Thanks sa mga concerned kung bakit ako nawala sa blogosphere ng limang araw. Malaking mortal sin sa akin yon pero hindi alam nang nakakarami na ako ay lumipad (hindi sa walis tinting). Pag balik ko kapal ng yelo na pati eruplano nafrozen delights. Simula ng aking kalbaryo.
Ito ang aking parusa every morning for five days;
1. One toasted bread with butter that tastes like cardboard. Pweh
2. One`boiled egg that looked like it had been cooked for centuries.
3. one cup of coffee that tasted like mud. gawrkk
4. one lumpy pancake with some green sugar. Don't ask me why it is green. Baka shadow lang ng light doon sa dining area.
5. one choice of fruit juice
6. choice of cereal or boiled oatmeal na kahit bata ay di kakainin. Awrghhh
This was the complementary continental breakfast sa hotel where many of the snowbound passengers grudgingly stayed as they watched the snowstorm ravaging the states New York, Philadelphia, Maryland and DC.
It is not for free HONEY. Because the airline said that the flight cancellations were due to severe weather. Ibig sabihin wala silang kasalanan. Promise.
Kaya magdusa ka pagbayad sa hotel kahit wala ka ring kasalanan.
At hindi mura ang hotel. Sus. Gusto ko na lang sanang magcheck-in sa cheaper motel lodge pero kakatakot naman, At least doon may concierge and you are safe being inside the building.
Okay naman ang rooms.
Two`twin beds. Pag napagod ako sa isa...higa naman ako sa kabila.
Meron ngang pool pero sino ba naman ang maliligo sa lamig na yon.
May spa pero ayaw ko ngang gamitin. Matunaw pa ako.
Next ang story kung bakit ako nasadlak sa dusa. Travelling in a wheelchair.
Pinaysaamerika
aray ko! five days na ganun ang pagkain? ang hirap naman ng ganun. magbabayad ka na lang, di pa inayos ng hotel ang pakain nila.
ReplyDeleteKasi hindi naman madalas kumain ang mga hotel guests. may time ang breakfast. yong iba tulog pa. yong iba nakaalis na papunta sa airport.
ReplyDeletelalo naman ang pagkain nila sa restaurant. grabeh.