Wednesday, January 13, 2010

Si Rosanna Roces-What is in a name?

Dear insansapinas,

Ang pangalan ko po ay Katerina Esperanza Caridad Gonzales Angeles y San Francisco. Hingal.  In short Cathy.

Ganiyan ang isusulat mo noong kapanahunan ng Kastila pero noon hindi pa kasing higpit ngyon na kailangang may birth certificate ka  pag nag enroll ka sa eskwela. Ngayon, ultimong comma, period saiyong pangalan o maling ispeling ay kailangang padaanin mo sa korte o request sa Civil Registrar para mabago.Pag nag-abroad ka ang hihingin nila ay opisyal na copy galing sa Statistics Office o kaya ay original birth certificate na authenticated ng NSO. Noong araw kasi, may mga magulang na nagpetisyon sa kanilang mga overaged na anak (over 21) na pinabata sa pamamagitan ng pagbago ng birthday sa birth  cetrtificate na nakukuha sa CM Recto. Kaya noon may nakilala akong isang Pinay na nang tanungin ko kung ilang taon na muntik nang maibuga ko ang aking iniinom na kape nang sabhin niya ang kanyang edad.


'Day. mas matanda pa siya sa humukay ng Ilog Pasig kung bibilangin mo ang pileges sa kaniyang mukha. Isang Pinay ang bumulong sa akin na pinabata raw yon nang walang tulong si Vicky Belo ng sampung taon.

Tapos tinatawag nya akong Ate? Nangangalisag ang balahibo ko. Ngiiiii



Balik tayo sa What's in a name Rosanna?



Noong World War II, superpinoy hero (pahiram, silver) ang aking super lolo sa aking tatay side. Wanted sila ng mga Hapon. May nakapatong na pabuya para sa ikahuhuli nila as guerilla na walang takot bumaba sa bayan para patayin o tambangan ang mga Singkit. Parang pelikula. Pero hindi sila nagpagawa ng kamiseta na may tatak ng mapa ng Pilipinas. Aroroy.  Anong kinalaman nito kay Rosanna Roces? Patience my dear, aabot tayo diyan.

Nagpalit sila ng apelyido para hindi sila mahanap ng mga naghahanap sa kanilang  mga sundalo at sibilyan na dakpin ang malaRambong lahi namin. AHERMM.   Ang Spanish sounding surname namin ay naging pangalan ng dalawang tao na kami lang yata sa Pilipinas ang mayroong ganoon apelyido. (Naaah, hindi BagongGahasa o Bagong Gising). Basta.


Nang ako ay nasa College, pumusta ako sa aking mga kaklase na wala silang makukuhang pangalan sa telephone directory. WAGI. BEH.


Ngayon ay isang bata na lang sa fourth generation ang may ganoong pangalan. Ang mga lumabas kasing apo sa tuhod at apo sa talampakan ay mga babae. WAhhhhh.


Ganoon din si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda na nagenroll sa Ateneo na ginamit ang JoseProtacio Rizal imbes na buong pangalan dahil sa takot ng kapatid niyang si Paciano na malaman ng mga Katsila na sila ay magkapatid. OO mga kafatid si Paciano talaga ang masigasig noon na lumalaban sa kabuhungan ng mga Katsila pero ni minsan ay hindi siya ang naparangalan.

ITO SIGURO ANG GUSTO NI ROSANNANG ISAGOT NG KANIYANG ITINANONG.


Anong kasalanan ni Rosanna Roces?


Hindi kasalanan ni Rosanna ang eencourage ang mga bata na magbasa hindi lang ng librong kanilang textbook at ang magtanong sa teacher. Ako rin ay madalas magbigay ng assignment na wala sa libro. Aty may titser ako noon na wala talaga sa libro ang assignment kaya ang National Library sa akin a naging pasyalan ko. AHERM. Bakit ba ang kati ng lalamunan ko. 

Hindi rin naman kasalanan ng mga  teacher kung hindi nila alam yon dahil hindi naman sila computer o encyclopedia na maiibigay ang kasagutan ng lahat nang itatanong. 


