Sunday, January 10, 2010

Wheel chair Brigade

Dear insansapinas,
WAGI...nakahijack din ng available na pc. Yong laugh tough ko nakumpiska ng mga rangers. Kahit na namamaga amg aking paa,  magbablog pa rin ako. mwehehehe


Last Friday. nakawheel chair ako. May katabi akong  babae, naka wheel chair din. Naghihintay din nang magtutulak sa kaniya.


Kuwento kwento. Pinay siya eh na may asawang Puti pero hindi yong asawa problema niya. Yong dating employer niya na pinahirapan siyang makakuha ng disability. 


Tumulo luha niya psg kuwento ng buhay niya sa akin. Inoffer ko yong canvas doon sa kuwarto. Tinanggihan niya.



Sa loob ng oras na magkausap kami,  kulang na lang hindi niya naikwento ay yong ipinanganak siya.


Nang itulak siya  ng attendant nagpasalamat siya sa pakikinig ko. Sabi ko, SIYANGA PALA ANO NGA ANG PANGALAN MO?


Bago siya nakalayo, may isang Puting lalaki na tulak tulak din ang isang wheel chair, sakay ang isang matandang babaing Asian. Either Chinese siya o Vietnamese o Thai.

Tapos iniwan siya. Nag Hi ako. NagHi din siya. Tinanong ko kung sino yong nagtulak ng kaniyang wheel chair at bakit umalis.


Sinagot niya ako sa Tagalog. Ewan ko ba sa demonyong yon. Pinay pala. Otsenta mahigit na pero naglalaro ba ng SOduku. Talo pa ang pusa ko.


Madaldal siya. Laitera. Naalala ko tuloy ang nanay ni Lee at aking nanay.

Tapos itinulak na siya.

Sa isang hallway, nagkita ulit kami. Sinusundan niya ang wheel chair ko. Ito ang usapan namin.

Me: Sinusundan ninyo ba ako? :)
Tandang Babae: Hindi ah. Nauna ka lang pinila kasi mas matanda ka sa akin. :)
Me: Nasaan na ang demonyong kasama ninyo?
Tandang Babae: Ewan ko kung naglalakwatsa.

Me: May hinala ako Spy kayo at iniispayan ninyo ako kung talagang may disability ako.
Tandang Babae: Sssh. huwag kang maingay, undercover ako. Tinatago ko ang baril ko sa diapers ko.

Sound track of James Bond movie. Tan taran taran tan tan. ( Pink Panther pala yon).

Pinaysaamerika.


* Wala akong mailagay na pic. Bawal sa pc na ito. Batok PC.

4 comments:

  1. hah! akala ko, may certification ka na na dapat ilagay ka na sa padded cell. buti naman nasa ward kayo na pwedeng pagala-gala. ang cool nung kausap mo ah! parang positive ang outlook. either cool sya or coolang-coolang na. heheh.

    sana tinanong mo yung unang pinay ano credit card numbers nya. baka pwede pakinabanan. mwehehe

    good that you're back.

    ReplyDelete
  2. hindi pa nagsisimula ang assessment biyay.

    wednesday pa. may allergy kasing lumabas. ewan ko ba. sinabi ko na kasing allergy ako sa hindi fresh na shrimp, sumige pa akong kain ng shrimp cocktail.

    kati tuloy ng katawan ko.

    sandali, kukunin ko lang yong handle ng walis noong environment specialist (aka) janitor para garing back scratcher.

    ReplyDelete
  3. hahahahahaha
    tawa ko ng tawa dito.
    natawa pati ko kay biyay, coolang coolang hahaha.
    mam, kung sa diaper yung baril nya e san mo naman tinago yung sayo?for self defense ika nga, dont tell me tatadyakan mo nalang sya hahaha

    ReplyDelete
  4. lee,
    yayain ko siya ng inuman. sa edad niya hind aabutin ito ng isang oras, lasheng kaagad ito.

    after one hour:

    o kiiiitahhh mooooo bagsak na siyah...kaya lang bakit ako yata ang nakatingala? lintek na matanda ito, manginginom pala ito sa kanto.

    ReplyDelete