Wednesday, November 25, 2009

Massacre sa Maguindanao at ang mga Presidentiables

 Dear insansapinas,


Wala akong iniindorsong kanditato. Sino ba ba naman ako para magindorso? Hindi naman ako si Marian Rivera. Isa pa ayaw kong nakatali ang kamay ko o malabo ang mata ko sa mga maling ginagawa ng presidentiables. Hindi ko pa nakukuha ang aking prescription glasses.



Sa Isang Tanong Isang Sagot ng GMA 7, hindi ako naniniwala na ang pinakamagaling at pinakamabilis sumagot ang pinakamagaling na presidentiable. Tingnan mo si Chiz Escudero. Noon, hindi pa nakakaisang sentence ang nagtanong, isang chapter na ang sagot niya, walang comma, walang period at walang exclamation point.
Nasaan na siya. Walang umampon sa kaniya. Wawa naman.
Although doon sa programa makikita mo kung sino talaga ang mga nag-iisip bago ibuka nila ang kanilang bunganga. Makikita mo rin na kahit hindi makapal ang make-up, makapal din ang mukha. Muntik na akong mahulog sa aking tumba-tumga nang marinig ko ang maraming sagot kung paano ba maging hero.


Pero mga tanong na ibinato sa presidentiable (karamihan muntik ng mabukulan) ay hindi nagtetest kung ano ang capability ng kandidato para umaksyon sa isang issue na kailangan ang madaliang solution kagaya ng massacre sa Maguindanao. Tingnan natin ang mga sagot na hinango ko kay VICTORINA.


SENATOR BENIGNO AQUINO III
“We must unite ourselves in order to put an end to these killings,” Aquino said, standard bearer of the Liberal Party (LP).
Aquino said that the country’s new set of leaders should focus their efforts in curbing the worsening peace and order problem in Mindanao.
He emphasized that only by good governance can the government authorities reverse the situation in many areas of Mindanao that are often fazed with problems on rebellion, terrorism and other criminal activities.

NASA CAMPAIGN MODE SIYA. ANG GOOD GOVERNMENT NA SINASABI NIYA AY ANG TANDEM NILA NI ROXAS. 


KAHIT SINONG MORON ALAM ANG IMPORTANSIYA NG GOOD GOVERNMENT PERO SA KASONG ITO ANG HINIHINGI AY KUNG ANO ANG NARARAPAT GAWIN HABANG ANG 
ISSUE AY MAINIT PA. PARA BANG ANG SAGOT SA TANONG NA ANO ANG GAGAWIN MO PARA MAALIS ANG MANTSA SA DAMIT AT SINAGOT KA NA KAYA KAILANGAN MAG-INGAT MAMANTSAHAN. eH MAY MANTSA NA NGA ANOH. DUH.


HERMOGENES EBDANE
“The perpetrators must account for this brazen crime, and the government should do no less. Whoever is responsible for this gruesome act should be pursued endlessly and brought to justice,” Ebdane said.

GILBERT TEODORO
Teodoro urged government authorities to arrest the perpetrators whoever they may be of the mass murder in Maguindanao province.
“This goes beyond political alliances,’’ said Teodoro, standard bearer of Lakas-Kampi-CMD. He called for the arrest of Mayor Andal Ampatuan Jr., the Maguindanao governor’s son, to face an impartial investigation for alleged complicity in the mass murder.

KUNG SERYOSO AT TAPAT SA KANILANG SINABI ANG 
DALAWANG DATING MAKADMINSTRASYON, GUMAWA SILA NG PARAAN PARA ANG KANILANG SUGGESTION AY MAISAKATUPARAN. OTHERWISE, BAKA TAKOT SILANG MAWALA ANGSUPORTA NILA DOON SA LUGAR NA IYON. 
BRO. EDDIE VILLANUEVA
Villanueva, standard bearer of Bangon Pilipinas Party, called on authorities to immediately put a stop to violence.

KUNG BAGA SA NILUTO, WALANG ASIN, NEXT.  

