Saturday, December 05, 2009

Sweat Shop and Slavery -Conversation with GOD

Dear insansapinas,
Noong bagong dating ako dito sa States, naheadline ang balita about sweat shop (sa California) mismo na ang mga nagtatrabaho ay mga Asyano na inismuggle sa bansa.


Lahat ng mga nagtrabaho doon ay nabigyan ng visa pagkatapos ng investigation at maparusahan ang mga masterminds.

Katatapos ko lang basahin yong nobela na kung saan ang mga turista o mga locals ay kinikidnap ng military para sa minahan ng expat. Once a day lang sila kumain at work to death talaga sila. FICTION ito pero di ko akalaing meron pala ito sa tunay na buhay.
 Ito ang balita tungkol sa slavery sa Mexico.


Mexican authorities have freed 107 indigenous people who officials say were being held as slave laborers in a Mexico City factory disguised as a drug rehabilitation center.Twenty-three suspects were arrested in Thursday's raid, said Miguel Angel Mancera, Mexico City's attorney general. Two more were arrested Friday morning, officials said.
The victims ranged from 14 to 70 years old, and some were tortured, Mancera told CNN affiliate TV Azteca. Some victims also suffered sexual abuse, he said.
"They were beaten," he said. "Several have wounds, serious wounds. We even have some of the victims with fractures."
And I like to think that the people behind the gruesome operation to 
make themselves richer by cutting labor costs are those people who are religious and charitable in the eyes of the community. Pweh.




Conversation with God
Bigla tuloy akong kumatok sa Kaniyang Pinto para magtanong.

GOD: (with thunder and lightning). Yes, nagtext ka?

Me: Hindi ako nagtext, malabo ang mata ko, di ko makita ang mga letters at numbers sa keypad.

GOD: Dami ko kasing cellphones, nalilito na ako.

Me: High tech ka na rin ba?Paano naman ang mga walang cell phones?

GOD: Hindi mo ba alam? ang mga monghe (monks) ko ay gumagamit na ng laptop para irestore ang mga lumang libro. Sa mga walang cell phones, hagip ko ang mga dasal, mga hinaing at mga reklamo sa police scanner ko, mura lang sa Radio Shack. Teka Ano ang problema? Kung sa mata, tinulak na kita sa opthalmologist.


photocredit: MSNBC
me: Ikaw ba yong tumulak sa akin?

GOD: Ano naman ang gusto mo sabihin kong KAZAM, ayan maliwanag na ang mata mo. 

Me: Hindi mata ko ang malabo. Ang utak ko. hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari yon. Yong mga balitang ang daming injustices na nangyayari, ang daming nalolokong pumapatay ng mga tao at ang daming nagpapakayaman sa hirap ng mga taong inaapi nila. 

GOD: balik na naman ba tayo sa topic na yan?

Me: Last conversation yata natin sa pulitika, yong mga taong sinasabi nila na inutusan mo raw tumakbo. 

GOD: Tingnan mo ang mga taong yan, tatakbo na lang ako pa ang ginagamit na excuse. Padalhan ko kaya ng kidlat o kaya ng tsunami.


Ang nilalang ko ay mga tao hindi robot at hindi rin mga puppet. kaya mayroon silang free will kung ano ang gusto nilang gawin. Pero may caveat ako. Gumawa ka ng masama, may kaparusahan ka.



Me: Pero marami pa ring masasama kagaya ng nasa balita.

GOD: O di  ba ayaw ng ibang maniwala na may demonyo at may impyerno? Anong tawag mo sa mga taong yan at ang lugar kung saan sila ay kinukulong?


Nabasa mo ba yong milyon na pinatay sa China na ginawang parang daga sa mga eksperimento? Siguro alam mo naman ang nangyari sa Germany ang pagpatay ng milyong Hudyo.


Nabasa mo rin siguro ang epekto ng bomba sa Japan noong World War 2?

Ang hirap saiyo panay showbiz ang binabasa mo. Ano ba ang latest kay Krista Ranillo? 


ME: Bakit mo pinabayaang mangyari?


