Dear insansapinas,
Pagpapatuloy ng aking travel saga.
Nagoya, Japan
Nakapasok din ako sa eruplano. Pagdating sa Japan, bababa raw kami at pupunta sa Security sa Immigration tapos babalik din pagkatapos malinis ang eruplano.
Kailangan na naman ng wheelchair.
Lesson no. 4 - Sumama sa ibang mga pasahero na may ganoon ding travel arrangements.
Lalo sa Japan na ang mga attendants ay required na magtrabaho as team at under time pressure. Kaya noong nahuli ako dahil pinaghintay ako noong flight attendant na makalabas lahat ang mga regular passengers, sa pagmamadali noong Hapones na attendant, isang paa lang ang nakaayos sa wheelchair, itinakbo na niya ako.
Para akong nagisskate board. Waaah. Pag kinausap mo naman, ngingiti, yuyuko pero di ka naman naintindihan.
Ang maganda lang doon ay sa special lane kami idinaan--parang diplomat lane kaya walang pila.
Parusa naman ang pagcheck ng mga dala. Hindi na lang kasi ipahubad ang jackets para dumaan nf scanner. Kailangan pang isa-isahin ang laman ng bulsa. Buking tuloy ako na gumamit ng safety pin sa bulsa ng blazer ko. *blush*
NAIA 1
Pagdating sa Pinas, marami nang naghihintay na wheelchair. Nang makita ko ang wheelchair na gagamitin ko, tinanong ko kung hindi yon babagsak. Kung ano naman ang kaganda-ganda ng wheelchair sa Detroit at Japan, yon naman ang kaluma-luma ng wheelchair.
Mabait yong aking attendant kaya "sinampal" ko siya ng malaking tip. Tinulungan na niya ako pati pagkuha ng bagahe sa carousel at pagtawag sa aking sundo na late dumating. Arghh.
Pagdating sa bahay, maga ang aking dalawang paa. Waah.
Saka ko na ikukuwento ang nangyari sa Pinas.
Ang pagbalik ko sa US ang nakakastress.
A day bago ako lumipad, nalaman ko cancelled ang connecting flight ko from Detroit to DC Reagan. May snowstorm daw.
Kaya rebook ako the following day. Kung meron akong printer, hindi na ako kailangang pumunta sa office ng Delta sa Makati para kunin ang ticket.
Fly din ako the following day. Dahil sa nangyari sa NAIA na may nagpanggap na piloto, higpit nila. Pero walang hindi nagagawa ang dolyar kahit saang airport.
Dating kami sa Detroit. Punuan. Magaling ang wheelchair attendant ko. Habang dumadaan kami sa Immigratio, kinuha na niya ang aking checked-in luggage doon sa Customs. Drinop na niya sa conveyor belt for its final destination--Washington DC. Tapos dinala niya na ako sa boarding gate ng Delta. CANCELLED ANG FLIGHT.
Nirebook ako pero hindi sila sure kung kailan magbubukas ang Reagan Airport dahil may snowstorm na parating at may blizzard alert.
Lesson 5 Don't panic and don't atempt to stay in the airport.
Kinausap ko ang wheelchair attendant ko. Remember ang mga hotel ay nagpopromote sa airports at sino ba ang kanilang binibigyan ng mga coupons o flyers kung hindi yong mga may contact sa passenger.
After an hour, nakabooked na ako sa hotel at pinick-up na ako ng shuttle kung saan nakita ko ang mga taong nakita ko sa panaginip.
Ang checked-in luggage ko? Nasa cancelled flight. Kaya bingiyan ako ng airline ng t shirt at personal items.
Pinaysaamerika
aha! umuwi ka pala dito. pasalubong ko mis cath? kaya ka siguro natakot mag-sabi ano? hehe. i hope you enjoyed your stay here and sana nagkita kayo ng mga kaibigan mo and ate the food na matagal mo nang na-miss
ReplyDeletebiyay,
ReplyDeletenagkasakit ako diyan. kaya di ako nakalabas. ang mga pasalubong, unang araw pa lang ubos na. dalawang kamiseta na lang ang natira na pinagpapalit-palitan ko. Pati suitcase ko tangay.
ang mga dati kong faculty at mga kaibigan ang dumalaw sa akin kasi hindi ako makalabas.
biyay,
ReplyDeletemay tinaguan ako. :( stalker. hehehe