The adventures and misadventures of a Pinay in the Land of Milk and Honey and her journey of life.Now she wants to save the world but is too sleepy to don the costume of Super Pinay
Tuesday, December 08, 2009
CHRISTMAS PARLOR GAMES
Dear insansapinas,
Sa aking Now What, Cat, meron aking article tungkol sa Christmas parlor games. Marami rin ang nagcocontribute. Ito ang iba sa kanila.
Author : mcrosweet
My suggested games:
1. POLO Candy Relay - similar to calamansi and egg relay, this time a player carries a toothpick on his mouth with a Polo Candy that he needs to transfer the candy to another player (with a toothpick on his mouth) until it reaches the final player. Siyempre, bawal mahulog ang candy.
2. Marshmallow Relay - may garlands of marshmallows na isusuot sa babae. Ang mga lalaking partner nila ang kakain ng mga marshmallows habang nakalagay sa likod ang kamay. Siyempre bahala na sila kung ano pa ang makakagat nila bukod sa marshmallows.
3. Scotch tape relay - ang mga lalaki naman ang nakatayo this time. Lalagyan sila ng mga tape sa iba't ibang bahagi ng damit. Mas thrilling kapag may nakadikit sa may crotch ng pants. Ang mga babae naman ang magtatanggal ng tape gamit ang bibig lang. Siyempre, bahala na rin sila sa kung ano pa ang kakagatin nila.
4. POK-POK PALAYOK - maganda itong gawin sa labas ng bakuran. Yung palayok ay may mga barya, kend, maliliit na laruan, mga papel de hapon (cut-outs) at harina. Yung mga players ay naka-blindfold na lalapit sa palayok na may pamalo. Pag nabasag ang palayok, winner siya!
Sarap maging Pinoy talaga!
2. ito galing kay myla:
maganda rin po ung make ur daddy to be a beauty queen…..
dapat po may kasama kaung anak na girl tapos cia po ung magmamake over sa inyo pede po kaung gumamit ng uling,liptsticks, blush on, or wig na magiging isang magandang babae ang daddy nio tpos paunahan lng pong matapos den papi2lahin po cla isa isa kasama nung daughter nila kung cno po ang pinakamagndang makeover cia po ang winner…try nio po maganda 2.
3. ito galing kay gino:
For Christmas party games-coordinators (like me) here are some of my games
1. “Mantsa”-nas (apple) eating contest. The usual game of having two people eat an apple that is hangged between them only that it is dip in food coloring that would surely stain “mantsa” their faces!
2. The prettiest smile! – have a group of individuals line in front and have them give thier prettiest smile while chewing a sour candy ball. Time pressured up to 3 or more minutes.
I have more games only that it’s difficult to explain..merry christmas!
4. ito galing kay jazmine
kelangan mu lang ng mgcut ng newspaper na hugis isda and cardboard as ur pamaypay…divide the group into two teams then isa-isang member ng team paunahan paypay ng fish papuntang finish line,…the first group who finish first WINS!!!! haha…
5. ito galing kay avie
MASAYA RIN PO YUNG LINDOL AT BAGYO
MAS MASAYA KAPAG MARAMI MAG FORM ng BAHAY 2 tao makahawak ng 2 kamay then may 1 tao sa gitna = yan un formation
the more haus the better then once nakafor na ng bahay meron isang tao na walang bahay.
Merong mga observer para makita un mga mandadaya.
merong MC kapag sinigaw niya LIPAT BAHAY yung tao na nasa loob ng haus lilipat sa ibang haus then kung sino un walang haus mabibigyan ng 1 point
Kapag sumigaw ng LINDOL UN MC: yun 3 tao na naka formation as HAUS dapat maghiwahiwalay in short kumuha ng ibang partner. Kapag merong hindi lumipat o nakipag palitan may points din na isa.
After 20 to 30 minutes cgurado pagod na kayo itatally ngaun kung sino pinaka kokonting points siya panalo.
Salamat sa mga contributors.
Pinaysaamerika
hanep daming parlor games nyan ah.
ReplyDeleteang alam ko lang kasi dating parlor game bukod sa pokpok (sakit sa tenga haha)ng palayok e yung magiistop dance sa paliit ng paliit na news paper at yung trip to jerusalem, dami na palang nauso.
sa bahay, rummikub lang, di naman sya scrabble pero mas nakakatuwa kesa scrabble.
pasko nanaman,masaya nanaman ang mga bata, sa bahay yung mga bata e wala namang gagalaing mga ninong at ninang (unfair nga raw lugi sila haha) at tinatamad namang pumunta ng malls dahil very crowded,e sa bahay lang sila, yung mga bata sa bahay e di mahilig magsigala,basta sila mga nakadikit ang mga mata sa computer, ganun na yata mga bata ngayon kasi wala na kong masyadong nakikitang mga bata sa kalye (aside from yung mga batang palaboy) na naglalaro ng patintero kagaya nung araw na kapanahunan ko, ang mga bata kundi nagpipiko, natetext nung maliliit na cards, nagcha chato, tumbang preso, nakakamis pero ala na kong nakikitang ganun kahit sa probinsya ang bata bata hi-tech na rin, puro puno ang internet cafe ng mga bata.
kaya ako bilib kay macoy nun, yung mga voltes 5 na cartoon e di umubra lalo pa siguro kung ngayon e buhay pa ang macoy at sya pa ang nangungulo satin e lalong di pwede yang mga nakaka violent na distruct na mga games sa pagaaral ng mga bata.
yan ang paborito ng aking kaibigang lalaki lalo na pag may magandang babae siyang makakapartner.
ReplyDeleteako minsan nanalo. pero kinarga na ako ng aking kapartner. hehehe buti di siya napilayan.
hahaha kakargahin talaga pag maliit na yung papel, di ako pwede dyan, baka yung lalaking ka partner ko pa magpakarga sakin dahil di nya ko kakayaning kargahin.
ReplyDelete