Dear insansapinas,
Ewan ko pero kahit na anopang gawin ng babaeng ito, hindi niya ako makaconvince you can do something funny when you are stuck at the airport. *heh*
Nastuck ako ng 12 to 13 hours sa Atlanta, Georgia noong 2006 dahil wala silang pilotong makuha para magpalipad ng eruplano. Paano ka makakagala kung palagi kang nakaantabay kung may mahihila silang pilotong papayag magsusbstitute sa nag AWOL na piloto.
Kung pwede lang na magbayad ka sa ground crew para isingit ka as chance passenger sa mga nakasceduled na flights. At di ko alam na may priority ka pala pag ang flight mo ay nacancelled dahil obligasyon nilang isakay ka sa pinakaearliest flight as possible.
Kahit kumain hindi ka makakain.
O sabihin mo ng may flight schedule ka na at naghihintay ka na lang ng sampung oras imbes sa bahay ka maghintay, kailangan may kasama ka rin para may magbantay sa iyong carry-on kung pupunta ka sa restrooms o kaya bibili ka ng tubig o kaya kukuha saiyo ng video na kagaya nito. At least sa Singapore pwede mong icheck-in ang luggage mo sa kanilang dayrooms/checked -in carry on. So pwede kang mamasyal sa malaki nilang airport nang hindi laylay ang balikat mo sa dala mong gamit.
So ano talaga ang magagawa mo kung nag-iisa ka at nastuck sa airport. Wala, marahil kung hindi magbasa ng paperback, magcomputer kung may avaialable na wifi sa airport. Sa Reagan meron, courtesy ng Google.
O kaya may portable kang DVD player at marami kang dalang DVD/CD.
Pero ang pinakamadali talagang gawin ay ang people watching.
Ito talaga ang aking pang-aliw habang matagal akong nakaupo sa boarding gate. Pauwi ako sa Washington, mahigit tatlong oras akong naghintay, in fact ako ang unang-una sa gate. Amoy lysol at cleaning agents pa ang mga floors, naglalagay pa lang ng DVD ang isang airport staff sa mga monitor sa boarding gate kung saan makikita kung anong flight, anong oras at ang destination. Nakalink ito sa board kung saan makikita ang mga arrivals at departure. Binati ako noong mama. Binati ko rin siyan.
Nang makita ko ang monitor na nakabukas na saka lang ako nakahinga na nasa tama akong boarding gate.
Earlier kasi may dumating na mga tourists na hindi marunong mag-English tinatanong ako kung papuntang Charlotte ang nakaparadang eruplano sa labas. PATI TULOY AKO, nagdoubt kasi ako lang ang nakaupo doon. Isip ko bakit walang ibang pasahero. Nasatamang boarding gate ba ako. Yon pala sa kabilang gate yong hinahanap nila. SUS.
Tapos may dumating na isang babae. Tinanguan ko as a greeting, Inisnab ako. TSEH. Balik ako sa chapter four ng novel. Lumakad siyang nakatalikod sa akin. Naghilamos naman ako bago ako umalis sa hotel. Napansin ko sa may puwetan niya, may nakadikit na balutan ng isang sandwich. Kapiraso lang naman. Hindi ko tuloy kinuha ang attention niya. Lakad siya ng lakad habang naghihintay. Ang mga dumating na naghihintay ay di maiwasang tingnan ang kaniyang puwetan. hehehe.
Siguro umihi at pumunta sa restroom. Pagbalik niya, wala na yong papel. Nakaupo na rin siyang matahimik sa sulok. Nasa chapter five na ako.
Paimbay-imbay ang dumating na pasahero. Ang taas ng takong niya baby. Ang seksi ng suot niya. Kesehodang nagyeyelo sa labas. LV ang kaniyang carry-on. Talo niya ako sa bling bling ng mga isang kalahating kilo. Nakakasilaw ang kaniyang Swarovsky. Paano kaya siya nakalusot sa security na nag-wawangwang pag ang suot mo ay hindi 24 karat gold o kaya may tawad hanggang 16 karats. below that considered suspect ka for carrying a metal that the metal detector can detect? bwahaha.
Maganda naman ang kaniyang make-up. (Inggit ako). Ang ganda ng buhok niya. Makintab ang kinulayang buhok na burgundy.
Naupo siya sa may harapan ko. Nagsuot ng colored glasses. Mamaya-maya, nakalaylay na ang kaniyang ulo. Tulog, nakabuka ang bunganga. Kung lilipad ang shuttle namin kasya don. mwehehe.
May dumating na nakawheel chair din. hindi ko mawari kung babae siya o lalaki. Mahaba ang buhok pero nakasuot siya ng ala Victor wood na T-shirt na medyo nakabukas. Talo naman ang babaeng nauna sa bling-bling nito. At panay ginto ha, nakakasilaw. Pati ang mga daliri lahat may mga malalaking singsing na may bato.
Meron pa siyang cowboy hat. Puti rin. Sapatos niya puti rin. Mestiso siya pero nagsasalita siya ng Tagalog sa mga matatandang babaeng nakawheelchair din at nakapaligid sa kaniya. Iniisip ko kung dating artista ba ito, singer o laos na celebrity sa Pinas.
Mamaya-maya, itinulak na sila. Mali pala ang gate na pinagdalhan sa kanila. Toinkk.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment