Wednesday, February 24, 2010

Battle of the Surveys at Battle of the Bloggers

Dear insansapinas,

Kung mapapasuot mo lang ang mga surveys ng boxing shorts at ilagay sila sa ring, palagay ko exciting ang labu-labo. In this corner, with 3,000 respondents... blah blah blah. In the blue corner with 1,800 respondents...blah blah blah



photocredit:MSNBC
Kahit mga bloggers na may kaniya-kaniyang manok ay awayan na rin.  May murahan, may sumpaan na mamatay na sana ang mga kalaban at may palitan ng patutsadahan na pati ang mga inosente ay nadadamay. Kaya ako walang manok. Pusa na lang. 


Noon pag may mga bisita ako, tanong ko muna kung sino ang maka N, maka V o maka G. Okay so ang pinag-uusapan namin ay mga artista o mga kapitbahay o mga kaaway. Sabay ang kagat ng fish crackers. Krek.

Ang photoshop ngayon gamit na gamit. Ang mga photoop din ay popular na popular. Paretrato dito, paretrato doon na para bang isang malaking accomplishment ang nakatabi mo ang mga presidential candidates na kahit naman sino ngayong magparetrato kasama sila ay gagawin nito. Kahit nga umiyak, sumayaw, umindak ginagawa eh. Kulang na lang kumain ng apoy sa entablado.  Hintayin nilang manalo yan at magkakaroon na ng dementia yan.  Sus.


Ang mga mababa sa surveys, panay ang question sa result. Pag hindi nila gusto sasabihin, nabibili lang sa Quiapo. Ooops sino ba ang nagsabi nito?


Pag gusto nila, tahimik sila at panay payagpag.


Si Tatad ay may mga katanungan.


1.    Who sponsored the survey, and who conducted it?
2.    What is the sampling method used?
3.    What is the population that was sampled?
4.    What is the size and description of the population that serves as the primary basis of the survey report?
5.    The exact wording of questions asked, the order in which they were asked, the text of any instruction or explanation to the interviewer or respondent that might reasonably affect the response.
6.    A discussion of the precision of the findings, including estimates of sampling error and a description of any weighting or estimating procedures used.
7.    Which results are based on parts of the sample rather than the total sample, and the size of such parts.
8.    The method, location and dates of data collection.
May point si Tatad dahil ito precisely ang mga tanong ko na hindi naman nasasagot. Sinong sasagot kasi? Ang media na basta lang mapublished ang headline caption pa ay misleading.


Kaya lang kung pabor kaya kay Tatad at ang kaniyang minions ang mga surveys, magsasalita kaya siya? 


At bakit naman kailangang i-survey pa ang impact ng support ni GMA sa presidential candidate. Di ba obvious na ito na  palaging sinasabi na despite Gibo's impressive credentials, he is regarded as lapdog of GMA kaya hindi siya umusad sa survey?


Sayang lang na tanong.
  


Pinaysaamerika





No comments:

Post a Comment