GOD: Anong gusto mo bigla akong mag-aapear doon at iligtas sila ay karamihan sa mga tao ay di naniniwala sa AKIN? Hindi ako si Superman? O si Batman na sa Estados Unidos lang nag-ooperate at kailangan ng mga gadgets.


Pinababayaan? Nasaan na ba ang mga Empire noon? Nasaan na ang mga ConquerorS at ang mga tyrants?  


Me: may mga buhay pa. Marami pa sila.


GOD: Syempre pag nawala yan wala lahat. Alangan namang pag ginunaw ko ang mundo, meron akong parang si Santa Claus, may listahang those who are naughty and nice.



Kahit sa pelikula, ang bida lang ang natitira. Eh lahat gustong maging bida.


Beep beep beeep.


GOD: Gising ka na, binabangungot ka lang . may text ako. Opps sex text galing sa isang golfer. Turo sa akin ng kaibigan mong si Lee. Depuger. ooops. Salbaheng bata.



P{op ) Biglang nagising. Nakatulugan ko pala ang panonood ko ng pelikulang end of the world.


Pinaysaamerika.




17 comments:

  1. hahahaha
    nakakunot na noo ko, malungkot na ko dun sa story nun g tungkol sa mga slaves...
    babanatan nanaman ng nakakatawa hahahahaha,yan ang tinatawag na inborn humorous, kahit gano ka tragic ang balita, at the end mapapatawa ka.
    teka,dun muna tayo sa balitang slaves,de puger talaga oo hahaha.

    mam,nakakalungkot,at alam kong maraming magagalit, tataas ang kilay,at maiimbyerna nanaman saking lilitanyahin, lekat kasing daliri to parang dila ko,umaga palang hinahasa na.

    my tanong ako e, na hindi naman patanong, anu ang pagkakatulad ng MEXICO, ITALY, at PINAS?
    pare parehong christian sarado nakakandado katoliko ang mga bansang yan...
    eto ang tanong na di naman tanong,bakit sila pareparehong walang takot sa Dios?kunyari my mga takot sa Dios, moralista, kinokondena kagad pag my mga balitang involve ang moral, mga gahaman, nagtambak ang mamamatay tao, magnanakaw, mafioso, sindikato, legal ang mga baril, walang takot pumatay ng kapwa, manggamit ng kapwa, mang alipin ng kapwa, alam ko kahit saang bansa meron nyan pero pansinin mo,kung saan pa yung mga sarado katoliko ang mga tao dun pa katalamak ang sama.
    kapag nainvolve sa krimen at scandal bitbit ang bible sa harap ng camera at ang background e mga santo, anu beeeeeeh? bakit di tinatamaan ng kidlat ang mga sinalibad na gumagawa nyan? gusto kong mapa pweh, sa mga ipokritong mga de puger na yan.

    teka, nasa topic pa ba ko mam? hahahahaha, nakuuuh talaga namang oho, sori po sori po pero yun lang ang aking obserbasyon, kung sa tingin nyo e mali ako e wala akong magagawa, baliktad talaga ang utak ko,medyo hindi normal ang takbo,dapat na yata talaga ako magparehab pero sayang naman ang trabaho ko dito,maiistap ang mga remitances ng washington sa pinas hahahaha.

    ReplyDelete
  2. kasi pag Christiano, ito babatuhin din ako ng mga relihiyoso pero ang kunsensiya kasi nacocondition. o di va noon na corrupt ang mga pope ( ibinoboto rin sila noon at marami rin silang anak sa labas kagaya ni Borgia, yong iba inalis na sa records ng Vatican) na pwede kang patawarin pag may indulgencia. magdonate ka lang ng malaki, mabango na ang kaluluwa ng mga killers ( di ba relihiyoso ang mga MAFIA)so yon ang akala nila dahil mga proclamations lang naman ng mga tao yon na nalagay sa pwesto.

    tingnan mo sa atin sa pinas, kahit na anong sama ng presidente pag ang simbahan ay pinapayagang mag-enjoy ng tax privileges, mga business concessions at mga property management and investments, okay lang sa kanila.

    pero oras na kinontra mo sila kawawa ka.