Ang mali ni Rosanna ay turuan ang mga batang idisrespeto ang mga titser kapag hindi ito nakakasagot ng kanilang tanong.




Lalo may mga istudyante  kasi na para lang makapagyabang o makatawag pansin o kaya ay hindi sila matawag, ginagawa nila ang ganitong pagtatanong. Minsan gusto mo ring batuhin ng eraser (whoops nagbabasa ba ang MTRCB) dahil sa pasaway.


Marahil gusto ng magpasikat ni Rosanna may alam siya kahit wala siyang mataas na pinag-aralan. Ganoon ang mga kaunti ang alam. Makabasa lang ng isang bagay na akala nila ay malaking bagay gusto nila itong ipamarali at the expense of some people.


Ano ang kasalanan ng Programa

Ang mga producers at ang istasyon ay may obligasyon na maging maingat sa mga pangyayaring gumagamit ng mga bulgar na salita o nag-iinsulto sa kapwa.


Sa Estados Unidos, ang network ay pinapatawan ng multang mahigit dalawandaang libong dolyar para sa isang mura na sinabi ng panauhin o ng staff. Hindi kailangang suspendihin ang buong programa. Dapat pinatawan sila ng multa.


Ang Opinyon


Naiinis ako kapag nababasa ko na gagamitin ang freedom of expression para lang masabing entitled ang tao sa kanilang opinyon.


Ang opinyon ay hindi kasali ang pagmumura at pag-iinsulto sa ibang tao dahil kung may karapatan ang isang tao na  magsabi ng kaniyang opinyon, may karapatan din ang ibang tao na hindi mainsulto o mabastos.

Malabo ba?


In a polite and civil society, hindi nagmumurahan o nagtuturo ng pambabastos sa mga bata ang mga taong may access sa media.


Pinaysaamerika

8 comments:

  1. merong nagsabi "your freedom ends where my nose begins". kahit sabihin pa natin na tayo ay malaya, ang kalayaang ito ay may mga limitasyon na ipinapataw ng batas. hindi tayo basta-basta kukuha ng gamit ng ibang tao, o mananakit ng kapwa o kaya ay manira ng pangalan o reputasyon. kahit walang pinag-aralan, alam dapat yun.

    ReplyDelete
  2. ok ka na ba, ms cath?

    ReplyDelete
  3. karamihan nga may mga pinag-aralan ang akala eh dahil may mga freedoms sa isang democratic country, may mga karapatan na ang mga taong gawin o sabihin ang gusto nila.

    ReplyDelete
  4. biyay,
    may scheds pa ako ngayong Friday. Monday at mga susunod na araw.

    Bored na bored lang ako. Pag ako nakakaupo sa silya. panay ang blog. Ngayon hinihintay ko yong debate.

    ReplyDelete
  5. paiinumin ko nang isang bote ng ink ng boardmarker at papagawa ako ng isang kilometrong essay kay rosanna tungkol sa life and works ni rizal. LOL.

    e kasi naman, feeling phd sa history,wikipedia lang pala ang gamit. grrr...

    ReplyDelete
  6. hsynsku silver, baka yan lang ang alam nya kasi siya nagbago ng pangalan.

    ReplyDelete
  7. wow. ako ay natuto sa post na ito punto por punto.

    etong osang naman kasi ay dapat nag-iisip bago magsalita. tingin ko kahit ang pinakabobong tao (kunwari lang meron) ay hindi sasabihin ang mga ganyang salita.

    ayan tuloy, tigok ang hanapbuhay nya.

    ReplyDelete
  8. ayan tuloy tinamaan ako, baket kamo? ako dakdak ng dakdak ng di muna nagiisip nyahaha.
    biyay, kasama ba dyan sa mga binanggit mo yung pintasera at laitera?o nakalimutan mo lang banggitin?o baka naman di talaga kasama?
    kung ganon,tuloy ang ligaya at tuloy ang laitan nyahaha.

    ReplyDelete