Tuesday, November 17, 2009

KRISTA RANILLO WHO? The blind item is no longer blind

Dear insansapinas,



I was writing about his father Mat Ranillo III when I decided to trace the family tree from the roots to the branches.   


Alam naman ninyo ako mahilig gumawa ng puno ng mga taong gusto kong makilala. Nagcomment si Krista Ranillo:

Hi! It was so nice to find your site on the net. Wow you were able to find an old picture of my Grandparents! And my dad, haha classic picture! =) I appreciate your effort! Thanks!)
-Krista R.

By the way, just to further complicate things, My dad's siblings were also in showbiz. Suzette, Lilibeth, Dandin, Juni. My step-grandfather Amado is a Padilla whose sister is the mother of Rudy Fernandez and brother is the father of Robin Padilla and his siblings =)


But I already knew the family background because I also did the family tree of the Padilla clan and researched about Suzette Ranillo when she won the Best Supporting Actress in  Famas Award when she was still using another name--Nadia Veloso.


Besides, I was in San Francisco when Amado Cortez was the consul and Gloria Sevilla with her children from the first husband Mat Ranillo Jr. were residents of San Francisco. So when I read one columnist who wrote that the Ranillos were moving to the US, this made me think about all these blind items. Then another article said that they are doing a movie.



Just like in the case of Ara Mina, a friend in the Bay Area swore to me that the real man in her life was a male nurse in their neighborhood when she was being rumored with Pacquiao. I do not know how true it is but my friend is the type who does not gossip. Chismis lang. ahoy.  Pagkatapos ng pelikula na hindi naman kumita, nawala ang tsismis.


Mawala rin kaya ang tsismis pagkatapos ng a na pelikula ni Manny Pacquiao together with Dave Batista, the famous wrestler, Onyok Velasco and Benjie Paras who were branded as hawi boys of Manny Pacquiao in one article na sinalo ko naman. toink.


Oh yes, the gossip started with a write-up about  seeing them in HK, tapos sinundan na ng story na sa pagkablind mag-iisip ka kung pati yong writer kilala niya yong sinusulat niya.


Tapos ang balitang nag-away sina Manny Pacquiao at si Jinkee, bago ang laban na sinulat ni Lolit Solis.



Pakibaba ang kilay ko. Kasi medyo yata di kapapaniwala. Papayagan ba ito ni Roach na maapektuhan si MP hours bago ang laban dahil sa family squabble.


Ganoon ba kainsecure sa Jinkee na hindi niya maihintay ang kaniyang pagdaldal dahil sa selos na pwedeng ikatalo ni Manny?


Ah hindi ko pinagtatanggol si Krista o si Manny. Ayaw ko lang na pinaglalaruan ng mga entertainment writers na gumagawa ng mga gimmick para lang kumita ang pelikula. Lalo na ang mga writers na magkakuwarta lang ipagbibili ang kanilang kaluluwa at kukurap-kurap lang pag nahuling nagsisinungaling.


Sabi nga ng paborito kong writer, I will bet my whole month breakfast if my suspicion is not true. Kung magtatanong kayo bakit biglang nagkaroon ako ng doubt, blame the stories about the alleged quarrel between the couple. Parang di ako makapaniwala. Ang kokontra, bibigyan ko ng piso para sabi ng ni Lee maghanap ng kaniyang kausap.


Naalala ko tuloy noon ang isa naming manager sa opisina na naging girl friend ng isang sikat na basketbolista na natisitsismis na boyfriend naman ng isang celebrity. Tinanong ko kung di siya nagselos. Sabi niya nagseselos siya pero alam naman niya na mga publicity at gimmick. At para nga kumbinsido, may padate date pa. hindi rin sila nagkatuluyan kasi ang pinakasalan ng boyfriend niya ay ang nabuntis niyang isang istudyante na dinidate niya dahil nga masugid niyang tagahanga.


Pinaysaamerika




4 comments:

  1. sabi nga e kung my usok means may apoy, at ayaw mamatay matay yung apoy e,same topic ang tagal nat di mamatay matay.
    o sya sige na dina mamatay matay yung chismis, sinu bang nagpapalaki?
    ang mga media,ang mga chismosa,ang mga pakealamera,ang mga walang ginawa kungdi bantayan yung buhay ng ibang tao.
    o sya sya, babae din naman akot nararamdaman ko din yung nararamdaman ni jinkee na kung sakin man mangyari at diko kinakampihan si manny dahil never ko naman syang gusto kahit nuon pa,at si krista e walang dating at nainis ako nung minsang nasa pinas akot my napanood na challenge show e saksakan ng arte na para bang ipinanganak ng may gintong sandok sa bunganga na isda lang ang hahawakan e parang diring diri (di bagay)
    my video nga raw na nagmimisa e iyak ng iyak ang jinkee at hinawi ang kmay ni manny nung sinubukan syng aluin, at alam ni jinkee na nakatutok sa kanya ang camera, since di naman syowbiz ang jinkee kaya di nya maitago ang feelings.
    kaso di ko nga makita
    yung video kasi blocked dito ang mga videos specially youtube aguuuuy!
    una sa lahat e ayokong magbigay ng comment pagdating sa mga ganyang issue, ito kasi ang issue na mahirap magsalita ng tapos,unang una malay natin biglang mainlab sakin si manny at ako
    naman e kahit hindi inlab sa kanya e maiinlab naman ako sa kanyang makapal na pitaka, di nga pitaka e baka maleta pa hehehe.
    i believe na kundi man yan gimmik e fling lang, kung ang lalaki ay talagang cheater e cheater yan,pasasaan bat pagsasawaan din nya ang krista at
    aKO naman ang kanyang kababaliwan(dream on lee)so ayos ang butu buto at ang
    aking pang shopping di ba naman?
    sana lang since alam ni jinkee na nakatutok sa kanya yung camera e nagpa tupperware nalang muna syat pagdating sa bahay saka nya binanatan sa kabilang tenga si manny para pantay yung maga ng tenga nya diba?
    sus ginuo, malaking issue nga yan mam,kasi may plano pa namang laban ky floyd mywethersakukote at my plano pang tumakbong pagka senador e ganyan ganyan sya ewan lang kung anung susunod na kabanata.
    pero kung ako ang tatanungin?wa ako paki sa diko pami,marami din akong problemang dapat ayusin bago ko pakelaman ang problema ng iba, at mas malaki pa nga ang problema ko kesa sa kanila,
    eto mga problema kong di ma solve...

    nirarayuma ako sa sobrang ginaw, lintik na winter yan oo.

    ReplyDelete
  2. ayaw ko ring magjudge tungkol sa morality. hindi naman ako judge.

    magboxer o maging common tao yan kung talagang mahilig mahilig.

    tama yong sinabi mo, madaling mainlab sa isang tao na malaki ang puso eheste, bulsa.

    may pinanood ako sa law and order na maraming galit sa mga babaeng ruso dahil tinatarget yong mga mayayamang may-asawa na ikinahihiwaly ng mga ito.

    ReplyDelete
  3. anak ng sinampalukang tuyo, diko narealize na ganyan pala kahaba ang comment ko?buti nalang walang nambato e blog part 2 na to ah?
    sa dami ng sinabi mas marami pa pala yung ligoy hahahaha.
    sige nga dadagdagan ko pa hahaha.
    wala talaga,sabi nga nung kapatid kong lalaki mula pa nung mga bata kami, na wala kang mapupulot na magandang aral sa mga pinagsasasabit pinagsususulat ko,hahaha.
    sabi naman nung kapatid kong babae, kung wala rin lang masabing maganda e manahimik nalang,anu sila mga delusyunal?ako?mananahimik?e di tinrangkaso ko!

    naku mam, mahirap na topic lalo pa yang pagiging moralista,at sa sobrang pagka moralista tuloy e ipokrita na ang labas.
    sakin naman e kung san ka masaya dun ka,yun nga lang,mahirap lalo pat pitaka este puso ang sangkot.....
    o pagibig na makapangyarihan,
    pag pumasok sa pitaka este sa puso
    ninuman,hahamakin ang lahat, makapag shopping lang...

    ang masakit nga lang e yung may mas maraming masasaktan,
    kaya nasa kanya na kung itutuloy nya na maraming masasaktan at maaapektuhan o magsakripisyo sya na sya lang ang masasaktan.
    meron namang mga taong marunong magdala na
    di nakakasakit,sabi nga e ideny mo ng inedy kahit buking kana,unless nakapatong ka o ikaw ang may patong sa nahuli sa akto e sabihin mo nalang nadapa lang,
    tingnan mo si hayd-in... yun ang manahin nila diba? buking
    na lumulusot pang pilit.

    ReplyDelete
  4. sabi nga sa isang article na nabasa ko, we can not set moral code sa internet because of the anonimity and the death of information about the matter.

    huwag na lang sanang isama ang pamilya ni krista.

    tahimik sila. it may be true or not pero si krista, hindi na menor a puwedeng rendahan.

    pero aaminin ko masarap talaga ang tsismist at intriga.

    ReplyDelete