Dear insansapinas,
Sa mga survey, ang mga basehan ng mga sumasagot ay kung ano ang magagawa ng mga kandidato sa mahihirap.
Kaya ang mga kandidato ay trying hard na maligawan ang mga mahihirap.
Si Erap ay para raw sa Mahihirap
Si Villar ay Galing sa Hirap kaya alam niya kung paano ang maging mahirap- ayon sa ad.
Si Noynoy ay isang kandidatong sinusuportahan ng Mahihirap pwera ang mahihirap na mga magsasaka ng Hacienda Luisita. Nagbibigay sila ng Piso-piso.
Si Gilberto Teodoro ay di naranasan ang pagiging Mahirap kaya siya sumasakay sa Eruplano pero ang misis niya ay sumakay sa di padyak para magcampaign.
Si Gordon na hindi rin naghirap pero siya ay laging handa sa pagtulong sa mahirap -ayon sa kaniyang political ad. Walang holiday, walang tulugan.
Si Eddie Villanueva ay pinapasaDiyos ang mahihirap. Ipinagdadasal niya.
Si Jamby. Hindi rin siya naghirap kahit hindi niya nakuha ang mana? Wala na nga lang siyang makuhang artista na maghihirap kumampanya sa kaniya. Di ba Juday?
Pagkatapos ng eleksiyon ay ng administrasyon ng nanalong kandidato, mahirap pa rn ang mahirap.
Kaya ako panay ng IRAP. TSEH.
Pinaysaamerika
tsk tsk. pano naman yung middle class? walang mag-aasikaso ng concerns nila? pano aman kaimng mga mayayaman (naks!)? sino ang tutulong ma-maintain ang yaman nila? mahihirap? puro lang palabas ang pera jan. wala ba silang plano kung pano papasukin ang pera? o baka naman dahil sa tataasan nila ang taxes, gagawin nilang mahihirap ang may pera
ReplyDeleteyes! nakaka-comment na uli ako! hehe
ReplyDeletehmm. mukhang hindi maka-comment yung pag google account ang gamit to log in
biyay,
ReplyDeletekawawa nga tayong nasa middle class. pagdating sa taxation, tayo ang sapul sa taxes dahil winiwithhold. yong mga mahihirap na kumikita ng libo libo sa kanilang mga undergound economy, hindi nagbabayad ng income taxes.
yon namang mayayaman, chinacharge sa kanilang business expenses pati regao sa kanilang kuladidang.
Hellow?