Thursday, December 03, 2009

Pinay Rocker-Hindi pa rin ako nag-iisa

Dear insansapinas,
Tuwang-tuwa ako sa retratong pinagkukuha ni Lee sa kanilang pabrika sa Bayan ng mga Hopia. Ang mga batang mga nagtatrabaho ay Pa Rocker effect ang buhok. Para bang pagnaubusan sila ng mop, babaligtarin lang nila ang isa doon at puwede ng substitute.



Tingnan ang ibang retrato dito.

Nalala ko tuloy ang video ko na kinuha nang ako ay bagong gising. katulad din noon. mukha rin pala akong Pinay rocker. Pwede rin akong substitute sa Swifter, yong panlinis ng tile floor namin.





Pasensiya kayo kung nasa-i-love-myself-don-t-i-look-pretty ubuububu moments ako.


Magwiwinter na kasi. Officially in a matter of days. Boink.


Pinaysaamerika

10 comments:

  1. nyak hahaha sabi ko kala ko naligaw akot nagbalik sa site ko, yun pala di naman,bumungad kasi sakin yang babaeng mop, aruy!

    nakakainis, di raw allowed dito makita video mo mam waaa bat kaya?anu bang meron sa video bat ayaw ipakita.

    ReplyDelete
  2. pag ikaw ang napunta dito mam matatawa ka ng matatawa,di lang sa mga buhok nila kundi sa mga suot nila.
    yun bang naglalakad ka kung saan tas my masasalubong kang naka damit ng pangkasal pero naka rubber shoes, yun pala nagpi pictorial
    kasi dito ang kasal e pirmahan lang kaya kodakan ng kodakan tapos yung kinodak idedesplay sa labas ng resto na pagdarausan ng handaan,
    pero actually wala naman ceremony,kainan lang.
    tas my parang aabay sa kasal, yun yung damit nya kahit walang okasyon, wala lang type nya lang,tapos my mukhang unan sa dai ng ruffles, my mukhang naglalakad na kurtina,napaka wiwirdo ng mga tao dito,wala kasing pakelamanan kahit anung isuot walang titingin sayot magtatawa,subukan mo dyan satin magsuot ng mga suot nila dito,sa carnabal mo lang makikita.

    ReplyDelete
  3. ang pinagtataka ko kung paano nila napapakapal ng ganiyang ang buhok.

    para talagang bunot. hehehe pintas ko.

    ReplyDelete
  4. naku gawin m sa pinas yan, susundan ka ng mga bata. magkakaroon ng prusisyon ng mga usi. ususero ususera.

    sa SF naman, ngayong holidays mga weird ang tao. yong iba may hikaw na malaki shaped Christmas tree. meron akong nakita mismo ang ulo may christmas tree.

    pero ordinary days, ang mga itim, colorful ang suot at may mga rhinestones na sa atin susutotin lang natin pag gabi o may party.

    kasi ang mga intsik noong panahon na mao, walang sinuot kung hindi gray at pareho pareho pa.

    pero pag nanonood ako ng Chinese movie, bilib ako sa mga costume nila. ang gaming tela ang ginagamit. silk at brocade.

    ReplyDelete
  5. hahahahaha.
    mam, kaya tumataas ng ganyan kasi kinukulot ng kingki, ganun ang kulot dito pa kingki,
    tapos pag kingki na lalagyan pa ng wax kaya bukod sa mukha ng makapal e ang titigas pa nyan di kayang guluhin kahit ng hangin ng blower.
    ipapaayos nila yan sa parlor tapos walang liguan ng buwan ang aabutin yay, kaya mababahing kana pag natabi ka sa kanila at wag kang lalapit dahil laglagan ang balakubak, yukk.

    ReplyDelete
  6. dito naman yong tinitirintas ng maliliit na may extension usually sa mga itim. 8 to 12hours palang gawin yon at tumatagal ng buwan bago ipaayos.

    hindi nila mapaliguan kaya spray lang yata ng pabango. sus.

    ReplyDelete
  7. ngek, di ba makati yun sa tagal di niliguan?pag ako siguro dina ko mapakali sa kati ng ulo haha

    ReplyDelete
  8. kasi nung araw mam wala silang pera, trabaho sila ng trabaho nung panahon ni mao, masipag ka o tamad ka pareho ng benefits, rasyon ang pagkain, damit at shoes kaya pare pareho sila,tamad ang mga taga north at masisipag naman ang taga south, taga north si mao.
    so nung umupo si deng, taga south, alam nyang masisipag sila kaya sa kaya naopen yung china at sa kanya nanggaling yung magsipag ang gustong yumaman, kaya sikat si deng sa mga new generation.
    ngayon, taga south ang pinakamayayamang intsik, itong province na kinaroroonan ko ang pinakamaliit na province ng china pero sila ang pinakamayaman.

    ReplyDelete
  9. mam, nakita ko na yung video, hahahahahahaha diko tinigilan talaga inaraw araw ko at pinag tyagaan, maghapon bago tumakbo hahahaha
    tawa ko ng tawa, wala ng suklay suklay basta pusod nalang,
    kaya nga yung mga puti di ba nga,
    mukhang dina sila nagsusuklay basta nalang ipupunggot ng ganun.
    anu kaya gawin ko din yan?
    kaso wala akong buhok,
    1 inch lang ang haba ng buhok ko hahahahahasesgu

    ReplyDelete
  10. ngeeeek, dun ko yata nakasama itype yung confirmation letters sa comment ko kaya nawala, huli na ng marealize ko nakasama sa comment hahahaha

    ReplyDelete