SENATOR MANNY VILLAR JR.The Nationalista Party headed by its standard bearer Senator Manny Villar and his running mate Senator Loren Legarda expressed outrage over the massacre and called on the Arroyo government to take a swift and decisive action to resolve the incident.

BAKIT KASAMA SI LOREN LEGARDA SA STATEMENT NIYA?  

Bakit wala si Erap? Siguro napagod pagtakbo  doon sa Makati Oval kasama si Binay. 

Pinaysaamerika 

6 comments:

  1. hahahahaha ubo ko ng ubo habang tawa ng tawa, kasi dun ako natatatwa sa mga comment mo dun sa mga sinagot nung mga presidentiables.
    ito namang si villanueva, kung talagang malinis ang hangarin nya e wag na syang tumakbong pagka presidente,ayusin
    nalang nyang patakbuhin ang mga kaluluwang naliligaw jejeje.
    yung ky villar
    naman,ok naman palang ka love team si villar,mahal nya ka loveteam nya na kahit dina dapat kasama sa sagot e sinasama pa nya hahaha.
    yung kay noynoy, dapat
    pala sinagot nya,kalamansi lang katapat nyan hahaha.
    kuuuh, wala kang
    maitutulak tadyakan hahaha.

    ReplyDelete
  2. nakakalimutan ko ngang lagyan ng link yong pangalan mo. nagloloko kasi yong edit function ko.

    mdaling magsabi na kailangan good government ang mag-aalis ng ganoong klaseng mga warlordism, insurgency at ang mga kidnapping.

    ang warlordism kailan man ay hindi maalis dahil sa lugar na yon, wala ang salitang patawad at move on. sa kanila, an eye for an eye, a tooth for a tooth o kaya ay false teeth for false teeth, hindi pwedeng sng clan ay gaganti na dekada ang inaabot.

    isa papower intoxicates. kahit na lagyan mo ng presidente yan na may pakapak at may halo, hindi yan titigil kung nakasalalay ang kanilang kaligtasan sa mga paghihiganti.

    insurgency-bakit ba sila patuloy pa in kahit wala na ang mga "komunista".
    Kasi power din.

    kasama ng kidnapping, anong binatbat ng pakikipagbuntalan ni manny pacquiao para kumita ng milyon kung magpapatubos lang sila ng mga kinidnap?

    ReplyDelete
  3. tama ka dyan mam, sa ilokos na lang, nakakatakot kahit di eleksyon my ganyan at lalo na pag my eleksyon, clan vs clan na yan e kahit pa sinung umupo dina kayang pigilian pa yan mga nakatandaan na nila yan e, lahat sila my mga kanya kanyang bataan na puro mga bata at walang takot pumatay,
    wala sa kanila yung peace, ang kanila e pera + power para maka survive at patuloy na mabuhay ng mariwasa.
    yung best friend ko, yung tatay nya,pinsan na congressman mismo nung araw ang pumatay bukod pa sa talagang pumapatay ng dahil lang sa lupang ayaw ibenta sa mga friends nyang gustong bilhin yung lupa dahil maganda ang lugar,sa harap daw mismo ng nanay nya binaril at di lang makapalag yung nanay nyat 12 silang magkakapatid na kelangang igapang na nung araw e mayaman sila,pero nung pinatay yung ama e naghirap sila,pero mayaman na ulit sila ngayon hehehe e 12 ba naman silang lahat
    e naging professional at kumikita ng malaki,kaya ni wala na sa isip nila ang maghiganti dahil tahimik na buhay ang hanap nila.

    ReplyDelete
  4. it is more of power struggle in their respective territories.

    kahit na anong develop ang economy ng bansa meron yan.

    hindi lang sa political clan (mafia)
    kung hindi sa businesses which are mostly illegal in nature (drug cartels, drug lords) at kahit sa mga legitimate businesses din.

    ReplyDelete
  5. totoo yan mam, totoo yan.
    at kahit ang gobyerno di sila makakanti.

    ReplyDelete
  6. takot din silang mapatay. at takot silang mabuking.

    ReplyDelete