Dear insansapinas,
CNN Heroes Telecast
I still have to master how to use eyedrop. Pag ginamit ko, either papatak sa pisngi ko, sa eyelids o sa gilid ng mata. Never yatang pumasok sa mata. Pero ngayong gabi, swak siya kaya mamasa-masa ang aking mata. Palusot pa. Eh dalawang oras akong nakatanghod sa TV para sa CNN Heroes Telecast. Basa rin ang kamiseta ko, hindi naman sa patak ng luha kung hindi sa tubig na lumigwak galing sa baso pag-inom ko. Palusot ulit.
Sige na nga hikbi,hikbi, hikbi.
Bilib ako sa mga taong napiling heroes, kasama si Efren Penaflorida syempre. Isang hero doon na taga Indonesia ay may ampon na 48 aside from tatlo nilang anak.
Naalala ko tuloy ang aking lola na kung buhay siguro, hero din dahil may isandaan yata ang kaniyang inampon noong malakas pa siya at matagumpay na businesswoman .
I felt humbled. Napatunayan lang na hindi kailangang maging Bill Gates ka o Warren Buffett para maging pilantropo o makatulong sa kapwa. At hindi mo kailangang maging relihiyoso (take note one presidentiable) o kaya ay tumakbo ng public office. (take note another presidentiable) para maging hero.
Turkey pa rin
Anyway, turkey pa rin ang kinain namin. Hindi nga lang yong buo kung hindi yong pinilas-pilas na. Masarap din siya. Kasama ang mga kabarkada ng turkey pag siya ang nakahain sa lamesa, kagaya ng mashed potato, pasta, cornbread, sweet corn at apple pie.
Ang mga kaibigan kong bumati ay nagsabi na magluluto sila ng lumpiang shanghai, embutido, pancit, adobo at dinuguan. Ang mga lintek, pinaglaway pa ako.
Black Friday
Hindi ito ang Good Friday. Ito ang Friday after Thanksgiving kung saan bagsak ang presyo at ang mga shoppers ay nakapila na sa labas ng stores bago ito bumukas ng alas 4 o alas singko o alas seis.
Binigyan ako ng aking kapatid ko ng shopping flyers mula sa isang electronic store. Balak pala niyang sumama sa mga taong makikipagbalyahan pagbukas ng mall sa mga shoppers bukas.
Panay naman ang check ko sa mga items na gusto ko. Baka sakaling makaabot pa siyang meron pang available na item. Kasi ang ibig sabihin ng limited supplies ay baka isa lang ang item na kanilang ibabargain sale.
Wala rin silang raincheck. Siguro, ayaw nilang bumaha. ehek.
White House crashers
Medyo kapalmuks ang mag-asawang party crashers sa state dinner party na ibinigay ni President Obama sa Prime Minister ng India.
Hindi sila imbitado, nakalusot sila at nilagay pa sa Facebook ang kanilang mga retrato at sila raw ay imbitado. (Facebook na naman)
Yon pla ay marami silang kaso na involved ay kaperahan.
Akala ko pa naman sa pelikula lang nangyayari ito kagaya noong Wedding party Crashers nina Owen Wilson.
Pinaysaamerika
hahaha nabasa ko nga yang mga gate crasher na yan e naka saree pa ang bruha na my reality realhousewives na dapat din real gate crashers.
ReplyDeleteng dahil sa turkey na yan e kanina pako nangangarap ng lechon manok manlang kung walang turkey,dito naman kasi di lahat ng resto ay my peking duck, at naisip ko rin na lalo lang ako uubuhin ng husto dahil sa mantika ng peking duck kaya hanggang sa maglaway nalang ako.
matatagalan pa, pebrero pa ulit ang uwi ko kaya nu palang ulit ako makakain ng lechong sisiw, netong nakaraang uwi ko (august)sa tindahan pa lang binabanatan ko ng lechon, sabi nung sister ko nakakaawa naman daw akot mukhang hindi kumain ng ilang decada.
hay, ewan ko kung hanggang kelan tatagal itong lihi ko sa lechong manok.
ReplyDeletekung bigla akong bibigyan ng 3 wishes sa mga oras na ito, siguro ang isa sa hihilingin ko e turkey na kagagaling lang sa oven jejeje.
ReplyDeletehindi ako kumakain ng turkey sa pinas kasi. galit ako sa kanila, nanghahabol.
ReplyDeleteang kapatid ko naman hindi mahilig sa chicken.
ReplyDeletehindi nauubos yong binibili namang chicken sa rotesserie.
ang kapal ano. ipinagtataka ko lang bait nakalusot. kung wala sa listhan ang pangalan.
ReplyDeletemeans....?
ReplyDeletedipa rin ganun ka higpit talaga ang security nila, panay panay pa palusot nung security na dumaan naman daw sa process kaya safe, e ano?ang issue e panong nakalusot ng wala naman sa list?
nagpe facebook ang mga security jjejejeje
parang tinutuya nila ang security na mahina,
ReplyDeleteanu pa ba naamn ang iniexpect nilang madinig? syempre yun lang naman palagi ang binabantayan ng kabila, yung kung anung pwedeng ibutas, dipa sila magingat lol
ReplyDeletesarap maging pinoy nung binanggit si efren na nanalo.
ReplyDeleteheto pala ang iyong kwentong turkey at black fri mam cathy. tinanong pa naman kita sa latest post mo kung kamusta ang celebration haha.
tungkol sa mag-asawa, di na ko nagtataka na nakapasok sila kasi muka sila talagang matinik - madaming mga kaso e haha
gudpm mula sa Dubai!