Dear insansapinas,
photocredit:Budget Travel
Tawag ako sa isa kong dating faculty sa Pinas. Wala siya. Nag-attend pala ng funeral ng isa sa mga faculty members. Namatay pagkatapos operahan para ayusin lang ang naipit na nerve (ba yon). Out-patient lang. In fact namatay siya sa bathroom ng hospital.
Tapos na ang operasyon at pauwi na sila. Tinanong niya ang doctor kung pwede na siyang pumunta sa CR. Omoo naman ang doctor kasi minor operation lang. Parang nag-alis lang ng cyst pagkatapos pwede nang umuwi.
Sinamahan ng kaniyang kapatid sa ladies' room ng hospital. Pagkatapos itong ihatid sa loob, palabas siya nang marinig niya ang malaking kalabog. Ang kapatid niya pala. Nawalan ng malay tao, kaya tinulungan silang maibalik at mapahiga sa kama.
Akala nila, natutulog lang pero nang kunin niya ang pulso, wala na siyang narinig. 18 minutes na patay na ang kapatid niya. Triny nilang iresuscitate, huli na.
Ang findings ng doctor ay namatay sa diabetic shock. Umabot daw ng 400 ang blood sugar level. Biruin mo yon. Samantalang ako noong nawalan ng malay tao, mahigit 400 ang BS ko at sabi ng doctor, PUSA talaga ako kung hindi patay na rin ako o nasa coma. At dalawang beses pang nangyari.
Ang feeling ko noon ay nangatog lang ang aking tuhod ng nasa CR namin at pagkatapos dumilim na ang mundo. Nagising akong, hinahalikan ko yong area rug sa bathroom. Buti na lang bagong laba.
Tinanong ko kung alam ng doctor na may diabetes yong namatay at bakit hindi yata nagkaroon ng precautionary measure sa pag-opera.
Wala naman daw may alam na diabetic ang faculty dahil sinasabi niya na wala naman siyang sakit.
Baka simula pa lang yon kagaya ko na hindi ko rin alam na ang aking asukal sa katawan ay nagja-jumping rope.
Lahat yata nang namatay na narinig ko for the past few months ay ang mga taong ang akala nila ay wala silang health issues. Pagkatapos bigla na lang, naggood-bye.
Noong madiagnose ako ng hypertension dito sa States, panic ang doctor ng makita na naglalakad ako na regular na sa akin ang 180 over 90. Kaya inilagay nila ako sa intensive monitoring ng aking bp.
For a month, pinainom ako ng gamot tapos report sa doctor para makita kung ano ang effect. Hininto lang yon noong bumaba ng less than 140 ang aking systolic.
Bago ako nagkaroon ng diabetes, meron na silang findings na nasa borderline na ako kaya nirequire ako na mag-attend ng seminar about diabetes. Naku, busy-busy ako hanggang yon mg biglang himatay blues ako at binigyan ng diabetic meds para bumaba kahit less than 200 lang muna. Akala ko kasi palagi akomg super Cat na kaya ang mga sakit. *heh*
Kaya ngayon, sa kaliwa ko ay sambong tea, sa kanan ay Lagundi cough syrup at sa harapan ko ang isandosenang maintenance pills.
Arghhh
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment