Tuesday, October 06, 2009

TWIT, TWIT- Kanya-kanyang buhat ng bangko

Dear insansapinas,

TWIT
Nabasa ko ang isang presidential candidate na nagsabi na hindi ito oras ng politicking. Kaya hindi mo siya makita sa diyaryong namummudmod ng relief goods. Panay naman ang TWIT niya bawa't oras.
HOHUM.

URBAN PLANNNING

Tigilan na nga nila ako. Ang dami ng dumaang bagyo sa buhay  ko (talagang bagyo) mula pa nang ako ay ipinanganak sa Bicol at mapadpad sa Maynila. Isa na rito si Yoling na pumatay ng mahigit dalawangdaan dito sa Pinas at sa Vietnam. . Natatandaan kong nakapanungaw ko sa bintana at nakita ko ang aking kapitbahay na ang bilis ng takbo. Yon pala hindi siya tumatakbo kung hindi tinatangay siya ng hangin. Sa mga sumunod na araw ang ping-uusapan ay Urban Planning. Pagdating naman ng eleksiyon, hakot ng mg tao par magsquat at bumoto. Yon iba may mga sariling bahay. Ang inisquattan ay pinauupahan lang nila. Utos ni Mayor.

Nandito na ako sa States, nang mameet ko ang isang babae na isa sa mga tumira sa relocation sites ng mga inilipat na squatters ni Imelda sa Cavite. Panay ang lipat ni Imelda ng mga squatters sa kabas ng Maynila.
Panay naman ang balik nila dahil wala raw trabaho doon.

TSEH AT TSEH

Class Suit Action laban sa Dam

Pag nakakabasa ako nito ang tanong ko ay may mangyayari kaya. Panay sila demanda, panay imbestigasyon, panay papogi point lang.

tseh ulit.



MAKAPAGTSAA NA NGA.

Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment