Sunday, December 20, 2009

Dashing through the Snow




Dear insansapinas,
Napapaligiran pa rin kami ng Puting Yelo. Walang naglilinis ng walkway kasi baka umulan pa ng yelo. Gusto ko tuloy kumanta ng Dashing through the snow...Jingle Bells.



Kahapon, nakapamintana ako ng may nakita akong babae na kumakain ng snow. Hindi man lang inilagay sa snow cone. Huwag ninyo akong tanungin kung anong lasa ng snow kasi hindi ko pa natry. Sa SF kasi noon wala namang snow. Meron doon Hailstone. Yong malalaking tipak ng yelo. Pag tinamaan ka bukol. Paminsan-minsan lang yon.


Hindi naman ako natawa nang makita ko yong babae na tuwang-tuwang naglalaro sa snow. Mamaya kodakan sila ng kapatid niya. Ang hula ko kagaya ko rin galing sa State na walang snow at ngayon lang nakakita.


Pero ako naman, hindi nagpakita ng ganoong excitement noong una kong winter dito. Panay lang ang tanong ko sa kapatid ko kung kailang magkakasnow. In fact yong kapatid ko sa SF, dito pa nagPasko para rin makakita ng snow. Bumili lang naman ako ng snow shoes, ng boots, muffler, bonnet at makapal na gloves. Excited ba yon?


Ang lintek na snow dumating January. 


Nakakita na ako ng snow sa Nevada. Pero yon yong parang bula lang ng sabon.Ito pati terrace namin puti. Pag tunaw nito, linis ang terrace. Wawalisin ko na lang .Sayang wala akong walis tinting.
Pasensiya kayo, tamad akong magkodak.  

Tamad pa rin akong lumabas. Kaya pala may tubig sa plastic container sa bathroom, inexpect siguro ng kapatid ko na magkaroon ng power outage at mawalan kami ng tubig. Alangan namang yong soda at tubig sa fridge ang gamitin namin anoh. Brrrrr.

O siya titingnan ko kung nakaparada pa yong sled sa labas. Rodolf, nasaan ba ang lintek na hiniram kong reindeer kay Santa.


Pinaysaamerika

4 comments:

  1. hahaha ganyang ganyan din ako nung una, tapos nung suot ko ng lahat dina ko makakilos sa bigat at dami ng suot.
    tapos pagtatawanan pako kasi till now pag winter mukha daw akong eskimo,kasalanan ko ba kung mahina ako sa ginaw? brrrr

    ReplyDelete
  2. nung una excited akong makakita ng snow, aba e nung my snow na nakakapag mura ako ng di oras,de puger!

    ReplyDelete
  3. lee,
    noong una ko ring mga taon dito, layers ang suot ko kaya akala nila ganoon ako kabilog. minsan wala akong suot na makapal, sabi noong matandang kapitbahay, may hugis ka pala.

    ano ako bote?

    ReplyDelete
  4. lee,
    ngayong umaga, naglinis ako ng patio.

    makapal pa rin ang yelo. Sa baba mg 2 feet siguro.

    Yong dalawa mong paa lulubog. hahaha

    ReplyDelete