Sunday, March 07, 2010

Pers LABs

Dear insansapinas,


I wrote this article for blogkadahan in 2005.

My pers labs died already. Take note, plural ang sinulat ni Ate Sienna, labs.

Pers lab ko yong grade one. May hinala ako na sawa na ang aking Fader pagsundo at paghatid sa aking school kaya kinausap niya yong kaklase ko na anak ng kaniyang kumpare-na-hindi-ko naman-ninong-kahit-ng-mga-kapatid ko na isabay ako pagpasok.

Masaya kami pag pumasok, kuwentuhan at biruan. Pag walang iskul, tambay siya sa bahay. Grade one, pa lang tulungan na kami ng asayngment.

Tuwang-tuwa ang aming mga magulang pag nakita kaming magkasama at sinabing paglaki namin, ipakakasal kami. Mga kunsintidor.

Kaso, nagkahiwalay kami nang kami ay lumipat na ng tirahan at iskuwela.

Tapos, mayroon sanang "remake" ang aming love story nang lumaki kami,kaso hindi siya lumaki. Bansot siya noong maging dalagita at binatilyo na kami. Bwahahaha.

May selosan pa noon kahit bata pa. May malisya na talaga. May tampuhan pa. Pag dumarating kasi siya nagtatago ako at ayaw kong kausapin. Hitsura ang bibig ni Angelina Jolie sa aking pagmarakolyo. Kornikono ? Hindi ako nageselos, noh. Ayaw ko lang siyang magpartner sa sayaw sa ibang goirls.

Second lab ko grade tri. O di ba, may pagitan namang isang year.

Kaklase ko siya. Siya ang candidate sa pagkavaledictorian. Ako naman candidate sa pinakamaraming tawag sa guidance counsellor's office.

Maginoo siyang kumilos. Malapit siya sa kaklase kong si Mae, isang mestisang 'Merkana. Maganda, maputi at mahinhin.

Call it puppy lab, pero gusto ko siyang mapansin ako.Hindi ko na hinihiram ang shirt ng aking kuyakoy. Nagsimula na rin akong magpulbos.Makapal. Sabi ng kuyakoy, parang nasubsob ako sa abo.Nag-aaral na rin ako.

Sabi ni fader, baka raw naabduct ng alien ang kaniyang anak at ako ang ipinalit.

Sabi ni mader, sayang naman daw ang genes niyang nagpavaledictorian sa kaniya mula grade one hanggang high school. Sa aking mga kapatid, nakikita pero sa akin, kung hindi sa mga dala kong eypol sa aking titser, hindi ako magiging honor student. Noong grade 2 ako, pasang-awa lang. Pagnag-aral daw ako, baka magising din yon.

Napansin nga ako ng crush ko, dahil talo ko na siya sa quizzes.

Panay na ang lapit niya sa akin.

Minsan nagkikita kami sa simbahan. Lalapit siya sa akin at tatabi. Dagundong ang puso ko. Napapaamen ako sa pari kahit ang sagot ang ay pray for us.

Oras nang pag-aannounce ng valedictorian. Pangalan ko ang sinabi ng titser.

Tiningnan niya ako. Hindi siya nagsalita. Tumalikod siya. Yong ang huling nakita ko siya. Gusto kong umiyak. Gusto kong magpalahaw at sabihing bumalik siya at ibibigay ko sa kaniya ang pagkavaledictorian. SANDALI, ano nababaliw.

Goodbye.

Kinabukasan, tinirikan ko siya ng kandila, habang ang aking fader ay kailangang sampal-sampalin kung totoo ngang aakyat siya sa esteyds.

O kayo ano ang pers lab story ninyo?

Pinaysaamerika 

No comments:

Post a Comment