    ReplyDelete
  3. ang di ko masikmura yong nakakain sila ng masarap sa tulo't pawis ng mga taong kinakawawa nila.

    magtataka ka rin dito sa States, ang mga nang-aapi ay mga kababayan din nila kagaya ng mga Asyano sa Asyano.

    Ang Puti alam nila ang consequence ng ganitong mga crime.

    eh yong mga foreigners, labas pasok lang sila.

    ReplyDelete
  4. Ako sarado ring Katoliko pero hindi nakasusi. palagi kong nakakalimutan.

    ang panulat daw ay mas matalas sa espada.

    Magsulat ka ng nakakagalit, sisirain mo ang araw ng taong nagbasa.

    Sa akin pag isinulat ko ang karumal-dumal ( lalim niyan sisirin mo) na ginagawa ng mga walanghiyang tao ay upang ipaalam ang mga kasamaan sa mundo pero hindi ko gustong maramdaman ng nagbabasa na lahat ng tao ay masama kagaya na rin ng kaso na pag may nanloko saiyong Pilipino o intsik hindi ibig sabihin ninyan manloloko ang lahat.

    May sira ulong mga tao, isa na ako doon. tinuniuniuni at may mababait din na tao na minsan hindi pa nga nagdarasal.

    ReplyDelete
  5. wala nanaman ako sa topic hahahahahahaha.

    ReplyDelete
  6. sigh, alam ko naman na matitino naman ang mga pinoy, mga buo ang loob (sira ang ulo).
    pag apak palang ng paa ko sa pinas,anu ng unang bubungad sayo?yung mga bwayang gutom sa airport,muntik nakong
    madampot ng pulis airport sa pagka maepal, kasi naman nakakahiyang talaga,mga 2 yrs ago, my mga nakasabay akong mga chinese na studyante pauwi ng pinas, yun ba namang sikyo nakaharang at my nakaipit sa kamay na 100rmb at pinapakita sa mga studyanteng chinese,means nanghihingi sya ng ganun,ang kapal ng mukha,
    garapalan,nakita ko,sinita ko yung sikyo hanggang nagsagutan kami,
    sabi ko mga studyante yan nakakahiya kayo,
    damay kaming mga pinoy,
    pati kami mababastos.

    paglabas,wala akong sundo kasi surprise ang uwi ko,salubungin ka ng mga airport taxi na puro mandurugas,uumpisahan ka sa 2000php,balikbayan eh,since palaging maliit bitbit kong maleta sabi ko di ako ofw,nagseminar lang ako,alam ko bayaran,600-700 lang hanggang samin,lulusot kung makakalusot ang mga mandurugas.

    nagbayad ka na sa taxi nila,kukulitin ka pa ng tip,dika titigilan hanggang makarating ka sa pupuntahan mo,ako na nagbayad ng toll fee dika pa rin papalusutin sa tip,mga buwaya.

    sisimulan kong magpagawa ng kung anu anu sa bahay,pa repair, paayos, pagawa, since wala naman kaming lalake sa bahay lahat iuupa mo at yung makukuha mong tao,lahat ng panloloko at lahat ng pwedeng masipsip sayo sisipsipin,
    puro palpak naman lahat ng ginawa at ipapaulit mo nanaman,sa mandurugas nanaman ang mahahanap mo.

    di ka hihintuan ng truck ng basura dahil hindi ka nagtitip sa kanila twing hahakot sila ng basura at twing pasko at fiesta.
    my time na haharangin ko pa sila sa kalye para lang damputin yung basurang kinakalkal na ng mga hayup at mga batang scavengers.
    inaaway ko na rin yung home owners na naniningil ng monthly dues,bayad kami ng bayad wala namang ginagawang matino.

    pupunta ka sa palengke putcha puro my daya ang timbangan at sisingitan pa ng bulok yung binili mo, kulang na sa timbang bulok pa,wala ka ng napakinabang.

    umorder ka ng b uong chicken sa max kasi takam na takam ka na sa manok sa tin, ihahain sayo lechong sisiw.

    pagdaan ko sa kanto ang aga aga papuntang palengke,daming nakatumpok na tao,my binaril,nagkaonsehan daw sa halagang 500php,nag away sa kanto nagbarilan my nadamay pang batang studyante na dumadaan lang,3 patay.

