photofrom MSNBC
Puputi ang buhok ko pag binabasa ko ang mga balita. Sa edad na 72, tatakbo pa si Erap para maging presidente.
Siya ay pinatawad ni Gloria Arroyo nang siya ay tumuntong sa edad na 70 dahil sa policy na kailangan palayain na ang mga senior citizens. Pweh.
Si Bernie Madoff, 71, ang nanloko sa maraming Kano ng pera sa kaniyang Ponzi scheme, nagsisimula pa lamang sa kaniyang 150 years na prison term. Walang edad-edad. May kasalanan, ikulong.
Meron pang mga nakakulong na kababaihan na balak nilang pakawalan dahil nakakaawa naman. Ang mga kasalanan, illelgal recruitment, murder at iba pa.
Noong isang araw, may nalathala sa diyaryo (hindi ko na nakita pa) tungkol sa isang ina na siya pa ang nagbuyo sa dalawa niyang anak na siyam na taon at labing-isang taon sa isang Amerikanong pedophile na nahuli sa Florida.
Ang ganitong mga klaseng ina ang dapat ikulong. Kinakalakal ang kanilang anak para lang magkapera. Huwag may magbabanggit na dahil ito sa kahirapan dahil kung lahat ng mahirap sa Pinas ay ganito ang gagamiting alibi, mahigit kalahati ng population ng bansa ang magiging prostitute. Marami akong alam na
mahirap na nagsumikap para mabago ang kanilang buhay.
Itong mga mahihirap na ito na nagpapadala sa libreng t-shirt at pagkain na ibinoboto ang mga kandidatong nagsasamantala ay dapat ding sisihin.
Magkano kaya ang ibinigay sa mga ito?
Some came barefoot, others in well-worn slippers for what their idol described as “the last performance of my life.” Many more wore orange T-shirts emblazoned with his nickname: Erap.Hoisting banners and placards, an estimated 10,000 supporters of ousted President Joseph Estrada Wednesday converged on Plaza Amado Hernandez in Moriones, Tondo, to hear him declare formally what he had long been threatening to do—run for reelection in May 2010.Pinaysaamerika
sigh, tingnan mo nga naman sigh.
ReplyDeleteteka, mam bat nandyan picture ko?
malapit ko ng iabandon tong blogsite ko na to, gumawa nako ng bago na di puro forwarded mails ang naka post.
blogspot din, title, kung anu anu lang.
alam mo gusto ko buhok niya. White. Yan ang gusto kong kulay ng buhok ko.
ReplyDeletepwede mong isulat ang mga karanasan mo sa iba't ibang bahagi ng mundong pinuntahan mo na.
yon lang comment mo about compensated dating ay very informative na.
hahaha ganyang ganyan daw ang chura ko ng ipinanganak ako, kaso itim ang buhok hahaha
ReplyDelete