Wednesday, November 18, 2009

Blurred Vision, Blurred memory

Dear insansapinas,
This afternoon, I went to an eye doctor. He's new. I did not go back to the opthalmologist who gave me a pink eye after my eye exam. Hindi ko favorite ang color. Tseh niya.


Normally getting an appointment with a specialist takes weeks or months. Seeing an eye doctor for corrective glasses is different from my purpose of seeing the doctor. It is about my blurred vision which could be caused by my diabetes. My doctor advised me to have an eye exam because I complained that my blurred vision is getting worse that I have to copy and paste the news that I read online in the WORD and enlarge the texts. The other day in the grocery, I thought I got the wrong drinks. 


I use a Wallmart slashcheapslashreadingslashglasses in reading books. When using my PC, I make use of my prescription glasses or none at all because it is for nearsighted.


Anyway, this was how the conversation for setting up the appointment with medical receptionist went over the phone.


Me: blah blah blah blah (translation: got to see a doctor for a specific purpose; my insurance is blah blah blah.
MR: let me see. Can you come TOMORROW at 1:40 PM.
Me: Wow, that was fast (sa sarili ko lang yon).Oh yes. (Malakas loob kasi nakabakasyon ang aking dear brother at pwede akong idrive).


Si makulit, si ako, inulit ko ang appointment, tomorrow at 1:40 and the doctor is...and your address is...
MR: Right.


So punta naman kami ng kapatid ko pagkatapos na maghanap ako ng bagong relos dahil yong binili kong chipipay na relos na nakalagay ay WATER RESISTANT 50 something, nalunod, di ko pa ma nilublob sa bath tub yan at sa sink, Mist lang ng running hot water, nagkaroon na siya ng fog sa loob. Ayun panay ang tick, hindi naman gumagalaw ang minute hand. Cheap kasi. CHE...AP ko.


Pagdating sa doctor's office. Wala ang pangalan ko sa appointment. Tumaas ang kilay ng aking brother. Sign of blurred memory? (Nagbabasa pa naman ako ngayon ng nobela about a detective who has no memory in short makakalimutin).


Thursday daw ang appointment ko. Sandali, hinalungkat ko ang archives ng aking utak kasi pag appointment sa doctor hindi ako nakakalimot.


Walang Thursday ang MR na binanggit dahil kung binanggit niya yon, hahanapin ko ang aking calendar of appointment para makita kung anong date. Clear ang sinabi niya...tomorrow...parang kanta ni Annie Tomorrow, tomorrow, I see you tomorrow...Tuesday kahapon so ang tomorrow ay Wednesday.


Anyway, buti wala pang pasok ang kapatid ko. Nakakalimot ako na ang salamin ko pala ay nasa ulo ko pero yong appointment sigurado ako dahil ngayon lang pumalpak. Previously kasi after call sa doctor, tawag ako ng ride ko at papick-up ako pagpunta at pag-uwi.


Ito kailangan ko ang kasama dahil hindi ako puwedeng magdrive (hindi na naman talaga ako nagdadrive anoh, surrender na ang aking driver's license) after na kalikutin ang aking mata.


Ito si Victor Borge, his lost eyeglasses and his eye doctor.




Ow did I write that I bought another watch? Mas cheap.

Pinaysaamerika 

11 comments:

  1. baka nalito si doc at 'malabo' ang pag-iisip haha

    ako lumabo lang mata ko nung college mam cathy. 150 sa left, 275 sa right. pero meron kasi malabo na talaga mata since bata pa. asa genes siguro.

    maganda tanghali mula sa Dubai! :D

    ReplyDelete
  2. dencio,
    magandang umaga mula sa US.

    malabo talaga ang mata mula pa noong College ako at meron akong salamin.

    iba ang malabo ang mata pag may diabetes ka dahil mataas o mabba ang iyong blood sugar level. kahit magsalamin ka hindi maayos.

    pero temporary lang yon. magstabilized ang glucose level, lumilinaw ulit ang mata as in pwede ka ng magsalamin. (ANGLABOPA RIN ANOH? )

    sa akin talagang malabo the whole day kaya minsan di ako nagbablog, two times a day na lang. haaha I mean sa iba kong blog.

    ReplyDelete
  3. naku mam,6 yr old palang ako e si labo nakot kapal na ng salamin kaya yata di tumubo ilong ko sa bigat ng salamin(naghahanap pa ng masisisi).
    pero yung pagiging blurred ng memory e inborn na hahaha.
    yung relos mam baka naman made in china jejeje.
    simula ng mauso ang celphone never ko ng kinailangan ng relos,e nung araw ang gamit kong relos e yung gamit ng matatandang nakabitin yung bilog na my chain lang, di kasi ako makasuot ng relos dahil sobra ang pagka acidic ko na kahit ginto e mangingitim sakin.

    ReplyDelete
  4. acidic din ako. pero pag tunay na ginto naalis ang pagkacidic. dapat lang mataas ang karats.

    nightblind naman ako noon. blurred memory, noong bata pa ako.

    di ba savi nga ng ating mader, naku kung hindi nakadikit ang...(insert the name) mawawala rin sa pagkakamalilimutin.

    ReplyDelete
  5. ahahahahahahaha
    natawa ko ng malakas, kasi yan din ang palaging sinasabi ni lowla then ni mader hahahaha
    at sasabihin pa bukod sa nawala e...
    kundi lang nakadikit yan, mayat maya nakikipaghabulan ka sa aso hahahahahaha.

    ReplyDelete
  6. kaya noon ayaw akong bilhan ng alahas ng mader ko lasi winawala ko raw. oo nga naman yong singsing pinalulutang ko sa tubig, ayaw lumutang . 5 or six ako noon.

    ReplyDelete
  7. nakupu, ganyan yung anak ko nung binilhan ko ng mga alahas, nangawala dipa pala talaga dapat,ayun hanggang ngayon ganun ang asal sa alahas,nagmana sakin walang hilig

    ReplyDelete
  8. dito ang mga maliliit na chicano, meron ng mga alahas.

    maliliit din.

    ReplyDelete
  9. hahahahaha maliliit din ba.
    sila nga mahihilig,pansin na pansin.

    turnoff naman ako sa mga lalaking my mga naglalakihang ginto sa katawan.
    pag nakakita ako ng llaking my malalaking ginto sa katawan isip ko kagad... ahhhh saudi boy!
    dito naman pag ang lalaki e may malalaking ginto na nangagsabit sa katawan... ahhh member ng mafia!

    nung araw my nanligaw sakin,akala yata e masisindak nya ko sa mga alahas nya,sinuot na yata lahat ng ginto nyang nakatago sa baul,paglapit sakin lumayo ako bigla..
    tanong nya...bakit ka lumayo?
    baka biglang kumidlat, tamaan din ako!
    ang sagwa, di ako sasabay maglakad pagka ganun hahaha.

    ReplyDelete
  10. sa lalaki tama na ang relos at weddin g ring. o kaya simpleng singsing.

    ReplyDelete
  11. Mahirap talaga kapag malabo ang mata. Ako nga, 15 pa lang may astigmatism na tapos ngayon almost 300 na yung left and right eyes ko.

    Mana yata ako sa aking ama. Malabo rin kasi mata niya eh. ^_^

    ReplyDelete