela. Tapos gagawa ka ng problems para bigyan ng sakit ng ulo ang mga istudyante. Priceless.
Sa tagal na paghawak mo ng subject, para ka ng printer na pag clinick mo ang print, lalabas na ang dapat mong iimprenta. Kaya ganoon ako. Habang dinidevelop ko ang mga topic, naalala ko ang aking paglelecture na kung minsan may kasama pang mga pag-emote din at pagpantomime. hehehe
Eniway. Kailangan na lang ipadala at ako ay bobo sa pag ZIP ng napakalaking file kaya kailangan ipagawa ko pa sa kapatid ko.
Paano kamo kung ipublish ng aking dating boss sa kaniyang pangalan? Konsensiya na lang niya yon. Dalawa pang libro ang gusto niyang ipagawa, siya rin.
Para akong makinang huminto at nang huminto saka naramdaman ang fatigue. Uhrmm. Nanaginip tuloy ako na naliligo sa ulan na nakabathing suit. Guffawww.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment