Wednesday, December 09, 2009

Disenchancement Moments- It is the tooth that counts



Dear insansapinas,

Galing ako sa shopping complex na malapit sa amin. Matagal-tagal na ring hindi ako nakabili  ng Footlong na Sandwich-to-go, kaya umorder ako ng isa.


Napansin ko dati marami  ang empleyado ng fastfood na yon,ngayon dalawa na lang. Signs of the Times. Pero di ko ineexpect na ang footlong ay mababawasan rin. Hindi ko kailangang sukatin ng ruler.


Paano ko nalaman na kulang sa laki ang sandwich? Dati kasi, sa laki noon, pinahahati ko sa tatlo. Isa sa tanghalian ko, isa dinner at pag hindi ako lamakad ng tulog sa gabi at nagbukas ng ref, almusal ko pa.

Dati ang large soda nila ay napakalaki na kailangan may nakastandby kang salbabida in case mahulog ka sa plastic na baso at hindi ka makahawak sa straw.
 Ngayon isang upuan ko lang, naubos ko ang sandwich hindi pa man nahuhuli ang criminal sa Law and Order na pinapanood ko. Yon naman kasama niyang TEA ay lasang tubig na kinulayan lang para magmukhang TSaa. Parang natakot sa multo sa putla.


Exchange Gift



Hindi ako maswerte pagdating sa exchange gift. Noong nasa grade three ako, pinagdala kami ng regalo ng titser ko. Ibinigay niya ang presyo. Excited ako. Maganda pa ang balot ng mother ko. May ribbon pa.


Pag-uwi ko hindi nila maipinta ang mukha ko. Kahit na si Van Gogh pa ang painter. Natanggap ko ba namang regalo ay limang pirasong candy na wala pang 20 per cent ang halaga sa ibinigay na presyo sa amin. OO sabihin na ninyo akong materialistic pero naman kahit sa department store noon,  yon ang ibinibigay na sukli imbes na barya.
Saka bata pa ko para maintindihan ang kasabihang, it is the tooth err, that counts na sinabi ng titser ko.  Hindi ko maintindihan bakit may ngipin na binibilang. Siguro dahil nakakasira ng ngipin ang candy. 


Fast Forward


Sa pinasukang kong kumpanya sa SF, sa aming department  ako lang ang Catholic at Christian. Mga kasamahan ko ay iba ang relihiyon at wala silang Pasko. Hindi sila sanay sa mga gift-giving.


Pero siguro alam naman nila na pag nagbigay ka ng regalo, kahit na 1.99 kailangang bago. Kahit pa nga regift pa iyan.


Natanggap ko one Christmas ay isang abaca na bag na Made in the Philippines (hindi Filipino ang nagbigay dahil ako lang ang Filipino doon). Ang hanep...nang buksan ko ang bag, may mga nakasingit pang barya, recibo at iba pang bagay na hindi lang circumstantial evidence na ginamit na ang bagay na iyon kung hindi solid evidence. Gusto kong itali ang nagbigay noon  at esplika sa kaniya na iba yong ibinibigay na lumang bag ng walang okasyon (kasi sawa na yong gumamit) at iba yong nagbibigay ng regalo. Sana binigyan na lang niya ako ng gift certificate sa ukay-ukay, nakapamili pa ako.
Tseh.


Minsan naman ay may natanggap akong trophy. Gusto kong maluha at magpasalamat para sa aking make-up, sa aking damit at sa aking buhok. At last may nakarecognize ng achievement ko.




Yon pala, sa pagmamadali ng office mate ko, ang nadala niya sa aming exchange gift ay isa sa mga regalong binalot  niya sa para sa kaniyang anak. Gusto ko lalong umiyak.


Pinaysaamerika

15 comments:

  1. HHAHAHAHAHAHAHA

    ganyan din ako sa skul kaya nadala na ko makipag exchange gift,sabi ko nga kay dencio exchange gift kami, e hiniram ko yung dialogue mong pamasahehan nya ko hahaha.

    tawa ko ng tawa dyan sa abaka na bag na my recibo na yan, mam dika pa rin naka move on sa bag na yan,tandang tanda mo pa ang lahat hahaha,parang ako
    di maka move on nung last xmas party ko sa pinas
    na company bago ko nag ofw,kasi alam na alam sa opis na malas ako pagdating sa exchange gift at raffle draws,so since
    nagresign nako at last ko ng xmas party yun kasama nila,they decided to give me one of the raffle gifts,so nung ang name ko di nabunot,nagpretend nalang sila na akin yun at sakin napunta yung rice cooker,tuwang tuwa ako,
    kaso my buntot pa ring kamalasan talaga, walang kordon sa loob yung brand new pa na rice cooker.

    ReplyDelete
  2. speaking of footlong.
    diba naman nauso din sa pinas yan nung araw, then bago pa man malugi at magsara e napakaliit na nung footlong na yun.
    yun kasi ang binibili ko kasi mahaba at maraming pwede maghati hati nung araw, tapos ako pa naman mahilig sa rootbeer,kaso ngayon ang tabang na nung rootbeer at yung sarsi naman e napakatamis.

    ReplyDelete
  3. lee,
    paano ko makakalimutan yong bag na yon ang nagbigay ay mayabang na manager namin.

    nakatanggap din ako ng rice cooker na walang kordon. regalo yata sa kasal yon na ginamit ang kordon noong masira ang kordon noong paborito nilang rice cooker.

    makikita mo na hindi talaga pagbigay ang kanilang motibo kung hindi maidispatsa ang ayaw nila.

    ReplyDelete
  4. hindi ko alam na nagkaroon din pala ng footlong diya.

    ang alam ko naman diyan sa resto, ang lumiliit ang plato kaya kahit bawas ang pagkain si mo halata.

    ReplyDelete
  5. oo mam matagal na yung footlong na yun sa pinas nagaaral pa yata ako nun kaso nawala na rin.
    totoo ka dyan,yung plato lumiliit at yung laman e nakakalat sa plato na tinakpan lang yung plato para magmukhang marami pero pag inipon mo na yung laman e tatlong subo kang wala, at kasamang nawawala yung quality at yung lasa.
    ganyang ganyan ang chowking,ang ganda ganda ng ads parang mga
    hayok na hayok sa sarap
    yung mga nasa ads tapos puntahan mo di nman masarap at kakapirangot pa,wala bang
    punishment man lang sa mga ganung nakakalokong mga ads,pagpunta mo naman e maiinis ka lang.
    dapat my batas din na
    pwedeng magpenalty ang mga ganyang manlolokong ads gaya ng chowking.
    teka naligaw ako ng
    topic, ikinomersyal ko pa yang
    chowking na yan.

    ReplyDelete
  6. paborito ko yung footlong nung nag-aaral pa lang ako. tanda ko pa, ph 20.00 lang yun nung 1997-98. sarap ng plain tapos lagyan mo lang ng konting mayo at maraming mustard. mmm...

    nung magk-trabaho na ako, sosyal na ako. subway na. pero di ko ata carry yung 12 inches ng subway.

    worst gift na natanggap ko, nangyari nung grade 3 or 4 ako. binigyan ba naman ako ng magazines ng hairstyling. actually, katalogo ata yun ng mga buhok. kasi daw, mahilig daw ako magbasa. isip ko naman, ano ang babasahin ko dun e puro picture yun?

    kaya ngayon, para di ako ma-disappoint pag christmas, nagre-regalo ako sa sarili ko. binabalot ko pa para surprise. minsan nga, nag-exchange gift pa ako sa sarili ko. "TO honey from biyay" at "to biyay from honey". Wagi!!

    ReplyDelete
  7. lee,
    dito rin, malaki ang makikita mong picture ng pagkain.

    pero sa ibaba may disclaimer na pinalaki rin daw.

    hindi ako mahilig noon sa sandwich kahit Mang Donald.

    Jolibee pwede pa. noong istudyante ako ay vegan ako. hindi ako kumakain ng mga bangkay ng hayup at isda. (gross di ba).

    kaya ang baon ko palagi noon at mga gulay, kagaya ng okra, talong at saka salad na talbos ng kamote.

    noong naging propesyonal na ako. ang hirap i-maintain ang pagiging vegan lalo pag nag-aatend ako ng conference, ang daming tentaciones na pagkain at saka walang masyadong gulay.

    Sa meryenda naman, mahilig ako ng saging.

    health conscious ako noon kaya walang nakikipagcontest sa akin ng titigan. natutunaw pag tinitigan ko.

    ano kaya ang relasyon noon?

    ReplyDelete
  8. biyay,
    yon nang subway sinasabi ko. sa SF di ko siya pinapansin. burger king ako forever o kaya ay popeye kasi meron silang crawfish at catfish doon.

    pag may malapit in and out. no grease ang kanilang fries.

    ReplyDelete
  9. kaya nga noong tinatanong ako ng doctor ko sa mga health habits ko, wala silang makita para masabing dahilang ng aking sakit kung hindi stress-induced. ala hayden. hakhakhak

    ReplyDelete
  10. honey,
    pareho tayo, nireregaluhan ko rin ang aking sarili.

    yong gusto ko talaga, pero hindi ko nilalagay ang pangalan kung sinong nagbigay. pagbukas ko bigla silang Haaaah. Secret admirer?

    Usually alahas. Ngayon iniisip ko pa kung ano ang aking ireregalo sa aking sarili.

    Ayaw pang sumagot.

    ReplyDelete
  11. naku biyay gayahin nga kita, maki exchange gift din ako sakin "to lee, from dawn", "to dawn from lee" oks ba?
    actually pag bday ko nireregaluhan ko sarili ko ng
    alahas kahit di ako mahilig sa alahas,suot ko yan maghapon ng bday ko...
    kasi kinabukasan bday ni mader sa kanya na mauuwi yun,pinagsawaan ko lang maghapon waaa.

    yoko ng subway, di kasi ako mahilig sa gulay e kaya ako di healthy mahilig ako sa bangkay ng hayup... nakakaduwal naman yung terminong yun mam,wala bang mas maganda?
    kaya labs ako ng mga bata
    sa bahay e kasi pag ako namili walang gulay maliban sa sitaw na pang sigang,at sa tamad kong
    magluto pag ako
    naiwang bantay sa mga bata fiesta sila kasi fastfood kami kakain hehe pag ako kasama ng mga bata magiging obese.

    ReplyDelete
  12. K,
    exchange gifts or not, i faithfully read your posts.
    k

    ReplyDelete
  13. lee,
    darating ang araw, mas kaunti na lang ang pagkaing nasa pinggan na akala mo dumi na hindi nahugasan. hahaha

    sige hindi bangkay, carcass.

    pareho rin.

    ReplyDelete
  14. lee, biyay,
    pareho pareho pala tayong I love myself. nireregaluhan ang mga sarili.

    nagtithank you ba kayo sasarili ninyo.

    ReplyDelete
  15. k,
    Thank you. merry christmas.

    K

    ReplyDelete