Sunday, April 04, 2010

Commencement Address, Speech Writer and Copy Escape

Dear insansapinas,


Mainit pa ang balita tungkol sa commencement address ni Manny V. Pangilinan na naging laman ng diskusyon sa internet.


Kahit ganoon man ang nangyari, saludo pa rin ako kay Manny Pangilinan sa paghingi ng apology at pagreresign bilang Chairman of the Board of Trustees. Alam nating hindi siya ang gumawa ng speech dahil sa mga taong kumikita ng libo bawa't sigundo, hindi mag-aaksayang umupo sa magsulat ng speech na idedeliver lang niya ng 30 minutes.


May natutuhan ako kay Manny Viloria kung paano mo malalaman kung kinopya nga lang ang isang speech or article. Ito tip niya kahit hindi kayo nag-order. mwehehe


TIP: Use CopyScape.com


As you can see from CathCath.com, it is quite easy to post your speech in an easy-to-publish blog. You can use a private blog, if you wish.


Next, go to CopyScape and type in the website address of the blog post which contains your speech.
Next, go to CopyScape and type in the website address of the blog post which contains your speech.


Alam naman siguro na kaya ako umalis sa isang group blog dahil qinuestion ko ang plagiarism na ginawa ng isang contributor doon.
Iba kasi ong kinokopya at papalitan lang ang ibang salita at sasabihing siya ang sumulat at iba rin yong kinopya at sasabihin kung kanino kinopya at saan.  


Commencement Speaker


Anyway, may nabubulag din naman ako na mag-imbita sa akin para maging commencement speaker. May title ako di syempre, isang plus na yon.


Una kong imbitasyon ay para sa graduation ng mga grade six pupils sa school na tinulungan kong itayo noon. AHEM.

Nang ako ay inintroduce, ganito pa ang ayos nila. All attention.


Makalipas ang dalawang minuto, katatapos mo pa lang ng introduction, ito na ang ayos nila. Nakikinig pero walang naririnig.

Nag-iisip kung anong oras matatapos ang speech.




Ilang minuto pa ang nakaraan, kung hindi lang sila nakasuot ng toga
itim na pantalon, long sleeves na puti at pinakintab na sapatos, maghahanap na siguro nang mapapaglambitinan.





Sa loob ng labinlimang minutong pagsasalita ko doon, ang feeling siguro noong iba ay dekada ang nakaraan at pumuti na ang buhok nila.






Wala naman akong sinabi kung hindi ipagpatuloy ang kanilang pagsusumikap (para mag-enroll sila ulit at ang kahulugan noon ay pera naman sa iskuwela ooops) thought baloon lang yon.

Ang mga kasama naman nilang parents/relatives, lola, yaya  ay ito wala ring pakialam. May sarili silang mundo, tsismisan ng mga kaibigan nila, mga kapitbahay at mga teachers.




Ang feeling mo at kausap mo lang yong microphone. 

Akala nila madali lang ang maging commencement speaker sa mga batang ang hangad lang ay matapos na ang seremonyas at makakain na sila MC Donald's o kaya Jolibee o kay ay sa Max.


Pinaysaamerika

2 comments:

  1. Anonymous9:32 PM

    speaking of the speakers.
    nung 27 last month, umattend ako ng graduation nung aking junanak, josmio por santo, nagka bulul bulul buhul buhul na dila nung speaker nila dun na former (8yrs ago) student din nung school e wala manlang nakapansin.
    yung mga students kanya kanyang kwentuhan at tama pa, pati mga payrents at pati naman mga teachers
    nagchichika babes nalang, yun namang principal inaantok, nalalaglag na ulo sa upuan nya, yung may ari ng school at yung katabi nagpapakitaan ng mga batubalani sa mga daliri nila at yung iba busy pagkokodakan at pagpoposing posing.

    una inggles pa ang salita nung speaker, siguro later napansin nyang walang nakikinig kaya tinagalog, bokya parin ang lola, mas lalong nagkagulo walang nakinig, e ang mga sinabi lang naman nya e bukod sa dapat magaral na mabuti yung mga studyante sa college e wala na syang ichinika kundi yung kung saang bansa sya nakarating, mga naka eb nya na mga bloggers, mga naka beso beso nyang mga atenista at lasalista, na kesyo kahit na nga burgis sya at anak mayaman e
    nakikain sya ng mga isaw at kamote-Q sa lansangan kasama ng mga hampaslupa (di naman sinabing hampaslupa, sabi lang nya mga ordinary people...nagisip tuloy ako kung allien ba sya bakit di sya ordinaryo).
    Blah blah blah... hohuuuum inantok narin ako sa speech nya...

    sinenyasan ko si anakis na kung pwede ko na syang iwan dun...

    sinenyasan ba naman akong parang sinabing "Shut up and sit down" ngeeek.

    ako naman masunurin, e di naupo ulit ako...

    nagbutas lang ako ng upuan, natakot pako na since monoblock yung upuan e malusaw at masira yung tigpa 5000 kong blouse na binili sa zara na muntik ng hinimatay si mader na kapanget daw nung damit na kahit ibigay sa kanya ng libre e di nya tatanggapin tas binili ko ng ganun kamahal?????

    kaya naman pala ako pinaupo ni anak e lalakad pa sila papunta samin para mag abot ng rose na lantutay na alambre lang ang nagpatayo.

    tapos walang magko kodak samin kaya puro close-up ang kodak namin kasi sya lang ang nag shot, buti nalang mahaba ang kamay nya kung hindi puro ilong ko lang ang makikita mo sa kodak.

    dawn aka lee~

    ReplyDelete
  2. naku lee kahit magkulubong ka ng kumot, bistado kita. hahahaha

    graduation nga pala ng anak mo. congrats.

    naku sa daming inattendan kong commencement exercise, namaster ko na yata yong nakakatulog na nakabukas ang mata. huwag lang akong hihilik at akala mo catatonic lang ako.
    noong last kong attend sa PICC,
    daming grumaduate na hindi nila alam sa itaas (balcony) ay may nag-aaway na. kasi naman dala-dala ng isang graudate ang buong barangay ay samantalang dalawang guests lang ang puwede.
    pati lola na hirap nang maglakad, isinama pa.

    dito ang graduation, formal. may imbitasyon ang mga graduates kasi nireregaluahn sila ng guests nila.

    ReplyDelete