Saturday, October 24, 2009

Skin Asthma at iba pang balita

Dear insansapinas,


Nang una kong mabasa sa isang blog ang skin asthma, akala ko yong skin ay umuubo. Yon pala eczema. hohoho.


Mas gusto kong tawaging skin allergy kasi minsan ang eczema sa atin ay tinataasan ng kilay na para bang nagkakaroon ka noon dahil ikaw ay hindi malinis sa katawan.


Sa totoo lang, nakukuha ang skin asthma sa lahat ng bagay na ayaw ng ating balat st system. Kagaya ko, allergic ako sa chemicals lalo na yong dishwashing liquid. Pag natuyo ang balat ko, may lumalabas na mga puti sa aking daliri tanda ng dryness. Pag kinamot mo. Sugat.


Dati ginagamot ko ng hydrocortizone. Prescribed pa yon. Aba naging immune siya. Tigas ng ulo. Ngayon pinagtitiyagaan kong lagyan ng lotion ang aking kamay. Pero hindi lang yan ang allergy ko. Pero hindi ko naman kayo doctor kaya sasarilinin ko na lang.


Mas masahol naman ang aking kaibigan. Allergic naman siya sa seafood.Pag kumain siya, namamaga ang mata niya at nagkakaroon siya ng mga rashes. Kaya kung mahilig ka sa seafood, siya ang masarap kasama. Solong-solo mo ang mga alimango,hipon at pating. toink.


 Ronaldo Puno 


Withdraw daw siya sa Vice-Presindential Race dahil kay Pepeng at Ondoy. OWS.  Baka alam niyang hindi siya mananalo.Sus.


Seagulls

Ang mga TV network ay mahilig gumamit ng background sa labas ng studio na sinasagap ng kanilang camera.
Ito ang seagull, nagpapansin. Balik-balik sa camera. Sa SF nga makita mo sila tinatabihan ang camera na nasa mga electrical post. Kinakausap siguro at tinatanong kung kailan sila lilipad. hohoho.




Pinaysaamerika

2 comments:

  1. naku mam ako matindi allergy ko, naoospital ako talaga tho wala naman akong pantal pantal sa katawan e mas grabe.

    yung pamgangkin ko na kapapanganak lang my skin asthma, inborn, kasi my hika yung ina, sabi nung doktor, yun daw skin asthma nung bata later on mapupunta sa ilong tapos pasok sa loob, means bukod sa skin asthma magkakahika na rin sya.

    napakaselan, pati soap at milk nya iba, kaya ayun yung lola bago liguan yung lola babad ng langis ng niyog pati mukha at pagtapos lilinisin para walang nagtututong sa balat.

    ReplyDelete
  2. kami lahi ng asthma kasiang dad ko asthmatic. ashtmywife. hehehe

    kidding aside, mother ko athmatic at marami siyang skin ashtma.

    bawal ang beef, ang labi niya kumakapal parang sa baka. bawal ang sardinas at bagoong, namamaga mata.

    kaya noon, restricted din ang aming pagkain kasi nga siya nagluluto.hindi siya makakatikim.

    hindi rin pwede corned beef. isda lang atbaboy.

    sarap pa naman ng tuyo at daing. wohoo.

    ReplyDelete