Dear insansapinas,
A young friend-mother sought opinion regarding a problem that she faces right now, a choice between her career and being a full-time mother to her baby.
I was faced with that kind of problem years ago. The only difference was that I have no choice but to develop my career;otherwise, I may have not have given my kids the life of comfort and education they enjoyed.
Looking back, I feel that being stay-at-home mom does not guarantee to have successful children in their career and families.
When I made a balikbayan this year, I felt that neighbors were not happy to see me. Ang sakit di va?
Because I did not stay in my own house, I just gathered gossips from my relatives why the kind of reception every time I go home.
Most of these women were full time stay-at-home moms when they were raising their young children. They drove them to exclusive schools, came home to supervise the household and shopped until they dropped.
Kung pinatira ko ang envy sa aking katawan, siguro matagal na akong naging kulubot sa inggit dahil ang aking buhay ay iba. Mula ala siyete hanggang alas nuwebe, kayod ang aking sarili sa paghanap ng pera.
Nakatapos din naman ang kanilang mga anak. Ang problema nasa kanila pa rin nakatira. Ang isa kong kapitbahay ay nasa kaniya lahat ang kaniyang mga apo sa tatlo niyang anak. Siya ngayon yaya. Yong isa ay hiwalay sa asawa. Yong isa naman ay walang mag-alaga ng kanilang anak habang nasa trabaho sila at ang isa naman ay parehong nasa Dubai ang anak nila. Noon ay tinataasan nila ng kilay ng mga pamilya ng mga OFWS sa Saudi. Ganoon sila kasuplada sa mga meeting namin sa homeowners' association.
Kaya nang nagbalak akong dumalaw at makipagkumustahan, wala siyang oras. Ayaw ba niyang maalala ang mga araw na yon na arogante siya? Nahihiya siya na ang mga pinagmamalaki niyang anak ay dependent pa rin sa kaniya? Dahil ba noong pinalalaki ko ang aking mga tsikiting gubat ay hindi ko sila inispoil kahit kaya kong gawin? Dahil doon naging paborito nila akong lait-laitin. Toinkk. Ngayon ay nagbabantay din siya sa sari-sari store na itinayo niya para tulungan ang isang anak.
Isang kapitbahay din na nakataas ang kilay dahil nga full time career woman ako noon ang may anak na doctor, doctorate at dalawang addict ngayon na kanilang binubuhay pati pamilya. Stay-at-home siya noon at kakuwentuhan niya ng apat niyang mga tsismosang katulong. Inaabangan nila lahat na pangyayari sa abot-tanaw ng kaniyang mga galamay kasama na ang aking pag-alis, pagdating, sinong bisita, sinong naghatid pag di ko gamit ang kotse ko. Things like those. Kulang na lang na may GPS ako.
Ngayon ang asawa niya ay nahuli niyang may isa pang pamilya. Panay ang joggin para raw pumayat dahil beer dancer yata ang kahati niya.
Pag dumarating ako, sinusuot niya ang kaniyang mga alahas kahit pupunta lang siya sa kapitbahay.
I am amused. Kung alam lang nila na I regarded them as lucky. Hindi nila kailangang mag-abroad para magbuhay ng pamilya but why the insecurities?. Dahil ba wala silang feeling ng sense of achievement, kagaya ng mga career women? Hindi ba nila na may mga kanya-kaniyang role ang bawa't tao?
So sa aking kaibigan, ang aking opinyon ay hindi sa dami ng oras na ginagastos para sa pagpapalaki ng bata kung hindi sa quailty. Isang sakripisyo nga lang ang ibalanse ang career at ang pagiging mother pero dahil mayroon naman siyang asawa, magiging madali pag pinagtutulungan ang anumang problema.
Ang personalidad ng bata paglaki ay hindi entirely nakukuha sa pagsusubaybay dito. Kung mali rin ang pagpalaki kagaya ng pag-iispoil dito, hindi rin siya magiging well-adjusted person. Isa pa nandoon ang impluwensiya ng iskwela, ng mga kaibigan at ng mga kamag-anak ng asawa sakaling ito ay magkaroon na ng pamilya.
Mabait man ang iyong anak kong nadodominate naman ng asawa at pamilya nito, wala ka ring magagawa.
Pinaysaamerika
Well, ganun talaga ang buhay madam. Its a matter of choice - ika nga, pipiliin mo ang choice na nasa iyong advantage, hindi choice ng iba.
ReplyDeleteBtw, pinapabati pala kayo ni parekoy Lee sa akin. Andito siya sa lupang sinilangan ngayon. Ayun, busy sa mga lakarin nya. :)
silver,
ReplyDeletealam kong nandiyan yan kasi wala na naman sa circulation. hehehe