Walang nakakaalam kung ano talaga ang nagbunsod sa alleged shooter sa Fort Hood kung saan labintatlo ang napatay at mahigit tatlumpo ang nasugatan.
Sabi nga ng senador:
Before making judgments about the shootings at Fort Hood, a thorough investigation needs to take place, Sen. John Cornyn of Texas said Thursday.
"It is imperative that we take the time to gather all the facts, as it would be irresponsible to be the source of rumors or inaccurate information regarding such a horrific event," Cornyn said in a statement.
"Once we have ascertained all the facts, working with our military leaders and law enforcement officials on the ground, we can determine what exactly happened at Fort Hood today and how to prevent something like this from ever happening again," he said.
Nanonood nga ako kahapon ng Law and Order kung saan ang isang tahimik at mabait na ama ay pumatay ng apat na tao.
Ang DA ay gusto siyang patawan ng sentence ng kamatayan hanggang ireccomend ng Psychiatrist na ipacheck-up ang utak ng suspect.
Yon pala may syphilis na sumira ng utak ng lalaki. Ang idenemanda ay ang insurance company na hindi inireport ang findings ng medical examination ng killer.
Pinaysaamerika
tsk tsk, nakakalungkot nga noh, di nga namatay yung mga kaanak nila sa gyera e sa ganyan lang mamamatay, parang napaka worthless nung ganung pagkamatay.
ReplyDeleteyung pinsan ni mader na 10 years nanligaw yung lalaki sa kanya at 10 years din naging mag steady kaya nga mey edad na nung ikasal, high school palang nanliligaw na yung lalaki sa kanya, 2 months pala nakakasal, binarin yung asawa nya sa loob ng kampo, nagkapikunan sa issue ng politics habang naglalaro ng chess, binaril sa ulo yung asawa, then after another month nadiscover na may laman pala yung tiyan, sigh!
kanina nga habang nasa grocery store ako, panay ang tingin ko sa main entrance, baka bigla na lang may ganiyan din, mamaril na lang. walang pinipiling ligar, iskwela, simbahan, templo ngayon base.
ReplyDeletenoong nagtatrabaho ako sa isang non-profit, marami kami roong mga ginagawang empleyado na dating con.
doon sila sa soup kithcen o kaya sa mga ibang non-office work.
noong minsan ma barilan din, malapit doon sa isa naming building. emplyado namin ang pinatay, naghigpit kami sa security.
baka bigla na lang may pumasok sa opit namin at mambaril baga.
nakakatakot na nga e wala ng safe na lugar kahit saan my mga ngyayaring ganyang violence, nakakalungkot, nagka buang buang na mga tao sa sobrang depresyon.
ReplyDeletedito kasi wala kang mahihingan ng sama ng loob. aang shrink may bayad. ang mga kaibigan mo hindi available dahil busy ring magtrabaho.
ReplyDeletehindi kagaya sa atin na pagkatapos sa opisina, kita-kita.
pag weekend, lakwatsa. dito ang weekend para sa paglaba, paglinis. pag may anak, pag dala sa kanila sa mga pasyalan para naman hindi masabing mapapabayaan.
kahit sa telepono mahirap makausap ang mga kaibigan. nasa opisina. pagdating sa bahay, magluluto pa sila.