Tuesday, November 03, 2009

ELECTION DAY

Dear insansapinas,

Update: Nakabalik na kami ng kapatid ko. Nagbukas ang polling precinct ng 6:00 AM. Kakaunti pa ang mga tao.

Hindi kasi holiday dito. May pasok sa opisina at sa school. Ang mga taong papasok, either boboto ng magang-maga o paglabas nila.

Nakapila ako doon sa A to K. Tiningnan noong lalaki ang aking voter's id. Sabi niya doon daw ako sa kabila. Kasi ang pangalan ko raw ay doon pumapatak. Hello, first name ko yon ano. Ang last name ko ay between A to K. American name pa. Hindi foreign sounding. Toink.  
================ 
Maaga ako ngayong gumising. Pupunta ako sa school. Hindi ako nag-aaral, Silly. Election sa amin ngayon dito ng governor, delegate at attorney general.


Tapos na ang campaign period nila. Wala ditong mga video kagaya ng kay Noynoy at Mar Roxas. Walang artistang involved.


Dito siraan talaga sila. Si Democrat candidate sisiraan si Republican candidate, vice versa. Tapunan ng putik.hehehe


Walang sinabi ang pulitika sa atin. 


Panay pa ang tawag sa telepono. Panay ang padala ng mga glossy flyers. Ginagawa kong patungan ng coffee cup ko. Matagal mabasa. mweheeh.




Pinaysaamerika

4 comments:

  1. hahaha ok yan ah, sige mam ipunin mo damihan kaso bigay para my reserba ka patungan lol

    ReplyDelete
  2. ang dami ko ngang naipon mula sa iba't ibang kandidato. gastos ng partido yon. kaya inuubos nila ang
    contribution.

    one hour lang na nagsara ang presinto, alam na namin ang nananalo.
    ang mga natalo, concede kaagad.

    Kontra partido pala kami ng kapatid ko. hehehe

    ReplyDelete
  3. ok din sana kung satin ganyan din, kaso satin walang kandidatong natalo... lahat dinaya lol.

    ReplyDelete
  4. lee,
    sinabi mo. hahaha

    ReplyDelete