    pauwi ka na galing palengke,my iyak ng iyak sa kanto kasi nabudol budol daw at nakuha lahat ng pera nyang dala galing ng bangko.

    pagdating mo sa bahay, wala na yung celphone sa bulsa mo sa harapan pa na bulsa,buti nalang naubos na yung bitbit mong 2000 na dadalawang maliit na plastic bag ang nabili,kung hindi pati yun nawala,kulang ng piso yung bayad sa tricycle ayaw pumayag at lugi daw sya.

    magluluto kana wala na palang gasul at walang mabili dahil ang mga hayuf naghihintay tumaas ang presyo kaya tinatago,mapipilitan kang magmakaawa,utang na loob mo pa kahit nagbayad ka ng doble,kasi makikita daw nung iba kaya ipupuslit nila sa bodega at ihahatid nalang sayo,doble presyo.

    pagdating nung recibo ng koryente muntik kapang aatakihin sa puso kasi ang nagamit mo lang na koryente e 6000 pero ang bill mo halos 10,000, kasi ikae din ang magbabayad nung mga mandurugas na naka jumper.

    sasabihin, di naman lahat ng pinoy ganun na mandurugas, sana nga kaso e puro mandurugas ang nakaka banggaang bungo ko e.

    sumasakit ang ulo ko,kahit gusto ko pang magstay sa pinas,gusto ko na ulit bumalik dito kasi mas wala akong problema dito kundi itong mga depuger na pagkatatangang pagkatitigas ng bungong chikchikwas dito.

    ReplyDelete
  7. sakto mam,saktong sakto yun g mga sinabi mo.
    ako din di ako mabait at ayoko pang magpakabait kasi ayoko pang kunin ako ni Lord, ako alam naman ng lahat na matindi din ang pilas sa utak ko at malamang matindi ang virus na nakapasok,pero yung manloko ako ng kapwa at manggantso diko pa naman ginawa kahi ayoko ding gawin sakin,simple lang naman e kung anu yung ayaw mong gawin sayo e wag mong gawin sa kapwa,pero ako madalas kong gawin e magpagalit ng tao tinuninutinuninu
    sabi ni mader e magkakasakit daw ako pag di ako nakapag pagalit ng tao,ok lang game naman ako na galitin din nila ko e tingnan nalang kung sinung tatagal jejeje.

    pero one thing na pwede kong ipagmalaki,ang aming kinakain ay lahat galing sa aking pawis,yun nga lang pag winter di ako pinapawisan kaya di kami makakain ng pawis ngayong winter.
    mam, ang family ko sarado katoliko din,si lowla ay dating madre at talagang silay mga katchilang sarado katoliko at nakakandado pa kaso nalaglag yata yung susi sa kanal, ayun itinakwil sya ng clan jejeje.

    ReplyDelete
  8. gaya ng mga tao dito mam,walang Dios at di naniniwala sa Dios.
    ang mga naging Boss ko at kasalukuyang Boss na mga aleman, walang mga Dios at di naniniwalang my Dios(kinikilabutan ako)at pag nalaman mong ganun ang kaharap mo ena di naniniwalang my Dios e gusto mong tumalon bigla palayo sa kanya e hahaha pero yung mga bossing ko naman, so far wala naman sa kanila ang maloloko at nanlalamang.

    ReplyDelete
  9. luluwas ako bukas sa shanghai ng maagang maaga, pupunta ng church, magtitika at magsisisi,hihingi ng awa at magbabawas ng kasalanan, tapos nun balik nanaman sa dating gawi na manggagalit at manglalait nanaman at mang ha hi-blood ng kapwa,tsk!

    ReplyDelete
  10. lee,
    nang umuwi ako sa pinas, wala namang pumapapel sa akin na mga buwaya.

    Kaya siguro minsan may hinala ako na mukha akong bruha, takot sila na bigla ko na lang idipa ang aking kamay at gawin silang palaka.

    hindi ko natry ang taxi diyan dahil talagang nagpapasundo ako.

    pero alam ko ang mga kuwento tungkol sa mga taxi drivers.

    minsan may nasakayan akong tax driver, kwento niya ay yong mga OFW na babae na imomotel pa raw niya. hindi pa ako noon nagmigrate.

    yabang ng lalaking yon. hindi naman siya guwapo. buti na lang nakabalot yong daliri kung hindi tinuro kosiya at ginawa ko siyang ahas pagkatapos niyang maihatid ako sa aking meeting.

    ReplyDelete
  11. nang umuwi ako nagpaayos din ako ng bahay. Buti na lang magaling yong asawa ng pamangkin ko. inampon ko ang pamangkin kong yon at sa lahat ng mga nanligaw sa kaniya, nabaitan ako sa asawa niya. kaya siya lang ang aking pinagkakatiwalaan sa mga repair sa bahay. Dati meron din akong regular na karpintero/mason na binibigyan ko ng regular na trabaho para mayroon siyang regular income. Naarbor naman siya ng mga kavillage ko kaya all year round ang kaniyang trabaho.

    Ang siste, ginanagaya lahat nang pinapagawa ko. Nang nagpapalay akong narry plywood sa aking wall, lahat nagpalagay din. hehehe okay lang. humihingi naman siya sa akin ng permiso. okay naman sa akin kung hindi. nang umalis ako, nagabroad na yata siya.

    ReplyDelete
  12. yon dating publisher ko ng libro ko ay gumamit ng jumper yong anak niya doon sa kanilang printing shop. namatay na ang kanilang magulang na mga bata pa rin. Stroke. Naiwan ang negosyo sa anak. Ayun gumamit ng jumper.Nahuli ng Meralco, may penalty yata, nang magbalikbayan ako wala silang koryente kahit sa bahay nila.

    kawawang mga bata. Noong buhay ang magulang nila kampante lang sila dahil malaki ang kita ng kanilang negosyo.

    Sa akin na lang hindi sila magkaugaga pag pasukan na sa school dahil tatlong libro ang pinaiimprinta ko.

    ReplyDelete
  13. Lee,
    ako rin lahat galing sa aking pawis (pinagpapawisan din ako kaiisip) ang pinakain ko sa aking pamilya.

    Pagnanakakalamang ako binabawi kaagad sa akin.

    kagaya noong istudyante ako at nakalibre ng pamasahe.

    naiwan ko naman ang baon ko sa bus.

    mas mahal pa ang nagastos ko pgbili ko ng pagkain.

    ang aking biyenan na poregner at German Swiss. Atheist siya pero nagdadasal siya kasabay ng asawa niya na Jewish naman.

    Pero napakabait niya at ni minsan hindi nanglamang at nandaya ng kapwa niya.

    Isa lang ang pintas ko doon. Tsismosa. Kaya kami nagkakasundo.

    Tsinitsismis niya yong mga kasama niya sa retirement home.

    ReplyDelete
  14. nakuh, wala akong connection kahapon, ang aga ko pa naman nakauwi, hapon palang,kaso pansin ko kapagka sunday ayaw gumana ng proxy ko, siguro daming humagamit ng connection.
    natataw ko sa mga kwento, buti ka pa mam puro matitino ang nakakasalamuha mo, mukha yata akong lokohin kaya ganun, sobrang bait kasi ni mader todo pasa yun at ako naman pag sinabi kung magkano walang tawad tawad dipa sila naka start ng trabaho full payment kagad sila sakin kasi katwiran ko pano silang kikilos at magtatrabaho kung wala silang pera?kaya ayun pag hawak na pera ilalargahan na ko, kaya ngayon pag nagpagawa ako e half lang muna palagi ang bayad ko

    ReplyDelete
  15. LEE,
    sabi nila may pagkamangkukulam daw ako. Pag ako nagagalit, may nangyayari sa tao. Pag ako raw ay nakita nila ang mata ko raw ay parang nanunumbat.

    In short, buruka ako. hahaha
    gusto mong pahiramin kita ng karayom?

    ReplyDelete
  16. Ngeeeeeeee hahahahahahaha.

    ReplyDelete
  17. Ngeeeeeeeeee, hahahahahahaha.

    ReplyDelete