Dear insansapinas,
Bumalik ako sa eye doctor ko. Sobrang pula at sakit ng mata ko. Naging maliit pa nga dahil namamaga. Iniisip ko tuloy nasobrahan ng kalikot ang mata ko kasi ba naman, tatlo ang tumingin sa akin bago yong specialista. Palagay ko mga interns lang nga yong mga naunang tuminigin and to think ang laki ng charge niya.
Noong una kong pagpatingin, doon sa isang doctor, pink eye naman ang ibinigay sa akin. Mabuti pa yong tumingin sa akin noon na Indian wala akong problema. Siguro colorblind siya.
Nakapagpagawa na rin ako ng salamin. Kahit na akin ang frame, mahal pa rin. Yong frame binili ko sa Pinas noon pa. Pero ang tibay at magnetic. Pag may tiningnan ako namamagnet. Aruy. Ibig kong sabihin, yong shade clip on niya ay magnetized.
Tiningnan ko rin yong frame na nakadisplay. Merong mura. Sabi ng kapatid ko sa mga bata raw yon. Araaay. Batang isip naman ako. Kaya pala may design pang Dora at Barbie. hekhekhek
Di tuloy ako makapagblog at makapanood ng TV.
Panoorin ninyo itong video ni Borge na halos lahat gustong tumugtog ng piyano.
mga pakialamero sa buhay
Pinaysaamerika
hahaha ako ang dami kong salamin mam, mas mura kasi dito yng titanium compare satin na pagka mahal mahal, pinakamurang frame satin ay nasa 2,500php at pag ttanium ay not less than 3,000php samantalang dito e wala pang 1,000php.
ReplyDeletesa pamamaga ng mata ko e dami ko pamatak,pero pag mamaga ng husto at dina maidilat sa maga e steroid na ang gamit ko.
teka mam, bigla ko naalala...
ReplyDeletedi kaya....
nagbabagong anyo ka...?
di kaya....
isa kang....
taga twilight...?
corny...lol.
tama yan lee, yong binili kong eyeglasses diyan sa isang sikat na optical, 5,000 lang ang ibinayad ko, dalawa na may shades na kasama.
ReplyDeletehindi siya nagbabago kaya lens lang ang pinapapalitan ko.
huwah kang mag-alala Lee, inistaple ko ang aking bayawang pag bilog ang buwan kaya di ako hahati.
ReplyDeletenakalipas na yong ang paborito vampire stories kaya paborito ko blood. nyanon naman mga psycho ang binabasa ko mula kay james.
Psycho naman ako. tinuninunininu
alam mo bang nanalo akong best dramatci actress noon sa isang play namin na ang aking role ay pinalakol ko asawa ko. bwhahahah.
nyahahahaha pinalakol ang asawa hahaha tinuninuninuni hahahaha
ReplyDeletenuon puro ganyan ang binabasa ko e sabi ni mader tigilan ko raw at ang bilis ko daw maka adopt pagka ganyan ang binabasa ko hahahaha
natakot bigla.
naku mam,nung nagaaral ako e di ako mahilig sumali sa mga ganyan e,parang mahiyain ako nung araw,dipa ganun kakapal ang mukha ko kaya tahimik lang ako palagi
kasi nga e palagi akong drop out e ang babata nung mga kaklase kot ako na isa sa mga pinakamatatanda hahaha kaya ang binabarkada
ko nun e yung mga teachers na halos kasing edad ko na,
pag sumali ako sa mga play baka gawin akong lola o nanay waaa.
pero nung araw
type na type ko yung komiks na my manananggal kaso
pinapagalitan kami pag
nahuli kaming nagbabasa ng komiks na tagalog.